Kris Aquino still waiting for "personal sorry" from Mayor Herbert Bautista

May galit pa raw sa puso ni Kris Aquino at aminado siyang hindi pa nakaka-move on mula sa naudlot nilang relasyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.


Inamin ni Kris Aquino na nasaktan siya sa naging pahayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa “Yes or No” segment ng late-night news program ng ABS-CBN na Bandila noong June 6.

Sa naturang segment, tanging “Yes” or “No” lamang ang maaaring isagot ng guest sa tanong ng news anchors na sina Karen Davila, Julius Babao, at Ces Drilon.

Isang tanong kay Mayor Herbert ay kung mahal ba niya si Kris.

Sandaling natigilan ang alkalde bago sumagot ng: “Well, oo.”

May pag-asa pa bang maging sila munli?

Tugon ni Mayor Herbert: “Wala na akong magagawa, hindi na nga puwede. Hindi na nga puwede. No, no.”

“Hindi na” ang sagot ni Mayor Herbert nang matanong kung liligawan ba niyang muli ang tinaguriang Queen of All Media.

Read: Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista’s revelations about their short-lived romance: “It is tempting to defend myself, but what for?”



WAITING FOR A PERSONAL APOLOGY. Kagabi, June 25, sa episode ng Aquino and Abunda Tonight ng ABS-CBN, isa sa naging topic ang “no comment” statement ni Jane Oineza, isa sa housemates ng Pinoy Big Brother All In, nang bumisita sa loob ng Bahay Ni Kuya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Natanong kasi si Jane ng mga kasamahang housemates kung may pinabago ba sa katawan o mukha si Kathryn, dahil kaibigan niya ang young actress mula pa noong Goin’ Bulilit days nila.

“No comment” ang naging sagot ni Jane sa tanong ng kanya kapwa housemates.

Ayon sa palitan ng opinyon ng hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino, hindi raw magandang pakinggan ang pagsasabing “no comment” kung kaya namang sagutin ng “Yes” or “No” ang isang katanungan.

Bigla namang naisingit ni Kris sa usapan na minsan daw ay may gumawa sa kanya ng ganung eksena sa isang panayam.

Kahit nagbibiruan ang dalawang hosts tungkol sa topic, naibulalas ni Kris na, “I’m sorry, they’ll say na ’hindi pa siya nakaka-move on,’ tama po, hindi pa talaga, may galit pa ng kaunti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May galit pa, e!” diin pa niya.

Humahagalpak si Kris ng tawa tungkol sa kanyang rebelasyon. Pero ilang segundo ang nakalipas, naging seryoso na ang tono ng boses nito.

Saad niya, “No, ito na lang... I’ve been waiting for a sorry, a personal sorry.

"Kasi parang nasabi ko, ’Hiniya mo naman ako sa buong publiko, sana naman, kahit tayong dalawa lang na magkaharap, sana nag-sorry ka sa akin.’"

Walang binanggit na pangalan si Kris sa kanyang naging pahayag, ngunit malinaw sa mga manonood na ang pinatutungkulan niya ay si Mayor Herbert, kung saan nagkaroon siya ng short-lived romance.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN