Gardo Versoza on meeting his love children: “Wala akong sinasarang pinto sa mga anak ko.”

Gardo Versoza (with partner Ivy Vicencio and baby boy Deity Uziel) on meeting his love children: “Ang problema ay hindi ko alam kung nasaan sila. Nung time na dapat dadalawin ko yung isa sa Amerika, hindi natuloy ‘yon. Sayang kasi gusto ko rin malaman kung ano na ba nangyayari sa buhay nila. Gusto ko rin siyang makilala.”


Kahit hindi first time ni Gardo Versoza na gumanap bilang isang gay sa isang teleserye, mas na-challenge daw siya sa gay role niya bilang si Lexi sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Dading.

Marami ang pumuri sa aktor sa mahusay na pagganap niya bilang isang bading. Malayo sa mga naging role niya sa mga nagawa na niyang mga teleserye.

“Gumanap na akong gay noon sa drama series na Bituin in 2002.

“Pero pormal akong bading doon bilang manager ni Ate Guy [Nora Aunor].

“Dito kasi sa Dading, kailangan bongga ako parati. Gusto nga ni Direk Ricky [Davao] ay loud akong bading. Yung agaw-eksena parati.

“Mula sa costume, sa mga nilalagay ko sa ulo ko, accessories—kailangan daw parang sumisigaw siya.

“Yung colorful mula sa suot kong turban hanggang sa mga dangling earrings ko at sa mga suot kong damit.

“Kailangan daw kasi magkaiba ang pagiging gay ko kay Carding [played by Gabby Eigenmann]. Si Carding kasi, bading siya pero hindi siya nagdadamit babae. ’Tsaka mukha pa rin siyang lalake.

“E si Lexi, pinaglaruan talaga ako ni Direk Ricky.

“Sino pa raw makakapagsabi na naging ST [Sex Trip] King ako noon at naromansa ko sila Gretchen Barretto, Rita Avila, Cristina Gonzales at Rosanna Roces sa pelikula?

“Gumuho na raw ‘yon noong tanggapin ko ang role na Lexi!” natatawang kuwento pa ni Gardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press launch ng Dading sa GMA Network Center.

HOLLYWOOD GAY MOVIES. Hindi raw nahirapan si Gardo sa pag-portray niya sa papel na Lexi dahil bago sila mag-taping ay nanood daw siya ng ilang Hollywood movies na may mga gay characters na pagbabasehan niya sa kanyang role.

“Pinanood ko ‘yung The Birdcage. Yung role ni Nathan Lane doon, nakakatawa kasi very swishy siya.

“Tapos pinanood ko rin ‘yung To Wong Foo, Thanks For Everything, Julie Newmar. Ang galing nila Patrick Swayze, Wesley Snipes at John Leguizamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalakeng-lalake ang mga hitsura nila, pero noong mag-drag na sila ramdam mo na naiba ang characters nila.

“Gusto ko ring panoorin yung The Adventures of Priscilla: Queen of the Desert kasi puwede ko ring gawing peg yung mga characters doon.”

Inamin ni Gardo na tuwing kukunan daw ang eksena niya ay sobra siyang napapagod.

“Kasi naman ang dami kong kailangan gawin kapag may eksena ako.

“Since kikay akong bading dito, hindi lang sa pagbago ng boses ko ako nag-e-effort kundi pati sa pagbitaw ng mga gay lingo at sa pagkilos ko.

“Kailangan may timing ang mga kembot ko, pagpitik ng mga daliri at pati paikut-ikot ng ulo ko kailangan natural lalabas.

“E, gusto ni Direk Ricky, all out ang pagkabading ko dito kaya kapag nag-cut siya, humihingal ako sa pagod!” tawa pa ni Gardo.

TV PROJECTS. Hindi nababakante si Gardo at sunud-sunod ang mga projects na ginagawa niya para sa GMA-7.

Malaking pasasalamat ng aktor dahil naging malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya ang mga TV shows na ginagawa niya.

“Kung noon kasi pelikula ang pinaka-bread and butter naming mga artista, ngayon ang TV ang pinagkakakitaan namin.

“Since gawin ko ang Amaya noong 2011, sunud-sunod na ang mga ginawa ko for GMA-7. I did Ikaw Lang Ang Mamahalin, Hiram Na Puso, Aso ni San Roque, Mga Basang Sisiw, Titser, Genesis at yung huli was Rhodora X.”

BABY BOY TURNS ONE. Bukod sa pagiging masaya sa kanyang career, masayang ama din si Gardo dahil sa Oktubre ay magseselebra ng unang birthday ang kanyang baby boy na si Deity Uziel. Anak nila ito ng kanyang misis na si Ivy Vicencio.

Sabi ni Gardo, lahat ng kanyang pagpupuyat at paghihirap sa trabaho ay para sa kanilang baby.

Aniya, “Noong dumating kasi si Uziel sa buhay ko, malaki ang naging pagbabago. Doon ko lang naramdaman yung excitement ng pagiging isang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman ng lahat na may mga naging anak tayo pero hindi ko sila nakilala talaga—hindi ko sila nakita noong mga babies sila.

“Unlike itong si Uziel, nandoon ako noong ipinanganak siya at ngayon magwa-one year old na siya sa October, pinaghahandaan na namin ni Ivy kahit na four months pa ang layo.

“Gano’n kami ka-excited para sa birthday niya.”

MEETING HIS OTHER KIDS. Tinanong namin si Gardo kung sinubukan ba niyang makilala ang ibang mga anak niya. Sinabi naman ng aktor na gusto niyang makipag-communicate pero hindi raw niya alam kung saan magsisimula.

“Ang problema ay hindi ko alam kung nasaan sila.

“Nung time na dapat dadalawin ko yung isa sa Amerika, hindi natuloy ‘yon.

“Sayang kasi gusto ko rin malaman kung ano na ba nangyayari sa buhay nila. Gusto ko rin siyang makilala.

“Sa pagkakaalam ko, nasa college na siya, e. Sayang at hindi kami nagkita.

“Pero ako naman, wala akong sinasarang pinto sa mga anak ko.

“Kung gusto nila akong makilala, alam naman nila kung saan nila ako matatagpuan. Hindi naman tayo nagtatago,” paglinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN