Ruru Madrid excited about new loveteam partner Ashley Ortega; saddened by non-inclusion of indie film in MMFF 2014

Ruru Madrid on new loveteam partner Ashley Ortega: “Itong My Destiny nga raw ang unang team-up namin at magkakilala naman na kami dahil sa Dormitoryo. Gusto po nilang ma-build up yung AshRu loveteam at okey naman iyon for us.”


Nalungkot si Ruru Madrid dahil hindi napili ang kinabilangan niyang indie film na Above The Clouds bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong ito.

Two years in the making ang naturang pelikula na dinirek ng young award-winning filmmaker na si Pepe Diokno. Kinunan ang buong pelikula sa Mount Pulag sa Benguet. Doon ay inakyat nina Ruru at ng buong film crew ng siyam na oras ang location at halos isang buwan silang nag-shoot doon.

“Fourteen years old pa lang po ako noong magsimula akong mag-shoot for the movie. Katatapos ko pa lang po that time sa Protégé: The Battle For the Big Artista Break.

“Ngayon ay 16 years old na po ako at kelan lang namin siya natapos.

“Sayang nga po at hindi nakasama sa MMFF. Pero ang alam ko ay ilalaban siya ni Direk Pepe sa ilang film festivals abroad.

“Siguro mas mapapansin siya sa mga ganung festivals,” pahayag niya.

Ayon kay Ruru, kuwento raw ng isang lolo at ng kanyang apo ang Above The Clouds. Ang legendary rocker na si Joey “Pepe” Smith ang gumanap bilang lolo ni Ruru sa pelikula.

“Kaming dalawa lang po ang nasa pelikula. Tungkol ito sa bonding ng mag-lolo sa isang magandang lugar tulad ng Mt. Pulag.

“Sa pelikula po kasi, ulila na ako dahil namatay ang mga magulang ko noong bagyong Ondoy.

“Hindi ko nakilala ang lolo ko dahil hindi magaganda ang kuwento ng parents ko tungkol sa kanya.

“Hanggang sa siya na ang umampon sa akin at dinala niya ako sa bundok. Doon ko nakilala kung sino siya talaga.

“Natuwa naman po ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataon to work with Pepe Smith. Yung habang nandiyan pa siya, maipagmamalaki ko na nakatrabaho ko siya sa isang magandang pelikula,” lahad niya.

Kakaiba raw ang experience ni Ruru sa pag-shoot ng Above The Clouds dahil hindi raw siya pinayagan na kausapin ang kanyang mga magulang habang nagsu-shooting sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po akong communication sa kahit sino sa pamilya ko.

“Gusto po ni Direk Pepe na maramdaman ko ang pagiging isang ulila at ang tanging kausap ko lang doon ay si Pepe Smith.

“’Tapos ikaw po ang aasikaso sa sarili mo. Walang mga P.A. [personal assistant] or utility.

“Para nga po ako ulit sumali sa isang reality contest dahil parang nakakulong ako sa iisang lugar.

“At least sa Protégé, may pagkakataon kaming makausap ang mga parents namin.

"Noong nagsu-shooting ako, wala talaga, kaya sobra silang nag-worry sa akin.

“Pero after ng shooting, parang mas naging independent akong tao. Yung kaya ko na gawin ang lahat na hindi ako hihingi ng tulong sa parents ko.

“Yun ang naging magandang epekto sa akin noong gawin namin yung movie. Mas nagkaroon po ako ng confidence sa sarili ko,” pagmamalaki ni Ruru.

NEW LOVETEAM PARTNER. Isa si Ruru sa mga bini-build up ng GMA-7 para maging future leading man.

Pagkatapos na lumabas sa mga teleserye na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, Akin Pa Rin Ang Bukas at Dormitoryo, ngayon ay kasama siya sa bagong primetime series na My Destiny.

Sa My Destiny ay gaganap siya bilang si Paul na magkakaroon ng sarili niyang love triangle sa istorya.

Sa ngayon ay bini-build up si Ruru bilang kapareha ng baguhang Kapuso young actress na si Ashley Ortega.

Dating nakilala ang dalagita bilang Ashleigh Nordstrom at nakasama na siya ni Ruru sa weekly series na Dormitoryo.

“Itong My Destiny nga raw ang unang team-up namin at magkakilala naman na kami dahil sa Dormitoryo.

“Gusto po nilang ma-build up yung AshRu loveteam at okey naman iyon for us.

“Gusto rin namin mag-work ang team-up namin kaya susunod lang kami sa management.

“Sa ngayon ay nakapag-workshop na po kami ni Ash at masasabi ko po na mas kilala na namin ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wish namin na suportahan po kami ng marami dito sa My Destiny,” ngiti pa niya.

ON THE VERGE OF MANHOOD. At age 16 ay mabilis ang physical development ni Ruru.

Mas lalo pa siyang tumangkad at lumalim na ang boses niya.

“Hindi na ako pumipiyok tulad noon! Lalaking-lalake na raw ang boses ko!” tawa pa niya.

“Last time na nag-check ako ng height ko, nasa 5 feet 11 inches na po ako. Sabi nila tatangkad pa po ako kasi bata pa ako.

“Basta po maging 6-footer ako, masaya na ako!”

Ang hindi lang puwedeng gawin pa ni Ruru ay ang mag-workout sa gym dahil hindi pa siya pinapayagan na magpalaki ng katawan.

“Bawal pa raw po kasi bata pa raw ako. Baka raw po mapilayan ako.

“Hindi pa po ako puwedeng magbuhat sa gym. Kapag nag-18 years old na lang daw po ako.

“Simple exercises lang daw puwede sa akin ngayon like running, swimming, at biking.

“Ayaw nilang magpalaki ako agad ng katawan at baka tumanda raw agad ang hitsura ko,” pagtatapos ni Ruru.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN