Richard Gutierrez prefers being a freelancer: "I get to say no, and I get to choose kung anong projects ang okay."

Richard Gutierrez on how fatherhood changed him for the better: “I think it has saved me, actually. I don’t know, from falling off the cliff, I think. Kasi parang siyempre nung single ka, ’pag single ka, parang siyempre, puro party, gimmick, ’di ba? Kumbaga, good time.”


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Richard Gutierrez, sa presscon ng GMA Films offering na Overtime, tinanong namin kung ano para sa kanya ang advantages ng pagiging isang ama.

Tugon niya, “I think, being a father is one of the best things that happened to me talaga!”

May disadvantage ba?

“Wala! Wala,” diin niya.

Thankful daw si Richard na kay Sarah Lahbati siya nagkaroon ng anak.

Sabi niya, “Thankful ako sa lahat ng nangyari sa buhay ko ngayon.

"Seriously, it has changed me. I think it has saved me, actually.”

Saved him from?

“I don’t know, from falling off the cliff, I think!” at natawa si Richard.

Dagdag niya, “Hindi naman, hindi naman.

"Kasi parang siyempre, nung single ka, ’pag single ka, parang siyempre puro party, gimmick, ’di ba? Kumbaga, good time.”

DOMESTICATED. Hindi na siya mahilig mag-party ngayon?

“Gumigimik pa naman kami, kamimg dalawa ni Sarah.

"Pero parang siyempre, alam ko na limitations ko, alam ko na kung anong oras uuwi."

May curfew na raw siya.

“Self-imposed. At saka magkasama naman kami ni Sarah.”

Hindi na siya naa-attract sa ibang babae?

“Hindi mo naman puwedeng sabihin yun, pero siyempre lahat ng attention ko, na kay Sarah.

"Puwede pa rin namang maging attractive ang isang babae, ’di ba, na wala naman akong gagawin, ’di ba?

“I’ve learned from experience!” at muling natawa si Richard.

Paano siya umiiwas sa tukso?

Sagot niya, “Nasa tao na rin yun, kung paano ka iiwas siyempre. Nasa diskarte na yun.”

May “nanunukso” pa ba sa kanya?

“Ngayon, wala naman akong napapansin. Lagi lang akong nasa bahay, e!” at muli siyang natawa.



CREATIVE COLLABORATION. Samantala, hindi ba nag-suggest si Richard na siya ang magdirek ng Overtime?

Aniya, “Actually, alam mo, may mga instances na it was a collaboration talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was suggesting na ganito, puwedeng ganyan, may input naman ako.

“And I’m very thankful kasi yung mga directors namin, very open-minded, ’tsaka parang it’s more of a collaboration talaga.

“So, ang sarap lang, kasi lahat kami naging creative lang, alam mo yung ganun?

“Parang sa ikagaganda lang ng pelikula,” pagmamalaki niya.

Ang Overtime ay mula sa direksiyon nina Earl Ignacio at Wincy Ong.

Darating ba ang oras na magdidirek na siya ng isang buong pelikula?

Sabi ni Richard, “Sana, ’pag nahanap ko yung tamang project, ’pag nahanap ko yung time.

“So, eventually.”

Kapag direktor na siya, sino ang isang artista na una niyang gustong idirek?

“Si Sarah puwede.

“Hindi ko talaga alam, e. Depende rin sa project siguro.

"Ang hirap kasing pumili ng isang artista, ang daming magagaling, e.”

O isang pelikula na sila ni Sarah ang artista?

“Puwede rin yun, pero medyo mahirap kasi yun dahil mahirap pagsabayin ang directing and acting,” sabi niya.

Suspense-thriler ang Overtime at, ayon kay Richard, “medyo kontrabida yung role ko dito.”

WAITING FOR RIGHT TV PROJECT. May balita na ba sa pagbabalik niya sa isang drama series? Nami-miss ba niya ang umarte sa isang soap opera?

Ani Richard, “To be honest, ngayon naka-concentrate ako sa reality show namin.

"’Tapos naka-concentrate din ako sa movies kasi I really love doing movies.

“So, ang teleserye right now, ’pag dumating siguro yung tamang project, ’pag merong tamang project na, ‘Wow, gusto kong gawin ito!’ Gagawin ko.”

Kahit anong istasyon?

Mabilis niyang sagot, “Kahit anong istasyon, oo, basta tama yung project for me.

“Kasi ’pag gumawa ka ng teleserye, talagang ubos ang oras mo diyan.

"So, ubos ang oras ko kay baby Zion, ibig sabihin.

“Pero pag dumating ang tamang project na feeling ko I can’t miss this project, gagawin ko, iyon ang gagawin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FREELANCE OR CONTRACT STAR? Nagtapos na ang kontrata ni Richard sa GMA Network kaya freelancer na siya ngayon.

Nung nag-guest siya sa The Buzz, nagkaroon ba ng offer sa kanya ang ABS-CBN?

Saad ni Richard, “Mahirap sagutin kasi ngayon I still have a contract with GMA Films.

"Pero iyon nga, nakuwento ko na rin sa The Buzz na nag-offer sa akin ang Star Cinema ng napakagandang project na kinailangan kong tanggihan.”

Sa TV, saan siya nakontrata ngayon?

“Sa TV, wala akong contract and I prefer it that way.

"I like that kasi, at least, I get to choose, you know.

"I get to say no, and I get to choose kung anong projects ang okay.

“And ngayon kasi, yung reality show namin, kukunan pa yung second season and third season.”

So, open siya sa TV guestings sa ABS-CBN?

“Oo naman! Nag-guest na ako sa kanila sa The Buzz.”

Sa ibang shows ng ABS-CBN?

“Oo, I’m open naman basta maganda yung project, wala namang problema,” sabi pa ng first-time dad.

Kung kunin siya ng ABS-CBN para gawin ang Captain Barbell? Tatanggapin niya?

Si Richard ang gumanap na Captain Barbell dati sa GMA, pero ngayon ay nasa ABS na ang TV rights ng naturang Pinoy superhero.

“Hindi ko lang alam. Pag-iisipan ko, pag-iisipan ko!” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN