Senator Bong Revilla refuses to enter plea in plunder case at Sandiganbayan

Sandiganbayan First Division entered a not guilty plea for Senator Bong Revilla during his arraignment on Thursday morning, June 26. On the other hand, his co-accused Janet Lim-Napoles and Atty. Richard Cambe pleaded not guilty of the plunder case filed against them.


Hindi naghain ng anumang plea si Senator Ramon "Bong" Jr. Revilla sa ginanap na arraignment ng kasong plunder na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, ang Sandiganbayan First Division ang nagpasok ng “not guilty” plea matapos basahan ng sakdal ang senador ngayong araw, June 26.

Si Senator Revilla ay sinampahan ng Office of The Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong plunder at 16 counts ng kasong graft.

Ayon sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, Department of Justice, at Office of The Ombudsman, umabot ng P224.5 million ang diumano’y tinanggap na kickback ng senador mula sa pakikipagtransaksiyon niya kay Janet Lim-Napoles, noong 2006 hanggang 2010.

Si Napoles ang siyang itinuturong utak sa likod ng bogus non-government organizations (NGOs) na tumanggap ng bilyun-bilyong pondo mula sa pork barrel ng mga sangkot na mambabatas.

Taliwas sa aksiyon ni Senator Revilla, si Napoles ay piniling maghain ng “not guilty” plea sa korte ngayong araw.

Maging ang legislative staff member ng senador na si Atty. Richard Cambe, na nahaharap din sa kasong plunder, ay naghain ng “not guilty” plea.

AMMENDED INFORMATION JUNKED. Kahapon, June 25, nagsumite ang Office of The Ombudsman ng amended information para sa kasong plunder ng senador.

Nakasaad dito na si Senator Revilla diumano ang nag-exert ng “undue pressure” sa implementing agencies na iendorso ang kanyang pork barrel sa NGOs na hawak ni Napoles kapalit ng matatanggap niyang kickback.

Liban sa pagtanggap ng komisyon mula kay Napoles, hindi kasi nakadetalye sa unang inahaing impormasyon kung ano ang papel ng senador sa pork barrel scam.

Ngunit ayon sa ulat ng dZbb, ibinasura ng Sandiganbayan ang naturang amended information sa ginanap na pagdinig kaninang umaga.

Nabanggit din na ang pagdinig para sa petisyon ni Senator Revilla upang pansamantalang makalaya ay itinakda sa July 10.

CO-ACCUSED. Ang iba pang kapwa-akusado ni Senator Revilla para sa kasong plunder ay ang kapatid ni Napoles na si Ronald John Lim at driver ng negosyante na si John Raymund de Asis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kasong graft, ang kapwa-akusado ng senador mula sa Department of Budget Management ay sina Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, at Marilou Bare.

Kasama rin sa sinampahan ng kasong graft ang ilang opisyal mula sa Tehnology Resource Center: Director General Antonio Ortiz, Deputy Director General Dennis Cunanan, former Group Manager Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, at Marivic Jover.

Ang iba pang kapwa-akusado sa kasong graft ay ang mga sumusunod: Myla Ogerio, Eulogio Rodriguez, Laarni Uy, Consuelo Lilian Espiritu, Evelyn De Leon, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Encarnita Munsod, at Maria Julie Villaralvo-Johnson.

Kasama rin sina Victoria Roman Cacal, Maria Nines Guanizo, Gondelina Amata, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordonez, Sofia Cruz, Chita Jalandoni, Gregoria Buenaventura, Jocelyn Piorato, at Evelyn Sucgang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN