Jasmine Curtis on Robin Padilla: “I’m stunned by his presence.”

Jasmine Curtis on Robin Padilla guesting in her self-titled TV5 reality show: “Masaya ako, isang malaking karangalang makatrabaho si Sir Robin. Medyo intimidated, pero masaya naman siyang kausap, palabiro so nawala agad yung intimidation ko kasi chill lang siya na tao, relaxed siya sa co-actors niya.”


Noong April 20, 2014 ay kinumpirma ni Sam Concepcion sa Buzz ng Bayan ang tunay na estado ng relasyon nila ni Jasmine Curtis.

Dito ay inamin ng singer/actor na sila na ni Jasmine. Matatandaang ito rin ang kasagsagan ng nabalitang pangungumpronta kay Sam ni Anne Curtis, nakakatandang kapatid ni Jasmine sa birthday bash ni Vice Ganda.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine sa set visit ng pinagbibidahang serye kahapon, June 28, sa bakuran ng TV5 sa Reliance St. sa Mandaluyong, hindi naman itinanggi ng aktres ang pag-amin na ginawa ni Sam.

Masayang balita ni Jasmine, “Nagsalita na si Sam sa isang show tungkol sa amin.

“Basta kung ano ang sinabi niya, yun na yun. Sobrang happy ako as a person. Malambing, he listens very well, sobrang understanding ni Sam, magalang siya sa parents ko saka madali siyang kasama.

“Mabuti naman kami, wala namang nabago sa amin, tama lang.

“Wala talagang nabago nung nangyari yung pagsubok na yun [the confrontation issue]. Isang pagsubok na dumaan lang, ’di na namin tinambayan, ’di na kami nag-linger pa.”

ALL’S WELL BETWEEN SAM AND ANNE. Muli naming tinanong ang tungkol sa isyu na kaya kinumpronta ni Anne si Sam ay dahil unfaithful daw ito kay Jasmine.

Ayon naman sa young actress, pag may problema siya sa isang tao, lalo na kung malapit sa kanya, agad niya itong ina-address para mapag-usapan nang mabuti.

“If I feel anything naman, I confront the person.

“As much as possible yung mga problems ko, I keep them private. I keep whatever I have against the person between us para mapag-usapan naman,” saad niya.

Inusisa namin si Jasmine kung ano ang reaksyon ng nakakatandang kapatid nang aminin niya dito ang relasyon nila ni Sam.

“Si Ate naman wala akong naririnig na otherwise. Of course na-magnify lang ang nangyari but she never said anything. Okay siya," ang sabi ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkasama-sama kami sa concert ni Ate. Actually, si Ate din ang tagal ko nang ’di nakita.

“Binisita ko na lang siya the other day bago siya pumunta ng work but before that and after that, ang hirap matsambahan ang oras ng Ate.

“Siya talaga ngayon ratsada sa sked niya kaya mahirap siyang matsambahan sa oras.”

NEW HOUSE. Lumipat na sa sarili niyang condo unit si Jasmine kung saan ang lahat ng pinambili sa gamit dito ay galing talaga sa bulsa niya. Dito ay kinuwento sa amin ng young actress na iba daw pala talaga ang independence at freedom pag pinaghirapan mo ang isang bagay.

Patuloy pang kuwento ni Jasmine, “For a while, bago ako lumipat, si Ate rin sobrang busy araw-araw, parang ganun na rin ang feeling, yung transition to live in my own place.

“Hindi na siya nakakabigla and may kasama na rin naman ako sa bahay. Yung kasambahay namin, four years ko na siya kakilala so very safe, very at home, very motherly.

“One month na, ’di ako ang bumili pero everything talaga is from my pocket.

“Masaya. Kasi yung sinasabi ng mga tao na iba talaga pag pinaghirapan mo, sa bahay mo, sa mga gamit mo, sobra kong ine-enjoy ang feeling na yun.

“It makes you want to work harder so in the future, you can purchase your things, buy a house probably when the time comes.

“Iba rin kasi, nasa iyo yung responsibility na kanino mo ibibigay yung address mo, sino ang iimbitahan mo sa bahay mo unlike before na I live in my Ate’s place kasi alam kong iba ang security kung saan nakatira si Ate.

“No matter what I do, I know already kung kanino ko ibibigay ang address niya. As of now, “Hmm, puwede ko ba itong ibigay sa ganitong companies? Pag mag-o-order ka ng anu-ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa regular na dumadalaw kay Jasmine sa kanyang condo unit ay ang boyfriend niyang si Sam.

Mabilis niyang pag-amin, “Oo, nakadalaw na naman siya. Marami na rin naman. Kasi instead of going out talaga, dun na lang kami nagha-hang out.

“Pag early ako the next day, ’di na ako kailangang bumiyahe pa pauwi. Usually sa bahay na lang kami kumakain, nagdadala siya ng pagkain.”

STALKER INCIDENT: REAL OR GIMMICK? Isang Linggo, hindi naipalabas sa ere ang Jasmine dahil daw sa isang stalker na laging nagte-text sa mga production people lalo na sa direktor nito na si Mark Meily.

Dinepensa naman ni Jasmine si Direk Mark sa mga nagsasabi na baka gimik lang daw ito para mapag-usapan ang show.

“One Sunday, wala, I was very safe during the incident. I had no idea, si Direk Mark Meily ang nakakaalam, wala talaga akong alam. I was just told about it.

“Okay lang naman kasi trabaho talaga ang focus ko. They were very tight na rin naman to begin with, so I don’t have a problem with anything talaga.”

“Kung anuman ang lumabas, I don’t think Direk Mark would make a statement, otherwise kasi, you know, kasi image na rin ni Direk Mark ang nakataya dun.

“Hindi rin maganda kung ’di totoo ang sinasabi niya. Opinyon yun ng mga tao and nirerespeto namin.”

OVERWHELMED BY ROBIN’S PRESENCE. Isa sa bagong karekter na papasok sa Jasmine ay ang aktor na si Robin Padilla. Excited ang dalaga na makatrabaho niya ang aktor na “kapatid” niya kung tutuusin, dahil iisa ang manager na humahawak ng kanilang career—si Betchay Vidanes.

Pagpuri ni Jasmine, “Masaya ako, isang malaking karangalang makatrabaho si Sir Robin.

“Same management kami pero we never had the opportunity to work together. Masaya ako na this is the chance and on my show pa talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I’m stunned by his presence, masaya ako. I’ve seen him before but in an event lang, kaya heto it’s overwhelming that he’s giving his time.

“Medyo intimidated, pero masaya naman siyang kausap, palabiro so nawala agad yung intimidation ko kasi chill lang siya na tao, relaxed siya sa co-actors niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN