Director Joyce Bernal on Nora Aunor’s exclusion from National Artists list: “Hindi dahil sa Noranian ako, pero I feel that Ate Guy deserves to be a National Artist.”

Director Joyce Bernal on the exclusion of Nora Aunor from this year’s National Artists awardees list: “Ano pa ba ang hinahanap nila sa pagiging artist ni Ms. Nora Aunor? Nirurok na niya ang pagiging artista. What more can you ask from her? Hindi ko lang alam kung ano ang naging technical at hindi binigay sa kanya ang karangalan na ito. Kasi para sa akin, arts ang pinag-uusapan, e. I-set aside natin ang moral issues.”


Isang certified Noranian ang TV and film director na si Bb. Joyce Bernal at kabilang siya sa mga nalungkot na hindi ito pinagkalooban ng National Artist Award para sa taong ito.

Idiniin ni Direk Joyce na bata pa lang siya ay idol na idol na niya si Nora Aunor at tuwing nakakapanood siya ng pelikula ni Ate Guy na kumakanta ito, kumpleto na raw ang araw niya noon.

“Sa totoo lang, Noranian talaga ako. Lahat na yata ng puno ay ginawa na ni Ate Guy ng music video,” tawa pa niya.

“Hindi ba nga basta may puno, asahan mo kakanta si Ate Guy?

“Gano’n ako ka-fan niya kaya isa ako sa mga kumukuwestiyon kung bakit hindi siya napili bilang isa sa mga National Artists natin,” pahayag pa ni Direk Joyce sa press launch ng bagong GMA-7 primetime series na My Destiny sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City last June 24.

Bilang isang filmmaker, hanga nga si Direk Joyce sa body of work ni Nora Aunor at iyon daw sana ang naging basehan at hindi kung ano pa na wala namang kinalaman sa pagiging artist nito sa Philippine Cinema.

Paliwanag niya, “Hindi dahil sa Noranian ako, pero I feel that Ate Guy deserves to be a National Artist.

“Ano pa ba ang hinahanap nila sa pagiging artist ni Ms. Nora Aunor? Nirurok na niya ang pagiging artista. What more can you ask from her?

“Hindi ko lang alam kung ano ang naging technical at hindi binigay sa kanya ang karangalan na ito. Kasi para sa akin, arts ang pinag-uusapan, e. I-set aside natin ang moral issues.

“Ang pinag-uusapan dito ay ang pagiging artist ni Ate Guy. She has won awards here and abroad. Mapa-TV, pelikula, entablado... nagawa na niya lahat noon pa.

“Sa totoo lang naman, maraming mga artist diyan, hindi lang dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa na naging alcoholic, gumamit ng drugs, hindi na nakabangon, but still, yung body of work nila nandiyan pa rin at yun ang hahangaan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag naman nilang hintayin na mamatay pa si Ate Guy bago nila ibigay iyong National Artist Award. Ibigay natin ’yan dahil dapat lang.”

Kabilang nga sa pangarap ni Direk Joyce ang makatrabaho si Ate Guy sa TV man o pelikula.

“Yun nga, e. Idol na idol ko ang taong ‘yan. Kasama siya sa mga pangarap kong makatrabaho balang araw.

“Sana lang ay kapag dumating ang katuparan na ‘yan, magkaroon ako ng lakas ng loob na makatrabaho siya.

“Kung sana hindi ako fan, okey lang. Kaso Noranian ako. Kapag iniidolo ko ang isang tao, nawawala ang pagiging direktor ko, e.

“Masyado akong mai-starstruck kay Ate Guy! Matutulala ako sa kanya.

“Kaya sana ay magawa kong mahiwalay ang pagiging fan ko sa pagiging direktor ko kapag si Ate Guy na ang nandiyan,” diin pa niya.

MY DESTINY. Nagsimula na si Direk Joyce ng bago niyang teleserye sa GMA-7 na My Destiny kunsaan bida sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Huling naging teleserye ni Direk Joyce ay yung Paraiso Ko’y Ikaw na pinagbidahan nila Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Dito sa My Destiny, half of the cast daw ay first time na katrabaho ni Direk Joyce kaya bagong hamon daw sa kanya ito bilang director.

“First time kong makatrabaho sila Carla, Tom, Ruru Madrid, Sid Lucero. Except kina Ms. Lorna Tolentino and Rhian Ramos na ilang beses ko nang nakasama sa teleserye.

“Kahit na nakapagsimula na kami, nangangapa pa rin ako sa mga characters nila. Noong dumating kasi sa akin itong story, after kong basahin, may mga changes lang akong pinagawa.

“Hindi kasi siya traditional na love story. May pagka-Koreanovela kasi ang gusto nilang dating. Light romance na may comedy pero hindi masyado ang drama.

“Nakikipag-coordinate naman ako with the writers para makuha namin yung tamang timpla ng story.

“Gusto kasi namin na sa pilot episode pa lang, huli mo na ang televiewers. Yung kakagatin na nila agad yung story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At gusto ko rin na consistent yung flow ng kuwento nila Grace at Matthew. Yung hindi sasablay,” kuwento niya.

WORKING WITH KUH AND AL. Kinatutuwa naman ni Direk Joyce ang pakikipagtrabaho sa mga senior stars na sina Kuh Ledesma at Al Tantay.

“Surprised ako kay Ms. Kuh kasi akala ko kaya siya binigyan ng title na Pop Diva ay dahil diva siya. E, wala naman siyang diva attitude.

“Hindi siya mahirap kausap at ang nakakatuwa, she is willing to learn more sa ginagawa niya.

“Nakakatuwa ang ganyang mga artista kasi hindi sila nagmamarunong na porke’t ang tagal na nila sa industrya. Hindi pala gano’n lahat at nakita ko yun kay Ms. Kuh.

“Si Direk Al naman, naku, crush ko ’yan noong high school ako!

“Crush na crush ko siya sa pelikulang Hinugot Ka Sa Langit. ’Tsaka ang galing-galing niya doon.

“First time ko siyang madirek at nakakatuwa siyang katrabaho. Cool na cool lang siya.

“Wala akong naramdaman na matinding pressure sa kanila ni Ms. Kuh.”

MMFF 2014 ENTRY. May pelikulang gagawin si Direk Joyce sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) at ito ay ang My Big Bossing’s Adventure kunsaan bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

“Trilogy siya kaya tatlo kaming directors. Yung dalawa ay sila Marlon Rivera at Tony Reyes.

“Yung episode ko ay fantasy. First time kong magdirek ng isang fantasy theme.

“Biro ko nga sa kanila, hindi ba nila alam na bastos akong direktor? Alam ba nilang balahura ako?” tawa pa niya.

Pero magpapaka-wholesome daw si Direk Joyce dahil sa kanyang mga gaganap na bida sa My Big Bossing’s Adventure.

“Nakaka-excite kasi sila Bossing Vic at Ryzza Mae ang makakatrabaho ko this time.

“’Tapos fantasy pa. Yung nabasa kong script, may mga kaharian, e. So costume fantasy ito.

“Challenge ito para sa akin knowing kung ano ang mga nagawa ko nang mga pelikula, ‘di ba?” tawa pa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last year ay si Direk Joyce ang nagwaging MMFF best director para sa pelikulang 10,000 Hours na pinagbidahan ni Robin Padilla.

Wala pa nga raw silang pagsasamahan na project ni Robin dahil busy rin daw ito sa ibang mga trabaho.

“May entry din siya sa MMFF this year na Bonifacio. Kaya magkalaban kami this year.

“Looking forward naman ako kapag may project ako with Binoe. Siguro next year na lang iyon.”

May sisimulan ding isa pang pelikula si Direk Joyce sa Star Cinema at isa pa na ipu-produce naman ni Marvin Agustin.

DREAM PROJECT. Pero may dream project si Direk Joyce na sana raw ay magawa niya.

“May pagka-Fifty Shades of Gray ang dating, e.

“Papunta na sa porno yung story.

“Gusto ko yung umaangkop naman sa edad ko ang dream project kong ito.

“But of course, pangarap ko rin na magkaroon ako ng pelikula na madadala sa mga film festivals abroad.

“Yun lang naman. Sana may producer na pumatol at sana kapag nagawa na ay kumita naman siya,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN