Rihanna wears a Michael Cinco gown for magazine shoot

Filipino fashion designer Michael Cinco (inset) makes another feat when his gown was worn by international music artist Rihanna for a magazine shoot.


Tuwang-tuwa ang Filipino fashion designer na si Michael Cinco sa pagsuot ng international R&B singer na si Rihanna ng kanyang nilikhang gown para sa isang fashion magazine.

Sa Instagram account ng fashion designer (michael5inco), ipinost niya ang larawan ng cover ng fashion magazine na Harper’s Bazaar, kung saan nasa cover si Rihanna suot ang black embroidered outfit na ang Filipino fashion designer ang may gawa.

Isa pang larawan ang katabi ng nasabing cover photo ni Rihanna na black sequinned gown na likha rin ni Michael.

Bahagi ng caption ni Pinoy fashion designer: “RIHANNA wears MICHAEL CINCO in a fab Harper’s BAZAAR Arabia July Issue...”

Ipinost ito noong Sabado, June 28.

Kinabukasan, June 29, nag-post uli si Michael ng larawan ng cover photo ni Rihanna sa kanyang Twitter account.

Ayon sa caption ni Michael: “Wow...RIHANNA used my black couture gown as her cover photo on her Twitter profile...love it love it love it...”

Kamakailan, naiulat na si Michael din ang gumawa sa isa sa outfits ng Hollywood actress na si Mila Kunis para sa upcoming movie na Jupiter Ascending na pinagbibidahan din ni Channing Tatum.

Read: Michael Cinco gown featured in sci-fi movie, Jupiter Ascending

Ilan pa sa Hollywood stars na nadamitan ni Michael ay sina Tyra Banks, Naomi Campbell, Sofia Vergara, Britney Spears, Lady Gaga, Chris Brown, Fergie, Paris Hilton, Dita Von Teese, Christina Aguilera, Ashanti, Mischa Barton, at Jennifer Lopez.

Sa local celebrities, kabilang sina Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Alonzo, at Ruffa Gutierrez sa mga nakasuot na ng mga nilikha ni Michael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN