Kylie Padilla moves on from breakup with Aljur Abrenica: "Lumipas na yung malungkot na panahon. Okay na."

Kylie Padilla launches her debut album Seasons with her carrier single "Gitara." She admits that the song is not relevant to her current status and assures everyone that she has moved on from her breakup with Aljur Abrenica.


Masaya ang aura ni Kylie Padilla nang humarap siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa pocket presscon ng kanyang debut album na Seasons, sa GMA Network Center, ngayong araw, June 26.

Ito ay sa kabila ng kagagaling lang sa breakup ni Kylie.

Sa isang interview niya sa Startalk ay kinumpirma na Kylie na break na sila ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica

Ngunit ayon kay Kylie, pagkatapos siyang kumustahin ng press, “Okay, I’m okay na.

“Lumipas na yung malungkot na panahon. Okay na.”

Pero inamin ng Kapuso young actress-singer na noong simula ay nahirapan siya.

“Akala ko, hindi ko kaya.”

Kaya naman masayang-masaya si Kylie na nalagpasan na niya ito.

Ngunit sa kasalukuyan daw ay wala pa siyang ini-entertain na manliligaw.

“Wala naman. I don’t know... pahinga muna.”

Handa na ba siyang makasama o makatrabaho si Aljur sa isang proyekto?

Mabilis niyang sagot, “Let’s be professional, okay lang.”



LESSONS AFTER THE BREAKUP. Nabanggit ni Kylie na mas na-appreciate niya ang kanyang sarili ngayon pagkatapos ng breakup nila ni Aljur.

“Laging magtira para sa sarili,” sabi niya.

Nagbigay pa siya ng tatlong tips sa mga babaeng may pinagdadaanan.

Pangatlo sa kanyang listahan ang pagdarasal. Dito raw siya kumuha ng lakas noong pinanghihinaan siya ng loob.

Pangalawa, “Discover yourself again... yung mga kaya mong gawin, your strengths and not your weaknesses.

"After breakup, bumababa yung self-esteem ng babae, e, so yun ang i-recover mo."

Ang una naman sa kanyang listahan: “Magpaganda ka, ’yan ang number one—magpa-sexy ka.”

“GITARA.” “Gitara” ang carrier single ng debut album ni Kylie.

Marami ang nakapansing napakalungkot ng lyrics ng kanyang kanta na siya mismo ang sumulat.

Ilan sa mga linya ng kanta ay: “Paano ba sasabihin na sobrang sakit, nakikita pero hindi makalapit. Paano bang sasabihin na miss na kita kumakanta at hawak ang gitara.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman nagulat ang press kung saan siya nakahugot ng ganung kalalim at kasakit na emosyon noong panahon na yun.

Nilinaw naman ni Kylie na wala itong kinalaman sa estado ng kanyang buhay ngayon.

Isinulat daw niya ito dalawang taon na ang nakalilipas.

Sabi niya, “Hindi po. Basta hindi na po siya the same with what I felt in the video.

“Iba po, iba.

"Like what I said, it was written two years ago.

"I can’t relate it to what’s happening now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN