Marian Rivera named FHM Sexiest Woman in the Philippines for the third time

Marian Rivera is still the Sexiest Woman in the Philippines based on the annual poll of FHM Philippines. The Kapuso Primetime Queen is the first three-time winner of FHM 100 Sexiest poll.


“Marian Rivera has officially now become the gold standard for success!”

Ganito inilarawan ng FHM Philippines ang muling pagkakahirang sa Kapuso Primetime Queen bilang Sexiest Woman in the Philippines ngayong 2014.

Si Marian ang kauna-unahang Pinay celebrity na nakakuha ng ganitong titulo sa ikatlong pagkakataon.

Una siyang naging FHM Sexiest noong 2008, muli siyang nahirang noong 2013.

Sa opisyal na tally of votes na inilabas ng FHM ngayong araw, June 27, umabot sa 1,529,974 votes ang nakuha ni Marian mula sa mahigit 13 million total votes sa poll ngayong taon.

Ang mga botong nakuha ni Marian ay halos doble ng dami ng boto na nakuha niya noong 2013, na umabot sa 890,490.

Samantala, sumunod sa listahan si Sam Pinto na may 1,482,072 votes.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pumangalawa si Sam sa taunang poll ng FHM.

Nanguna si Sam sa FHM 100 Sexiest Women list noong taong 2011 at 2012.

Nasa ikatlong puwesto ang dating 2007 at 2010 Sexiest Woman na si Angel Locsin, na may 1,042,226 votes.

Pang-apat naman si Jennylyn Mercado na may 1,025,702 votes.

Nasa ikalimang puwesto si Cristine Reyes na may 853,283 votes.

Si Cristine ay nanguna sa FHM 100 Sexiest poll noong 2009.

Ilalabas ng FHM ang iba pang kabilang sa Top 100 Sexiest Women sa kanilang website sa Lunes, June 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN