Alex Gonzaga reveals sister Toni and Mommy Pinty screen her suitors: "The choice is not mine."

Alex Gonzaga says sister Toni Gonzaga and Mommy Pinty get to decide if a guy is good enough to be her boyfriend or not. "The choice in not mine,” admits Alex.


Kuntento na si Alex Gonzaga na nabibigyan siya ng proyekto. Hindi na raw niya hinahangad na maging primetime queen ng ABS-CBN.

“Nung lumipat po ako dito sa ABS-CBN, natuwa po ako na nabigyan po ako ng trabaho,” simula ni Alex sa press conference ng upcoming primetime teleserye na Pure Love, noong Huwebes, June 26.

Ang nasabing teleserye ay ang Filipino adaptation ng Koreanovela na 49 Days.

Pagpapatuloy pa ng actress-TV host, “Ang dami-dami pong artista sa ABS-CBN.

"Wala po tayong pinapangarap na, ‘Ay, dapat ganito.’

"Happy na po ako na nabibigyan ako ng trabaho dito.

“Kahit sobrang daming artista dito, madami po talagang stars.

“The fact na binibigyan po ako ng trabaho, kahit ano po ‘yon, happy na po talaga ako.”

Nagsimula bilang Kapamilya star si Alex, lumipat sa TV5, at muling bumalik sa ABS-CBN.

ON LOVELIFE. Sarado raw muna ngayon si Alex pagdating sa pag-ibig.

Kailan magiging handa ang 26-anyos na dalaga sa lovelife?

Sagot niya, “All in God’s time. Yun ang sinasabi ko talaga and nasa book ko ‘yan.

"Kasi, parang tayong mga babae, parang lagi tayong nagmamadali."

Nagsusulat din si Alex ngayon ng isang self-help book at planong ilabas ito sa mga susunod na buwan.

“Dun sa mga naging experience natin sa ibang nanligaw o naka-date, hindi natin pinag-aaralan kung ano ba ang nangyari. Baka hindi talaga meant.

“I’m giving myself time to really focus on myself.

"Sabi nga ni Beyonce, ‘You have to have a life before you become a wife.’"

Ayon pa kay Alex, isa sa deciding factors sa pagpili ng magiging karelasyon niya ay kung pasado ito sa kanyang ate na si Toni Gonzaga at inang si Pinty Gonzaga.

Sabi ni Alex tungkol kay Toni, “’Pag sinabi niyang, ‘Ayoko niyan,’ ayoko na din.

“Ang mommy, kunwari may ipinakilala ka sa kanya, ’tapos sinabi niya, ‘Ayoko ‘yan,’ huwag mo nang ituloy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagustuhan nga raw siya dati, pero hindi ito pinaboran ng kanyang kapatid at ina kaya itinigil na rin niya.

“Dahil ayaw niya [Mommy Pinty] at ayaw ng ate ko, wala na rin.

"So, parang ayaw na sa ‘yo, huwag na nga lang.

"No choice. The choice in not mine.”

Kung siya raw ang tatanungin, mas gugustuhin ni Alex ang non-showbiz guy.

Paliwanag niya, “Sabi ng ate ko, ’Mas maganda hindi showbiz para may outlet ka aside from showbiz.’ Yun ang sabi niya.

“’Pag boyfriend mo [non-showbiz], parang may natututunan ka pa, hindi lang mundo mo na showbiz.”

Masaya naman si Alex sa kanyang kauna-unahang teleseryeng pagbibidahan sa Kapamilya Network.

Aniya, halos one year in the making din ang Pure Love.

Makakasama niya rito sina Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, Arron Villafor, at Anna Luna.

Magsisimula ang Pure Love sa July 7, kapalit ng Mira Bella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN