Nora Aunor breaks silence on National Artist issue

Nora Aunor on National Artist snub: “Inaamin ko pong nasaktan ako sa nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan—mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa—ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski walang mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang


Sa gitna ng patuloy na pag-uusap-usap, pagpapahayag ng mga reaksiyon at mga komento bilang protesta, pansarili man o pang-institusyon, at pagtalakay hinggil sa mga posibilidad ukol sa lalong pagpapatibay ng mga batayan sa pagpili ng National Artist Award—sanhi ng pagkapigil o pagkakalaglag ng Malacañang sa proklamasyon ni Nora Aunor—ay ang nagkakaisa ring tanong ng concerned citicizens mula sa iba’t ibang sektor:

Ano ang pansariling pahayag ng ngayo’y tinataguriang “People’s National Artist” na si Nora Aunor?

Hanggang noong Sabado, June 28, nananatiling tahimik ang kampo ng Superstar.

Ilang araw mula nang unang napaulat ang balitang hindi nakabilang sa mga bagong naiproklamang National Artist ng Office of the President si Nora, walang naririnig mula sa kampo ng aktres.

May mga litratong kuha sa Instagram post ng mga artistang katrabaho ni Nora sa mga pelikulang Hustisya at Whistleblower—ang dalawang indie films na tinatapos ng aktres ang shooting—na nagpapakitang maayos, nakangiti, at masaya sa pagtatrabaho niya ang aktres.

Ito’y sa kabila ng tila pagkabulabog ng kanyang mga tagasuporta, ng media, ng multi-sectoral public, kabilang ang mga taga-akademya at simbahan.

“Hindi naman pinag-uusapan sa set ang tungkol sa isyu ng National Artist,” sabi ng isang taga-produksiyon na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May pagtatanong man tungkol sa isyu, ngumingiti lang si Nora.

Wala siyang masidhing damdaming naibabahagi dahil naka-focus ang aktres, ’tulad ng karaniwan niyang gawi, sa pagtatrabaho.



CHANGE OF HEART? Noong Sabado, June 28, nagkaroon ng munting pagbabago na hindi rin inaasahan o sinadya ni Ate Guy.

Last shooting day ng Hustisya noon, at ang isa sa mga kukunan ay ang natitirang eksenang kasama ni Nora sina Gardo Versoza at Rosanna Roces.

Mid-afternoon nang mag-report sa set si Gardo.

Suot ng aktor ang paborito niyang T-shirt na may nakakaintrigang print/slogan: “PROUD TO BE FILIPINO/ ASHAMED OF MY GOVERNMENT.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang kuwento ni Gardo sa PEP, “Naglambing si Ate Guy, hiningi yung T-shirt ko!”

Walang nagawa si Gardo kundi ang ipaubaya ang hiling ng kasamang aktres.

Gaya ng ibang mga artista, ikinalungkot ni Gardo ang pangyayari para kay Nora.

Sa kanyang Facebook status ay ganito ang naging pahayag ng aktor: “...hindi na kailanman mabubuwag ang naiambag mo sa industriya ng pelikulang Pilipino... isa ka na sa matatag na poste na nagbigay ng pagkakakilanlan sa ating industriya... hindi ka man nila kinilala at binigyan ng parangal nakaukit ka na bawat puso ng Pilipinong kumikilala sa sining... mabuhay ka NCV!!!!!”

Isinuot ni Ate Guy ang T-shirt na may naghuhumindig na mensahe hanggang matapos ang shooting ng Hustisya, na ang huling eksena ng aktres ay kinunan sa mataong lugar ng Avenida, sa Maynila.



NORA AUNOR SPEAKS UP. Dalawang araw ang lumipas, June 30, ay binasag na ni Nora ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng paglabas ng kanyang opisyal na pahayag.

Ito ang kabuuan ng pahayag ng Superstar na ipinadala ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee sa PEP ngayong hapon:

“Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.

“Inaamin ko pong nasaktan ako sa nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan—mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa—ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski walang mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko, habang buhay sa kanilang mga puso, bilang isang artista ng bayan.

“Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito dahil taos-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista—ang mga mamamayang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking sining, upang lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron ako, at upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal mamamayang Pilipino.

“Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos.”



FORUM. Kaugnay pa rin nito ang isasagawang malaking pagpupulong ng mga Akademiko at taga-media,upang pag-usapan ang mga suliraning kaugnay ng National Artist Award.

May paanyaya ang organizers, sa pamumuno ni Professor Jason Jacobo ng Ateneo De Manila University na daluhan ang “The Nora Effect: A Forum On The Crisis In The Order of National Artist.”

Gaganapin ito sa Miyerkules, July 2, 4 p.m., sa Faber Function Hall ng ADMU.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN