Dingdong Dantes admits feeling nervous to face big-named MMFF rivals: "Hindi lang basta malalaki, matitindi talaga."

Dingdong Dantes says his MMFF entry Kubot: The Aswang Chronicle Part 2serves as a challenge for him and the people involved in this movie: "Dahil tinangkilik yung una, responsibilidad din naming lampasan sa ganda o kung ’di man pantayan ng pangalawang trabaho namin."


Kahit ayaw magkomento ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa isyu ng pagkakatanggal sa listahan ng Superstar na si Nora Aunor bilang isa sa hihiranging National Artists sa taong ito, bilang isang kapwa artista ay hindi pa rin niya napigilan ang paglabas ng kanyang saloobin tungkol sa bagay na ito.

Ayon kay Dingdong, "I cannot comment kasi I don’t know kung ano ang basehan, e.

"Pero ako, I recognize her work, I recognize kung gaano ang na-contribute niya rito sa industriya natin.

"Whether she’ll be given that National Artist recognition or not, sa akin, she’s the only Nora Aunor na meron tayo dito sa ating industriya."

Dugtong pa niya,"Maging maitatak man o mabigyan ng tropeo, ang importante sa akin ay kung ano yung maiiwan niyang legacy

"And for me, that’s the most important."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa taping ng primetime series niya na Ang Dalawang Mrs. Real noong Miyerkules, June 25, saTivoli Royale Executive Village sa Quezon City.

ACTING HEATS UP IN SERYE. Samantala, hindi niya ipinagkaila na malaking pressure ang nararamdaman niya ngayong mas nagiging matindi na ang aktingan sa kanilang soap opera lalo na’t ang kaeksena niya ay si Maricel Soriano.

Kilala bilang isa sa pinakamagaling na artista si Maricel kaya doble raw ang kaba at preparasyon na ginagawa ni Dingdong.

Sabi pa niya,"Nakakatakot ang mga kaganapan.

"But it’s good to have that pressure all the time.

"Just like in anything or any sport, para sa akin, hindi nagwu-work sa akin if I’m relaxed.

"You know, there’s always this drive pushing you na, ’Number one, ma-excite, ma-challenge.’

"Yung resulta nun ay mas magiging okey, mas fulfilling.

"Para sa akin lang yun, ha?

"Actually, yung character ko dito marami ang naiinis at puwede ko pang gawin na mas nakakainis pero...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just want to interpret Anthony’s character na someone na hindi asshole.

"Kasi lahat naman tayo ay nagkakamali, so, ’di ko naman sinasabi na lahat ng lalaki ay ganun pero nangyayari yun."

Sa takbo ng kuwento, si Dingdong bilang si Anthony Real ay papakasalan si Shiela Salazar, na si Lovi Poe ang gumaganap, sa kabila ng katotohanang kasal siya sa kanyang misis na si Millette Real na siyang papel naman ni Maricel.

Pilit niyang itinatago ang katotohanang ito.

Kaya tuloy, naitanong namin sa Kapuso Primetime King kung siya rin ba ay may itinatago sa pubiko?

Natatawang sagot niya, "Hindi, hindi naman kasi ako... Yes, I think, there are things na should not be declared.

"Pero not to the point naman na ’pag tinanong sa akin, ’di ko sasabihin.

"Alam n’yo naman ako, by nature, kumbaga, honest ako.

"Kaya medyo mahirap din siya kasi you’re dealing with a character na parang nagpapalusot.

"E, minsan lang naman nangyari sa buhay ko yun, sa ibang bagay pa, hindi pa sa ganun."

Ibig bang sabihin nito ay nakaka-relate siya sa character ni Anthony Real?

Ayon kay Dong,"Ah, siguro yung work ko bilang aktor at yung new job ko sa National Youth Commission, parang ganun siya, e.

"Those are two equally important fields na kailangan ang aking atensiyon.

"So, it’s a matter of how I balance them both.

"Ganun ko rin siguro nakikita ang buhay ko sa Cebu at Manila, ’di ba?

"Kailangang pareho ko talagang magampanan ng one hundred percent, and at the same time, maganda ang resulta.

"So far, hanggang dun lang at kapag nagkalabu-labo na, hindi yun magiging peg ko."

MMFF ENTRY. Tungkol naman sa pagkakapasok ng kanyang pelikula na Kubot: The Aswang Chronicle Part 2 sa darating na 40th Metro Manila Film Festival (MMFF), sobra raw ang kaba niya dahil sa malalaking artista at pelikula na makakalaban nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling makakasama niya bilang leading lady si Lovi Poe.

Bulalas pa ng 33-year-old actor, "Hindi lang basta malalaki, matitindi talaga.

"At saka, talagang mga institusyon.

"Pero alam n’yo, bukod sa masaya kami na nakapasok sa Magic 8, ang pagkakaroon ng probably a different crowd or market, yun ang very interesting.

"Kasi siyempre, there are always loyal ones who would go for specific genres, pero there are also those out there na later on na gusto nilang mapanood at gawing eksperimento.

"Heto rin kasi ang challenge sa amin.

"Dahil tinangkilik yung una, responsibilidad din naming lampasan sa ganda o kung ’di man pantayan ng pangalawang trabaho namin.

"Sana, tangkilikin nila para mas lalo kaming ma-inspire na gumawa ng ganitong movie every year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN