Julia Barretto refuses to comment about officially changing her surname from Baldivia to Barretto

Julia Barretto: “I don’t have any regrets in my life. I mean, why would I regret anything that brought me here, ‘di ba? It made the person that I am now. Thankful ako sa past experiences ko. Kasi kung wala yun, e, di wala ako dito now.”


Tumangging magsalita si Julia Barretto tungkol sa balitang nadesisyunan na raw ng korte na “Barretto” at hindi na “Baldivia”—na siyang tunay na apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla—ang opisyal na gagamiting apelyido ng young actress.

Pahayag niya, “Ano… what do you call it? I hope you guys understand if ano… I don’t wannt speak of my father.

“Para yun na lang yung privacy ko na natitira. Yun na lang.”

Bagamat nasa poder siya ng kanyang ina na si Marjorie Barretto, may komunikasyon pa rin naman daw sila ng ama niya.

“My dad and I are okay. May communication naman kami ng dad ko,” sabi ni Julia.

Binati ba niya ang kanyang ama noong Father’s Day?

“Yes, of course. Siyempre naman, he’s my father,” sagot ng 17-year-old actress.

May ibinigay ba siyang regalo rito?

“Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto na niya ngayon.

“He’s like 53. Ano ba’ng gusto ng 53 years old? Joke!” tawa niya.

Hindi raw mahilig humingi ng kahit ano si Dennis kay Julia.

“Yeah, hindi. Gusto lang niya mga hug, ganyan.”

Pero nasulat kamakailan na lumang-luma na raw ang cellphone na gamit ni Dennis. Aware ba si Julia rito?

“Huh? Luma na cell phone niya? O, sige, bigyan natin siya ng cellphone,” sabi niya.



FRIENDS IN SHOWBIZ. May kaibigan ba siya sa showbiz?

Saad ni Julia, “In showbiz, you look for friends na… sa showbiz kasi, different personalities ‘yan, e.

“Kaya dapat extra-careful ka kasi hindi mo alam kung sino yung may hidden agenda, kung sino yung nagpapakatotoo.

“What I learned is when you found somebody who is real to you and is genuinely a friend of yours, you should not let that friend go anywhere.

“Hawakan mo na siya nang mahigpit, ganoon.

“The same with Alora [Sasam], I’ve realized that she’s someone na naikukuwento ko lahat, naiiyakan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang trini-treasure ko talaga yung friendship namin because you won’t find someone like her all the time.”

Sino pa ang kaibigan niya sa showbiz?

“Si Alora lang… joke lang,” pagtukoy ni Julia sa kanyang co-star sa Mirabella na gumaganap bilang Darigold.

Totoo bang binigyan niya ng cell phone si Alora?

“Oo, kasi love ko siya, at kailangan niya ng phone,” tugon ni Julia.

May regret ba siya sa buhay niya?

Sagot ni Julia, “I don’t have any regrets in my life.

“I mean, why would I regret anything that brought me here, ‘di ba?

“It made the person that I am now. Thankful ako sa past experiences ko.

“Kasi kung wala yun, e, di wala ako dito now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN