Sid Lucero on dealing with a breakup: "Palagi naman akong nagkakalat kapag heartbroken ako, e."

Sid Lucero on rumors linking him to Alessandra de Rossi: “She’s my friend, she’ll always be my friend. If you talk about possibility, of course, we’ll never know. But I don’t know... ayokong isipin!”


Magkasama sina Sid Lucero at Carla Abellana sa bagong primetime series ng GMA Network na My Destiny.

Si Carla ay ex-girlfriend ng pinsan ni Sid na si Geoff Eigenmann, pero wala raw problema sa aktor ang pagsasama nila sa trabaho ng aktres.

Pahayag ni Sid, “No, e... ang relationship ko with Carla and how I met her...

"I mean, I met her through Geoff.

“My relationship with her is separate from Geoff.

"Ganoon kami, e... I don’t know."

Trabaho lang sa kanya?

Paglilinaw ni Sid, “No, she’s my friend.

"She’s been part of my family for quite some time at hindi mawawala yun, at least to me.

“Kung may problema, sa kanila naman yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sid sa presscon ng My Destiny sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City, noong June 24.

HEARTBROKEN. Aminado naman si Sid na hindi rin naging madali ang paghihiwalay nila ng musician na si Bea Lao, ang ina ng kanyang baby girl na si Halo Eve.

Saad niya, “Really badly, like always, palagi naman akong nagkakalat kapag heartbroken ako, e.

Biro pa ng aktor, “Sabi nga nila, kapag makasalanan ka, kapag may ginawa kang mali, hindi na napapansin!

“Pero, no, nagpaka-selfish lang ako for a couple of weeks.

“It’s actually because of Geoff, he taught me about jiu-jitsu.

"I don’t think I would have handled the situation as well."

Si Geoff pa na katulad niyang nanggaling din sa breakup ang tumulong sa kanya?

“Yeah, sabi nga niya, ’O, gamitin mo ‘yan, ha, yung pang-jiu-jitsu.’

"So we did it, we did it.”

Magkakabalikan pa ba sila ni Bea o may iba nang nagpapatibok ng puso niya?

Natawang sagot ni Sid, “Hanggang ngayon, tinatanong ko rin ‘yan!”

Posibleng magkabalikan sila?

“Yeah, you will never really know what will happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s all about priority, and when we’re talking about the life of someone else, you don’t wanna think about someone else.

"And romance is the last thing on your mind."

ALESSANDRA DE ROSSI. Nali-link silang dalawa ngayon ni Alessandra de Rossi, at natawa na naman si Sid nang tanungin sa kanya ang tungkol dito.

Aniya, “Palagi naman kaming nali-link ni Alex, e.

"Magkasama kami sa Urian Awards.

"Even last year, even last last year’s Urian, nothing’s new.

"We’re friends even before pa. I’ve known her forever since, what, twelve years ago.”

Pero kahit ang mga kaibigan ni Alessandra na sina Lovi Poe at Heart Evangelista ay nanunukso rin daw sa kanila.

Posible bang “something’s going on” na sa pagitan nila?

“Sila Heart? Ewan ko!” natatawang bulalas niya.

Palagi naman daw “there’s always something going" sa showbiz kapag nakikitang magkasamang lumalabas ang magkakaibigan.

"Lagi naman, e... I don’t know."

Hindi naman daw nasisira ang pagiging magkaibigan nila ni Alessandra dahil sa isyu.

“It’s funny lang, natatawa lang kami.

“I cannot say anything else, I just know Alex as a friend.”



LONELY HEART. Hindi niya nakikita si Alessandra sa aspeto ng pag-ibig?

Sabi ni Sid, “She’s my friend, she’ll always be my friend.

"If you talk about possibility, of course, we’ll never know.

“But I don’t know... ayokong isipin!”

Nakahanda na ba siyang ma-in love muli?

“I’m a lonely heart!” natawang sabi niya.

“I don’t know... I don’t care, anything happens.”

MARK GIL. Nagulat naman si Sid na may mga lumalabas na balita tungkol sa kundisyon daw ng kanyang ama nila si Mark Gil.

May nababalitang may malubhang sakit daw ito.

“He’s fine naman. None that I know, ha, but I think he’s getting old!” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN