Julia Barretto on possible romance with Enrique Gil: “Hindi naman kasi automatic na kapag loveteam kayo, dapat maging kayo.”

Ayon kay Julia Barretto, mas gusto niyang magsimula muna sa pagkakaibigan ang lahat kung sakaling magkaroon siya ng boyfriend. Paliwanag niya, "You know, it’s really a different thing kapag inuna ninyo ang friendship. Kasi kapag yun ang iniintindi ninyo, mas madaling makisama. Pero kapag iba yung motive mo agad, that’s even harder. Yung iba kasi, iba na yung iniisip. Excited masyado, kaya tuloy nagkaka-conscious na sa isa’t isa. So, lesson one, friend


Isang karanasang hindi malilimutan ang turing ni Julia Barretto sa kanyang kauna-unahang lead role sa isang drama series, ang Mirabella.

Ang Mirabella ang pinakamalaki at pinakamagandang blessing daw na natanggap ni Julia ngayong 2014.

Sabi ng Kapamilya young actress, “Ako, very happy ako, very satisfied.

“Kahit how many months lang… four? Pero nag-tape kami siguro one year, I think.

“I’m very happy kasi ang ganda talaga ng story niya.

“The story itself, being able to play two roles for your launching, that’s already a big thing.

“It’s very challenging and it’s my very first soap [opera], ‘di ba?

“So, it’s satisfying, kasi feeling ko, natapos din naman nang maayos.

“The ratings, nag-improve by the end din. Kumapit na rin yung mga tao sa story.

“So, I’d say that kahit hindi siya tumagal ng one year, ng eight months, kahit ano, I’ve learned a lot from the show.

“And there’s nothing better than what I’ve experienced on the set.

“Parang preparation na rin for the upcoming, parang ganoon.”

Ano ang feeling niya na matatapos na ang Mirabella?

“Siyempre nakakalungkot siya na magtatapos na siya.

“We’ve been taping this for almost a year. So, I’ve been with the same people for almost a year.

“Nakakalungkot siya pero, you know, it’s always exciting to know what’s next for you. What’s ahead.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng Mirabella kahapon, June 25, sa ABS-CBN compound.



ENRIQUE GIL. Ayon sa leading man ni Julia sa Mirabella na si Enrique Gil, posible siyang ma-in love nang tuluyan sa young actress.

Posible rin kayang maging boyfriend ni Julia si Enrique?

“Puwede rin! Pinu-foretell na namin ang future, ganoon,” nakangiting sagot ng 17-year-old Star Magic talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba mahigpit ang kanyang mga magulang na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa mga manliligaw niya?

Sagot ni Julia, “Hindi naman, hindi naman masyado.

“E, kasi naman, alam ko na rin naman kung ano yung tama.

“Siyempre, 17 na rin naman ako, alam ko na yung mga dapat, mga timing-timing, ganoon.

“I just have the guidance, they have my back.”

Boto ba ang mommy niya kay Enrique?

“Mas maganda raw si Enrique kesa sa akin!” natatawang sabi ni Julia.

Na-offend ba siya sa sinabi ng mommy niyang “mas maganda” si Enrique sa kanya?

“Hindi, okey lang, totoo naman!” tawa ng dalaga.

“Hindi, joke lang… Oo naman, Ken is a nice guy.

“He’s close to my Tita Gretchen [Barretto].”

Nagkasama sina Enrique at Gretchen sa dating primetime series ng ABS-CBN na Princess And I.

Hindi strict ang parents niya na magka-boyfriend na siya?

Ayon kay Julia, “Hindi naman siguro, pero it’s not… paano ba?

“Alam mo, you’ll never know talaga kaya mahirap sagutin ang questions na ganyan.

“But they’re not strict about it.”



FRIENDSHIP FIRST. Aminado naman sina Julia at Enrique na lumalim ang relasyon nila dahil sa Mirabella.

Saad ng young actress, “You know, it’s really a different thing kapag inuna ninyo ang friendship.

“Kasi kapag yun ang iniintindi ninyo, mas madaling makisama.

“Pero kapag iba yung motive mo agad, that’s even harder.

“Yung iba kasi, iba na yung iniisip. Excited masyado, kaya tuloy nagkaka-conscious na sa isa’t isa.

“So, lesson one, friendship first.

“Hindi naman kasi automatic na kapag loveteam kayo, dapat maging kayo.”



SWEETHEART.” “Sweetheart” ang ginamit na salita ni Enrique upang ilarawan si Julia.

Ano naman ang masasabi ni Julia kay Enrique?

“Totoo,” maikling tugon ng dalaga.

Mukhang hindi terno sa “sweetheart” na paglalarawan sa kanya ni Enrique ang sinabi niyang “totoo”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sige, ano siya… Ken is very thoughtful,” pagbabago ng sagot ni Julia.

Ano ang gagawin niya pagkatapos ng Mirabella? Pahinga muna ba siya o may kasunod na siyang proyekto?

Ayon kay Julia, “After ng last taping ng Mirabella, actually we have a show in London.

“Magbe-vacation lang muna ako doon ng few weeks there. Mag-e-extend ako.

“’Tapos siguro, when I get home, a little more [vacation]. ‘Tapos, I still have work naman.

“Kasi siyempre, I got my old commitment also.

“Pero anything about that, siguro the management is the best one to tell.”

Sino ang kasama niya sa London?

“Marjorie Barretto!” natatawang pagtukoy ni Julia sa kanyang ina.

Inaasahan ba ni Julia na ang next project niya sa Kapamilya network ay kasing laki o mas malaki pa sa Mirabella?

“Sana, I hope so,” asam niya.

RATING HER PERFORMANCE. Very vocal noon si Julia sa pagsasabing iniidolo niya ang kanyang tita na si Claudine Barretto.

Sakaling nanonood pala si Claudine ng Mirabella, ano sa palagay ni Julia ang ibibigay na rating ng tita niya sa kanyang performance?

“Oh, wow! I don’t know po.

“I wish I could find out. I wish I could get pointers from her.

“Pero if she is watching, and if she’s saying like that sa interviews niya, then… I don’t know po, e.

“If I say kung paano niya ako i-rate, it’s like saying I’m rating myself.

“Ayaw ko naman i-rate ang sarili ko at this point pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN