Enrique Gil on possibility of "leveling up" friendship with Julia Barretto: “I think everything naman nagsisimula sa friendship, ’di ba?”

Enrique Gil feels proud he has established a solid friendship with his leading lady Julia Barretto: “Kung nakapagbuo ka naman ng sobrang ganung friendship, who knows, ’di ba? Maybe that’s a good basis. Pero hindi naman kami nagmamadali ni Julia at ayaw naman naming pilitin agad. Besides bata pa naman si Julia.”


Para kay Enrique Gil, ang leading lady niya at bida sa Kapamilya teleseryeng Mirabella na si Julia Barretto ang masasabi niyang pinaka-close sa kanya sa lahat ng naging leading ladies niya at naka-loveteam.

Ang tanong tuloy kay Enrique, hindi kaya masaktan yung ibang naka-partner niya dati?

Paglilinaw ng young actor, “Ang sinasabi ko lang siguro mas deep yung nabuo naming friendship [ni Julia].

“Siguro kasi marami kaming similarities at saka when we talk about yung family niya, yung family ko, parang at ease na kaming mag-open sa isa’t isa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sina Enrique at Julia sa farewell presscon ng Mirabella noong Hunyo 25 sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound. Magtatapos na ang Mirabella sa Hulyo 4.

Nakatrabaho na ni Enrique ang tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto sa teleseryeng Princess And I, kung saan gumanap sila na mag-ina. Nakatulong daw ito pagiging close nila ng dalagang aktres.

Ayon kay Julia, aprubado rin daw sa kanyang Mommy Marjorie si Enrique bilang ka-loveteam niya.

Ano naman ang comment ni Julia sa statement ni Enrique na siya ang closest sa aktor?

“That’s very nice of Quen (Enrique) naman. We’ve actually gotten closer in this show.

“Nakaka-flatter siya syempre, ’di ba, kasi you’re working and you’re building a friendship. Tapos yun na pala ang tingin niya sa iyo—ang feeling niya na ikaw na yung closest niya. So, very flattering,” ani Julia.

NOT IN A HURRY. Ngayong matatapos na ang Mirabella, may pinaplano ba silang get together or date kaya?

“Yeah, may pinaplano kaming party with everybody, with the cast, the whole crew. And then kami ni Julia, I’m sure we’ll find time to hang out even after Mirabella ends,” sabi ni Quen.

Dahil sa pagiging close nila, posible bang mag-level up si Enrique at mauwi ito sa panliligaw kay Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, yes, oo naman. I think everything naman nagsisimula sa friendship, ’di ba? Kung nakapagbuo ka naman ng sobrang ganung friendship, who knows, ’di ba?

“Maybe that’s a good basis. Pero hindi naman kami nagmamadali ni Julia at ayaw naman naming pilitin agad. Besides bata pa naman si Julia,” ani Quen.

Gusto lang daw pangalagaan ni Enrique si Julia.

Ayon pa sa aktor, “Mirabella kasi is her first show [in a lead role]... Since first show niya, inaalagaan niya, so it’s her priority. I think it will be best for her to concentrate sa show.”

WHAT IF? Natanong naman si Julia kung maaapektuhan ba ang working relationship nila kung sakaling niligawan siya ni Quen?

Sagot ni Julia, “It’s so hard to speak pag hindi kasi nangyayari. You’ll never know kasi unless nandoon ka na sa moment na iyon.

“He just knows his priorities and I’m thinking about my priorities also. It’s actually nice that it shows kung anong klaseng tao si Quen.”

Wish nga nina Enrique at Julia na sana ay magkatrabaho ulit sila pagkatapos ng Mirabella, lalo na’t dahil sa teleserye ay nagkaroon na sila ng San Marino Tuna endorsement.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN