Senator Jinggoy Estrada refuses to enter plea in plunder case

Senator Jinggoy Estrada maintains that he has been denied of due process, stating "the cases against us were rushed and railroaded and that due process of law was not observed especially during the preliminary investigation by the Ombudsman."


Tumangging maghain ni Senator Jinggoy Estrada ng anumang plea sa ginanap na arraignment sa Sadiganbayan para sa kasong plunder.

Kaya’t ang anti-graft court na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa senador nang basahan ito ng sakdal ngayong araw, June 30.

"SELECTIVE." Ayon sa ulat ng GMA News Online, inihayag ng senador na mayroon pa siyang nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na muling i-review ang desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kasuhan siya ng plunder noong March 28 at June 4.

Layunin din ng naturang petisyon na magkaroon ng temporary restraining order kaugnay ng pagdinig ng kaso ng senador sa Sandiganbayan.

Ito ay sa kadahilanang nilabag daw ang karapatan ng senador bilang akusado para sa due process at equal protection nang sampahan ito ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Ayon kay Senator Estrada sa kanyang petisyon, malinaw na “selective prosecution” ang pinairal dahil sa pagdiin sa kanila nina Senator Bong Revilla at Senator Juan Ponce Enrile, gayong marami pang ibang mambabatas at government officials ang dawit sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Nanindigan din ang senador na hindi sapat ang ebidensiyang inihain laban sa kanya.

Bukod sa itinanggi ng senador na hindi totoo ang paratang na nagnakaw siya ng pera mula sa kaban ng bayan, iginiit niyang walang sinabi si Ruby Tuason na umabot ng P50 million ang tinanggap na kickback ng senador.

Ayon kasi sa R.A. 7080 o An Act Defining and Penalizing The Crime of Plunder, ang isang public officer na nagkamal o nakipagsabwatan sa iba upang makakuha ng may kabuuang halaga na “at least 50 million pesos” ay maaaring makasuhan ng plunder.

Sabi pa sa petisyon na inihain Senator Estrada sa Korte Suprema noon pang June 24: “Apart from bare allegations and hearsay evidence, there is no proof that Sen. Estrada received, amassed, accumulated or acquired a single centavo out of his PDAF [Priority Development Assistance Funds] allocation through a combination or series of overt criminal acts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is not disputed that Sen. Estrada never had control or custody of a single centavo of the funds.”

Taliwas ito sa imbestigasyon ng Office of The Ombudsman, Department of Justice, at National Bureau of Investigation, kung saan sinasabing tumanggap ng komisyon si Senator Estrada mula sa pakikipagtransaksiyon nito sa itinuturong pork barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Nagkakahalaga ng P183.79 million ang diumano’y tinanggap na kickback ni Senator Estrada mula 2004 hanggang 2010.

"RAILROADED." Noong May 7 ay hiniling din ng senador na muling i-review ng Korte Suprema ang desisyon ng Office of The Ombudsman na hindi siya bigyan ng kopya ng sinumpaang salaysay ng mga tumestigo laban sa kanya.

Dito ay iginiit ni Senator Estrada na nilabag ang karapatan niyang sumailalim sa due process.

Hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataon at ang kanyang legal team na suriing mabuti at sagutin ang mga ibinatong paratang laban sa kanya.

Sa hiwalay na ulat ng dzBB, ang radio station ng GMA, nagpahayag ang senador ng kanyang saloobin tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya ngayon.

Malaki ang kumpiyansa niya na ’di magtatagal at mapapawansala rin siya sa kasong hindi raw niya talaga ginawa.

Aniya, "The recent developments are indicative of the fact that the cases against us were rushed and railroaded and that due process of law was not observed especially during the preliminary investigation by the Ombudsman.

"Because of its overzealousness to be glorified as heroes by putting us behind bars, the Ombudsman haphazardly filed an information before the Sandiganbayan."

Samantala, naghain naman ng “not guilty” plea si Napoles nang basahan siya ng sakdal sa Sandiganbayan kaninang umaga.

Ang iba pa nilang kapwa-akusado ay ang chief of staff ni Senator Estrada na si Pauline Labayen at driver ni Napoles na si John Raymund de Asis.

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad sina Labayen at De Asis hanggang sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN