Talent manager Becky Aguila rants on Facebook about "arrogant" and "ingrate" former talent; is she referring to Angel Locsin?

“All the blessing[s] you have been receiving is due to your hard work and perseverance but none of these would have been possible if I didn’t transfer you. You still owe me an apology for d worst treatment you have given me,” says talent manager Becky Aguila on her Facebook post last night, June 27. The said posts, according to some of her FB friends, are about Becky’s former talent, Angel Locsin (in photo).


Si Angel Locsin kaya ang pinariringgan ng talent manager na si Becky Aguila sa kanyang Facebook status kagabi, June 27?

Ito ang tanong na nabuo sa ilang mga nakabasa ng dalawang posts ng dating talent manager ng Kapamilya actress.

Narito ang magkakasunod na posts ni Becky sa Facebook bandang alas-nuwebe ng gabi:

“The least you can do is to thank me but you are so arrogant and an ingrate to do so. All the blessing you have been receiving is due to your hard work [and] perseverance but none of these would have been possible if I didn’t transfer you. You still owe me an apology for d worst treatment you have given me. I am so blessed that I am no longer with you. You may have everything you have dreamed off but you will never have peace of mind...

“Am I mad. Yes I am. Very mad! No matter what had happened in the past, you should know when to look back. A simple thank you thru text would have been comforting but no taas ang ihi e or sadyang me amnesia. As she always says bayad ka sa lahat ng commision mo.. Now i regret taking all those bullets for her. I have kept [quiet] all these years.. i just want to get it off my chest. Pasensya na my dearest fb followers.”

Hindi binanggit ni Becky ang dahilan o mitsa ng pagpu-post niya ng mga mensaheng ito.

Bagamat walang pangalang binanggit si Becky sa kanyang Facebook posts na ito, marami sa mga nagkomento dito ay naniniwalang ang dating alaga niyang si Angel Locsin ang pinatutungkulan niya.

Ito ay dahil sa pahayag ni Becky na "none of these would have been possible if I didn’t transfer you."

Sa mga naging alaga ni Becky, si Angel lamang ang lumipat ng network at pinag-usapan nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang si Becky ay naging talent manager ni Angel sa loob ng walong taon, mula noong nasa bakuran pa ng GMA Network ang aktres.

Noong 2007 ay naging malaking balita ang biglaang paglipat ni Angel sa ABS-CBN, sa kabila ng estado niya noon bilang top leading lady ng Kapuso network.

Isa sa nabanggit na dahilan ni Becky sa paglipat ni Angel mula GMA papuntang ABS-CBN ay ang pagka-“burnout” daw ng aktres.

Ito marahil ay sanhi ng sunud-sunod na malalaking proyektong ginawa ni Angel sa dati niyang home network: Mulawin (2004), Darna (2005), Majika (2006), at Asian Treasures (2007).

Read: Becky Aguila on Angel Locsin leaving GMA-7: "A very painful decision"

Sa gitna ng kontrobersiya noon, lumipad patungong London si Angel upang mag-aral diumano ng fashion design.

Read: Angel Locsin to study fashion design in London

Ngunit nang bumalik si Angel sa Pilipinas ay pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Read: Angel Locsin’s manager finally confirms transfer to ABS-CBN

Mahigit dalawang taon pagkatapos lumipat ni Angel sa ABS-CBN, nagkaroon naman sila ng hindi pagkakaunawaan ni Becky, na siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng landas.

Sa isang statement, sinabi ni Becky na “mutual decision” ang paghihiwalay nila ni Angel dahil sa “professional difference.”

Read: Professional differences led Becky Aguila to part ways with Angel Locsin

Ngunit sa kabila ng sinabi noon ng dalawa na “mutual decision” ang paghihiwalay nila, may ilang isyu pa ring lumabas tungkol sa kanila.

Isa na rito ang isyu tungkol sa pera, na agad namang pinabulaanan ni Becky.

Sa isang interbyu, sinabi ng talent manager, “May mga nag-i-insinuate rin na it’s about money and noon ko pa naman sinabi na it has got nothing to do with money.

"Masakit kasing bintang yun para sa isang talent manager, especially when you know that you have done all your best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Becky Aguila slighted by Angel Locsin’s answer to "hinamon ng suntukan" issue

Napunta ang pangangalaga sa career ni Angel sa kamay ng batikang entertainment columnist na si Ethel Ramos, na siyang dati ring manager ng aktor na si Aga Muhlach.

Hanggang ngayon ay si Manay Ethel pa rin ang tumatayong manager ng 29-year-old actress.

Kabilang naman sa celebrities na hawak ngayon ni Becky sina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Empress, Isabel Oli, Wendy Valdez, Neil Coleta, Dianne Medina, Dawn Jimenez, Phytos Ramirez, at Andrea Brillantes.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na linawin kay Becky, sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages at private message sa Facebook, kung sino nga ba ang tinutukoy niya sa kanyang mensahe.

Subalit wala pa ring natatanggap na sagot ang PEP mula sa talent manager hanggang sa mailathala ang artikulong ito.

Sinusubukan din ng PEP na hingin ang panig ni Angel tungkol dito.

Nakatakda namang i-reprise ni Angel ang role bilang Darna sa isang pelikulang gagawin ng Star Cinema sa 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN