Carla Abellana clarifies religion was not the major reason for breakup with Geoff Eigenmann

Carla Abellana says Instagram post is not a broadside on former boyfriend Geoff Eigenmann but a reminder to herself to focus and that "happiness is a choice."


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon si Carla Abellana tungkol sa sinabi ng actress-director na Gina Alajar na relihiyon ang isa sa mga dahilan ng breakup ng anak niyang si Geoff Eigenmann at ng Kapuso actress.

Read: Gina Alajar cites religion as one major reason for Geoff Eigenmann-Carla Abellana breakup

Sagot ni Carla, “One of the many reasons, but it’s not a major reason.

“Like I said, religion is religion.

"At the end of the day, pareho lang kayo ng pinapaniwalaan, Diyos, ’di ba?

“It’s just a way of how you practice your faith.

"He’s a Christian, I’m Roman Catholic.

“Pero nagagawan naman ng paraan yun, ’di ba?

“Puwede namang mag-a-attend ako ng service, puwede namang siya din mag-a-attend ng Mass, yung ganun.

“It’s not one of the major reasons, pero isa na din, I guess, sa important factors.”

Naging isyu ba sa pagitan nila ni Geoff ang relihiyon noong sila pa?

“No, never, never, no, no. Never talaga,” diin ni Carla.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa grand press launch ng GMA drama series nila ni Tom Rodriguez, ang My Destiny, noong Martes, June 24, sa Plaza Ibarra, sa Timog Avenue, Quezon City.

NO WEDDING TALKS. Sinabi rin ni Gina na inakala nilang aabot na sa kasalan ang relasyon nina Carla at Geoff. Pero hindi nga ito nangyari dahil nag-break ang dalawa.

Sabi ni Carla, “E, yun naman ang akala ng lahat, ’di ba?

"Dun din naman kami umasa, kumbaga.

“So, hindi ka naman magtatagal sa isang relationship kung hindi iyon yung goal mo, e, kung hindi iyon yung gusto mo.

“So, madami talaga ang nag-akala that we will end up together, ’di ba?

"Pero, fortunately, hindi puwede."

Pero inamin ni Carla na gindi raw nila napag-usapan ni Geoff ang tungkol sa pagpapakasal noong sila. At kung napag-usapan man daw ay papasok pa rin dito ang isyu ng relihiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng aktres, “Alam naman niya na ako, ’pag ikakasal ako, gusto ko sa harap ng altar, sa simbahan.

"We don’t talk about religion kasi iba, e, iba.

“Ako, I practice my faith, I attend mass, mga ganyan, iba.

“Siya, hindi ko naman nakikita... Hindi naman, wala namang opportunity na ma-invite ako na mag-service or what, hindi ko nakikita.”

Hindi siya inimbita ni Geoff?

“Never, I was never invited,” sabi ni Carla.

Hindi rin daw nakasama sa kanya si Geoff to hear mass.

Bakit nasabi ni Direk Gina na religion ang isa sa malaking dahilan ng breakup nila?

Paliwanag ni Carla, “Siguro, exactly because of that, na ni hindi namin napag-uusapan ang religion at faith, ’di ba?

"O ni hindi namin nasubukan yung faith ng isa’t isa.”

Nakikita naman ni Carla na posibleng naging dahilan nga ay relihiyon.

“Importante yun. A lot of people give up their religion for their loved ones, ’di ba, or nagko-convert sila yung ganyan.

"Very important factor iyon, importante iyon, sobra.

“Kasi kasama na diyan yung kung paano ka pinalaki, e.

“So, importante yun.

"Hindi mo naman din basta-basta igi-give up yung religion mo."

Willing ba si Carla na i-give up ang relihiyon niya para sa pag-ibig?

Sagot niya, “Honestly, no!

"Sa ngayon, hindi pa ako ready, hindi pa ako ready.

“But I’m more than willing to, you know, see kung paano sa isang service, yung ganyan.

“But, no, honestly, hindi ako ready to give up ang Catholicism.”

BEING VOCAL. Itinuring daw ni Gina at ng mga Eigenmann na pamilya si Carla.

Ano ang reaksiyon ng aktres dito?

“Of course! Never naman nilang hindi ipinaramdam iyon.”

Si Carla pa mismo ang nagsabi kay Gina na hiwalay na sila ni Geoff dahil, ayon mismo sa actress-director, hindi ugali ni Geoff na magsalita kung hindi tinatanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ni Carla, “Oo naman, hindi kasi nagsasalita kasi yung si Geoff.

“Malalaman mo na lang kapag may problema siya, pero he won’t talk about it, yung ganyan.

“Siyempre, between the two of us, mas vocal ako, mas ako yung nakakausap ni Tita Gina.

“Na kung hindi niya pa ako makakausap, wala siyang malalaman, parang ganun.”

Napadako naman ang usapan tungkol sa impression ng iba na may posts si Carla sa Instagram na tila parinig kay Geoff.

Ngunit ayon sa aktres, “Marami akong pinariringgan sa Instagram, yun na lang.

“Puwedeng yung mga bashers, mga negatrons, mga bitter.

"Puwedeng mga, hopefully, future suitors!

“So, marami, marami tayong pinariringgan sa Instagram.

“Puwede ring sarili ko, ’di ba?”

Pero hindi si Geoff o patungkol kay Geoff?

“Recently, parang wala, kasi hindi ko na siya naiisip so… maybe in the past, oo.”

So, parinig nga niya iyon sa ibang tao?

“Puwede! Puwedeng parinig ko rin sa sarili ko.

“Ganun, na parang, ‘Hoy, Carla, focus! Stay positive. Happiness is a choice.’

“Puwede,” sabi niya. 



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN