Robin Padilla on Kylie-Aljur breakup: “Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan.”

Robin Padilla on Kylie-Aljur breakup: “Hindi, hindi ko ibibigay ang opinyon sa inyo diyan kasi sumisikat pa ang ibang tao. Sinaktan na nga ang anak ko, kinakausap niyo pa ’ko tungkol diyan.”


Ipinakilala kahapon ng tanghali, Sabado, June 28, ang isa sa makakasama ni Jasmine Curtis-Smith sa kanyang kauna-unahang title role para sa TV5 fiction-reality series na Jasmine.

Ito ay walang iba kundi ang (dating) Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla. Ayon sa balita, may mahalagang papel itong gagampanan sa serye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Robin sa taping ng Jasmine sa bagong studio complex ng TV5 sa Reliance corner Sheridan Streets sa Mandaluyong City.

Pero ayon kay Robin, “Hindi naman ako bago. Kasama talaga ’ko rito. Pang-surprise ako ni Ma’am Wilma [Galvante].”

Bago pa lang magsimula ang Jasmine, alam na ba niyang magiging malaking bahagi siya ng once-a-week series na ito?

Saad niya, “Sinabi na sa akin ni Betchay [Vidanes].

"Siya rin naman ang manager namin ni Jasmine, at sinabi na niya sa akin na sumuporta ka naman kay Matt [Padilla]."

(Si Matt ay anak ni Rommel Padilla at pamangkin ni Robin.)

Pagpapatuloy ni Robin, “Sabi ko, oo ba, bigyan niyo ko ng character na hindi ko matatanggihan.

"Maganda ang dumating na script, e.”

Natawa naman ang ilan sa entertainment press nang sabihin ni Robin na “lasenggo” ang karakter na tinutukoy nitong maganda.

Katwiran naman niya, “Ang tagal ko nang gustong bumalik sa ganun.”

May kontrata pa rin sa ABS-CBN si Robin at wala naman daw naging problema dahil nagpaalam at pinayagan naman daw siya.

Naalala namin ang dapat paggi-guest din niya sa unang primetime series na pinagbidahan ng anak niyang si Kylie sa GMA-7, ang Adarna, pero hindi naman siya natuloy roon.

Paliwanag ni Robin, “Hindi ko nagustuhan ang role, mamamatay ako. Ayoko naman ng mamamatay ako.”

Wala pa ba siyang nagagawang karakter na namatay siya?

Aniya, “Sa pelikula, pero yung guest ka na nga lang, mamamatay ka pa, aba, ang pangit naman no’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung medyo memorable naman. Kasi dito, yung role ko, parang lasenggo na dating pulis, natanggal siya.

Hiniwalayan siya ng asawa niya. Parang naging redemption niya yung kaso ni [Jasmine].”

Mapili na ba siya ngayon sa ginagawang karakter?

“Gusto ko yung hindi ko pa nagawa.

"Lalo na yung ganito, first time in the history sa Pilipinas, yung mga konsepto na pinaghalo ang reality at ang katotohanan.

“Tapos, puro kaibigan ko ang nandirito. Sina Ma’am Wilma kasama natin sa GMA-7, mabilis akong magtiwala.

“At saka, lahat naman ng top-raters ko sa Channel 7, si Ma’am Wilma naman ang nagkonsepto nun, Joaquin Bordado lalo, Asian Treasures,” pagmamalaki niya sa mga naging teleserye niya sa Kapuso network.

SOON A KAPATID? May posibilidad kaya na kapag natapos ang kontrata niya sa Kapamilya network (ABS-CBN), sa Kapatid network (TV5) naman siya pipirma?

“Aba, depende sa budget,” natawang biro niya.

Gaano pa ba katagal tatakbo ang kontrata niya sa ABS-CBN?

“Ang ABS naman, palagi naman ‘yan, hindi naman sila bumibitiw. Ganoon naman ang ABS, palagi silang may offer.

“Ako naman, kung sino ang mas may malaking offer.

"Puro kaibigan ko naman kasi ang boss dun. Puro kasabayan ko naman, naiintindihan naman nila ang pangangailangan,” lahad niya.

Hindi naman ikinaila ni Robin na malaki rin ang posibilidad na maging isang Kapatid siya.

Diin nga niya, “Malaki ang posibilidad.”

ON KYLIE-ALJUR BREAKUP. Natawa naman si Robin nang tanungin ito at kumustahin tungkol sa anak na si Kylie.

Naitanong kay Robin kung nakapagkuwentuhan na sila ng anak tungkol sa paghihiwalay nito at ng ex-boyfriend nitong si Aljur Abrenica.

“Anong kinalaman naman sa Maskara niyan?”

Ang Maskara na tinutukoy ni Robin ay ang “stalker” sa seryeng Jasmine.

Bilang ama ni Kylie, nakita rin daw niya ang pinagdaanan ng anak.

“Wala na ’kong komento riyan. Kasi, ang mga anak ko, lumaking nanggugulpi ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview ng PEP kay Kylie, binanggit ng aktres na tinanong siya ng kanyang ama tungkol dito, pero ang aktres na rin ang nagsabi sa ama na okay lang ito.

Pagsusog ni Robin, “Tinanong ko siya, ikaw ba ay naapi? Sabi niya, ’Hindi.’ So, sige.”

Kilala sa industriya kung paano pangalagaan at protektahan ni Robin ang mga anak.

Tanong ng PEP, nasaktan din ba siya para kay Kylie?

“Hindi, hindi ko ibibigay ang opinyon sa inyo diyan kasi sumisikat pa ang ibang tao.

“Sinaktan na nga ang anak ko, kinakausap niyo pa ’ko tungkol diyan.

"Puwede naman nating pag-usapan si Jasmine, ang ganda-gandang babae.

“Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan,” saad niya.

Ano naman ang maipapayo niya kay Kylie?

“Humanap siya ng barako. Barakong Pilipino, yun ang sinabi ko sa kanya.”

Ano naman ang naging sagot ni Kylie sa kanya?

“Oo raw, pipilitin niya,” lahad ni Robin, na ikinatawa ng lahat.

ADVICE FOR JASMINE. Si Jasmine ay para na rin niyang anak dahil halos ka-edad lang ito ni Kylie.

May maipapayo ba siya rito?

“E, mukha namang hindi naaapi ‘to. Wala pa kong mai-a-advise sa kanya.

“Kapag nakita kong mugto na ang mata, humanap ka na lang ng pangit,” natawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN