Ciara Sotto to share cash prize with needy friend if she wins the Celebrity Dance Battle

Ciara Sotto is also in the cast of the Cinemalaya film Hari ng Tondo under the direction of Carlitos Siguion-Reyna whom she describes as "meticulous... pati pagpulot mo ng baso, paglagay mo, meron siyang gustong timing."


Minsan nang napatunayan ni Ciara Sotto ang husay niya sa pagsasayaw nang tanghalin siyang champion sa celebrity edition ng Talentadong Pinoy nung 2011.

Ngayong taon naman ay isa siya sa limang finalists na maglalaban-laban sa hamon ng Celebrity Dance Battle, The Grand Battle.

Sa pagkakataong ito, may kapareha siya sa pagsasayaw, ang taga-Bacolod na si Ian Bantolo.

Makakalaban nila sina Iwa Moto, Priscilla Meirelles, Rafa Siguion-Reyna, at ang Gilas player na si Gary David at ang mga kapareha ng mga ito.

Nai-tape na ang grand finals noong June 24 sa Resorts World at ngayong Sabado, June 28, 9:00 p.m. mapapanood ito sa TV5.

Sabi ni Ciara, naging close daw sila ng kapareha niya.

“Si Ian, D.I. [Dance Instructor] talaga siya at naging super close kami kasi, ano siya, malambing at saka, super strict.

“Kapag medyo mali ang step na nagagawa ko, uulit ulit from the start.”

Mas magaling kesa sa kanya?

“Magaling talaga siya,” lahad ni Ciara.

“At saka, nakikipag-compete siyang talaga for ballroom dancing. e. Hindi naman ako magaling sa ballroom

"And, for me, least favorite ko ang ballroom.”

THREAT. Kung si Ciara ang binabanggit ng apat na kalaban nito na “threat” sa kanila, sina Rafa at Gary naman daw ang kinatatakutan niya.

Aniya, “Si Gary, ang galing pa ng partner, Philippine team sa ballroom, and si Rafa is a really good dancer.”

Magaling din naman siya.

“Hindi kasi ako ballroom dancer, sanay akong sumayaw sa sarili ko lang.”

Hindi naman itinanggi ni Ciara na sobrang kabado raw siyang talaga.

Natatawang kuwento niya, “Hindi nga ako makatulog nang maayos kakaisip. Promise!

"Seryoso, napapanaginipin ko na ang steps. Halos every day kaming nagpa-practice ni Ian, mahihigpit talaga ang laban.”

POLE DANCER. Nanalo na siya sa Talentadong Pinoy sa pamamagitan ng talento niya na pole dancing.

Ngayong lumalaban siyang muli, may pagsisisi ba na tinanggap pa niya ang panibagong pressure?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa ganun, pero naisip ko, parang last contest ko na ‘to. ’

"Ayoko na ng stress ng contest kasi naramdaman ko rin ‘to sa Talentado dati.

“At sobrang pressure!

"Sa Talentado, siyempre, nag-pole ako ro’n, forte ko yun, ‘di ba?

“E, ito, hindi ko siya forte pero lahat kami gusto naming manalo.”

GO, SIS. Hindi raw nanggagaling sa pamilya niya ang pressure na manalo si Ciara kundi sa partner niya.

Lahad nga ni Ciara, “Itong partner ko kasi, ’Kailangang manalo tayo, kapatid.’

"Ang ginagawa ng partner ko, para wala akong lusot, pumupunta sa bahay at doon nagre-rehearse.

“Halos gabi-gabi pinupuntahan niya ’ko, nakakaloka, 9 o’clock na, pupuntahan pa rin niya ’ko.

"Minsan matutulog na ’ko pero nandoon siya sa baba.

"Nakakahiya namang pauwiin ko siya, galing siya ng Cubao at nasa Ortigas ako.

“’O, sige teh, akyat ako, pupunta ko sa gym.’”

Suportado naman daw siya ng mister niya na si Jojo Oconer, “Oo naman, supportive yun, sobra."

Natawang kuwento pa niya, "Sabi niya lang, ’Grabe kayong mag-rehearse, ha. Sana naman manalo kayo.’

“E, kasi si Jo ang nagbilang, siguro naka-18 rehearsals kami para lang dito sa grand finals na ‘to.”

Sabi rin ni Ciara, “Kasi kapag nagsu-shooting kami ng Hari ng Tondo, hindi kami maka-rehearse ni Rafa.

“So on free days, pupunta talaga siya sa bahay, yung partner ko.”

MUST WIN. Bakit may ganoong pressure mula sa kapareha niya?

“Gustung-gusto niya talagang manalo!” saad ni Ciara.

“Yung mommy niya, gusto raw sana niyang papanoorin dito kaso raw, wala siyang pamasaheng maibigay.

"’Tapos yung kotse niya, hindi niya natubos so kinuha sa kanya, wala siyang kotse bigla.

“’Tapos yung best friend ko, si Katt [Bautista], na-stroke yung daddy niya, sobrang nangangailangan siya.

"Noong isang araw nag-usap kami, sabi ko, "Girl, kapag nanalo ’ko, tutulungan talaga kita.”

Isang milyon daw ang mapapanalunan nila kaya tig-five hundred thousand daw sila ng kapareha kung sakali at mananalo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAST CONTEST. Masasabi niyang huling beses na niyang sasali ng dance contest?

“For me, oo. I don’t like the stress na, nate-tension ako, napi-pressure ako, hindi ako makatulog.”

Kung hindi raw siya mananalo, malamang daw ay maiyak siya.

Natatawang sabi niya, “Although, ganoon talaga ang buhay. Sometimes you will win, sometimes you will lose.

“But for me, basta magawa ko ang best ko, bahala na si Lord.”

Sa pagsali-sali niya sa mga dance contest, ano naman yung mga nakukuha o natutunan niya?

“Stress!” natatawang sagot niya.

Negative pala ang nakukuha, ganun?

“Hindi naman, it makes you want to compete more with yourself than with others.

“Lalo na noong start, ’O, maganda, pasok. Second, dapat mas maganda sa first dance.’

"So kailangan nag-e-escalate bawat performance.

“Natuto rin ako to strive for excellence para sa sarili ko,” saad niya.

CHILDLESS. Apat na taon na rin silang kasal ng mister niya pero hindi pa sila nagkakaroon ng anak.

“Gusto talaga naming magkaroon ng baby girl, pinagpi-pray namin yun.”

Hindi ba siya binibigyan ng “ultimatum” ng mister niya na magpahinga muna sa pagsasayaw para makabuo na sila?

“Never naman siyang nagbibigay ng ganun, hindi siya ganun pero gusto ko talaga.

“After this, magpo-promo lang siguro kami sa Cinemalaya ng Hari ng Tondo.

"Then, gusto kong magka-baby.

“Gumagawa naman talaga kami, wala lang talaga,” natatawang biro pa niya.

Nagpakonsulta na rin naman daw silang mag-asawa sa doktor.

Ayon kay Ciara, “Ang sabi lang, dapat walang stress e. Stressed din siya [Jojo] sa work, sa APT.”

HARI NG TONDO. Tapos naman na raw niyang i-shoot ang Hari ng Tondo kunsaan ang director nito ay si Carlitos Siguion-Reyna na ama ni Rafa.

“Grabe, sobra, It’s an honor sa akin na makatrabaho si Direk Carlitos, first time po.”

Battered girlfriend daw siya ni Gian Magdangal sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, napaka-strong po ng cast.

"Nandoon din si Aiza Seguerra, yung anak ni Tito Leo Martinez, si Lawrence. Lahat kami taga-Tondo.

“Ang mayayaman naman, sina Rafa, Cris Villongco at si Tito Robert Arevalo.”

Nahirapan siyang mag-adjust na maging isang Tondo girl?

“Nahirapan,” pag-amin niya.

“Very meticulous po si Direk Carlitos, pati pagpulot mo ng baso, paglagay mo, meron siyang gustong timing.

“Pero grabe, excited ako para sa film na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN