Enrique Gil on maintaining friendship with Mirabella leading lady Julia Barretto even after the series ends: “I want to keep the friendship, partnership kasi talaga siya, e.”

Enrique Gil explains why his respect for loveteam partner Julia Barretto overrides everything else: “Kaya nga I don’t want to put myself in a position that would break us. I want to keep the friendship, partnership kasi talaga siya, e. Kaya nga as much as possible, I don’t wanna get involved deeper—that deep.”


Maging si Enrique Gil ay nagtataka kung bakit hindi nauwi sa isang totohanang relasyon ang sobrang paghanga niya at closeness nila ng kanyang leading lady na si Julia Barretto sa primetime series ng ABS-CBN na Mirabella.

Ito ay sa kabila rin ng pag-amin ng Kapamilya actor, na si Julia ang naging pinakamalapit sa kanya sa lahat ng naging leading ladies niya sa mga nakaraang soap operas na kanyang ginawa sa bakuran ng Kapamilya network.

Paliwanag ni Enrique sa tonong parang naguguluhan, “I don’t know. I don’t know how to explain, e.

“Basta, it’s also kasi when you work with somebody and then it gets complicated.

“Minsan mag-aaway kayo and then ’pag work day na, ’pag nasa taping na, medyo mahirap umarte dahil may ’di okey.

“So, it’s more of just protecting the show.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press ang leading man ni Julia sa farewell presscon ng Mirabella noong Miyerkules, June 25 sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Ang top-rating primetime teleserye ay magtatapos sa July 4 sa pamamagitan ng isang finale episode na pinamagatang “The Beautiful Ending.”

Patuloy pa niya, “Before anything else, we started sa Mirabella and it comes first.

“After that, I don’t know,” pasubali pa niya.

“Actually, ’di naman ito magtatapos dito, e.

“We’re looking forward for something more, kasi we built something here and it’s not going to go away forever.

“So, we can continue it, kung puwede,” dugtong niya.

Singit naman ni Julia sa tinuran ni Enrique, “Like more than anything, sigurado if there’s a promise, sana, even after the show and even if we have more love teams, sana the friendship will remain, ’di ba?”

Sa kabila ng pananatili nila bilang magkaibigan lamang, aminado naman ang binatang aktor na attracted siya sa anak ng dating aktres na si Marjorie Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangingiting pag-amin niya, “Yeah, yes, of course.

“I mean, parang maging close kayo sa isa’t isa in the first place, kailangang magustuhan mo siya.

“Gusto ko siya and her likability is really high.

“Mas madali kaming nag-jive because she’s really open to me.

“So, that’s what I really like, yung open, yung hindi afraid kung ano ang nararamdaman niya.

“Kung niloloko siya, niloloko rin niya ako [mga biruan], and it’s just give and take.

“That’s what she is—she’s very true to herself.

“Yun ang gusto ko, kaya siguro.”

ENDEARING TRAITS. Ano ba ang meron kay Enrique na naging dahilan para maging open si Julia sa mga ilang bagay na hindi nito nasasabi sa ibang ka-close nito?

Natatawang sagot niya, “Ewan ko, ewan ko. Hindi ko alam.

“Siguro, na-feel niya na talagang nagdya-jive kami.”

Muling singit ni Julia para sagutin ang tanong na ito, “The reason why I’m close to Quen [palayaw ni Enrique] kasi yun ang ipinaramdam niya sa akin.

“Na ’pag naging open ako sa kanya, I’m not gonna be judged or anything, ’di ba?

“Yung makikinig lang siya.”

Dugtong naman ni Quen, “Siguro, nag-start yun nang magkaeksena kami.

“Siyempre, siguro nung magsimula kami, something broke the ice kaya nagtulungan kami dun sa eksena niya.

“So, parang, ’Maganda yung eksenang ito, so kailangan tulungan tayo.’

“So, siguro dun nga nagsimula na, ’Okay, You’ll be there for me, I’ll be there for you.’

“Ganun nga siguro.”

Kaya ganoon na lang daw niya iniingatan ang love team nilang dalawa para hindi ito mapunta sa kawalan.

Aniya, “Kaya nga I don’t want to put myself in a position that would break us.

“I want to keep the friendship, partnership kasi talaga siya, e.

“Kaya nga as much as possible, I don’t wanna get involved deeper—that deep.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Sa simula, si Julia nung magkita kami, hindi kami nag-uusap.

“Nakita ko lang siya sa gilid, tahimik lang, ’di siya tumitingin [sa akin].

“Pero nung naging close kami, she started opening up, nag-o-open na ako sa kanya.

“She started to share at sa mga kalokohan, masyado kaming close—sa mga jokes, number one kami.

“Kaya kapag nakilala n’yo si Julia Barretto, maniwala kayo sa akin, magbabago ang pananaw n’yo sa kanya.

“She’s an amazing love team partner.”

ON MIRABELLA ENDING. Sa puntong ito, nagbukas na siya ng kanyang saloobin tungkol sa pagtatapos ng Mirabella, ilang araw na lamang pagkatapos ng panayam namin sa kanya.

Ayon sa 22-year-old actor, “Basta dito sa Mirabella, in general, naging masaya kami.

“No matter anong naging problema namin, basta masaya.

“Hindi ko makakalimutan ang show na ito kasi feeling ko, dito ako nakapag-connect nang todo sa ka-loveteam ko.

“On behalf of the show, sa lahat ng cast and crew ng buong production, from the bottom of my heart, salamat talaga sa pagsuporta n’yo sa show.

“And we will never forget this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN