Matt Evans’s wife due to give birth to their first baby this July

Matt Evans is challenged by his role of a higher being in Kapamilya network’s adaptation of the Korean telenovela Pure Love.


Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Matt Evans hindi lang dahil excited siya sa bago niyang show na Pure Love kundi maging sa kanyang personal life.

“Oo, wala nang naging hassle talaga, everything is falling into place na,” pahayag ni Matt sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng ABS-CBN drama series na Pure Love noong June 26.

Happiness ba ang dahilan kaya kapansin-pansin ang kaguwapuhan niya ngayon?

“Ganoon daw talaga kapag nag-aasawa, may nag-aalaga at hiyang na hiyang,” proud na sabi ni Matt.

Madalas pa rin ba siyang gumimik?

“Ay, hindi na! Ang barkada ko ngayon yung pamilya ko.

"Siyempre, buhay may asawa na, so parang umiikot na ang mundo ko sa trabaho at pamilya ko."

Ikinasal si Matt sa kanyang misis na si Katrina Fariñas noong October 3, 2013.

Matino ba siyang mister sa misis niya?

“Siguro po!” natawang sabi ni Matt.

"Kasi ako, bahay, trabaho, ganoon na lang ngayon.

"Kung wala ka na rin namang gagawin, mas mabuti sa bahay na lang mag-stay para magpahinga, e.

“Kumbaga, lahat naman napagsawaan ko na lahat, ’tapos na-enjoy ko rin naman ang pagkabinata ko.

"Siguro magkakaroon ka lang ng hesitation sa pagkabinata kung hindi mo pa na-enjoy ang pagkabinata mo.

“Ako, sawang-sawa na kaya settled na ako rito.”

DADDY AGAIN. Ibinalita rin ni Matt na nakatakdang isilang ni Katrina ang first baby nila ngayong July.

“Due date niya is July 14, pero anytime daw puwede [manganak], sabi ng doctor.”

Mayroon din siyang anak sa dati niyang live-in partner na si Johnelline Hickins.

Sobrang excited daw ang Kapamilya actor sa pagdating ng second baby niya.

“Sabi ko nga sa kanya [Katrina], gusto ko ulit pa-ultrasound kasi gusto ko ulit makita yung baby.”

Ano ang gender ng baby nila?

“Girl, again,” mabilis na sagot ni Matt.

Mas gusto ba niyang lalaki naman ang maging anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ano, basta healthy.

"Kasi syempre, lalaki nga, kung hindi naman healthy, mahirap naman yun.

"Marami pa namang pagkakataon.”

May naisip na ba silang pangalan para sa baby nila?

“Hayley napakagsunduan namin, kasi si Hayley Williams sa Paramore [American band].

"Sobrang gustung-gusto ko yung banda na yun, yung vocalist nila na babae.

"Actually, it’s Hayley Marley, so Hayley Marley Evans, naks!” kinikilig na sabi ni Matt.

DROPPED COMPLAINTS. May contact pa ba siya sa first daughter niya na si Natalie Kurt?

“Yes, yes, nadadalaw ko naman,” sabi ni Matt.’’

Kumusta namn ang reklamong pananakit na inihain laban sa kanya ng dati niyang live-in partner na si Johnelline?

Ayon kay Matt, “Oo, okey na kami, settled na kami.

"Tapos na tapos na yung kaso at nagkasundo na kami.

“Actually, natulungan din kami nung pinaka-judge namin at siyempre si Lord. Kakadasal… nakuha sa dasal.

"‘Tsaka naging maayos kami, naging magkaibigan kami."

Naka-move on na rin daw ang ex-girlfriend niya.

"Masaya na rin siya sa ginagawa niya."

Sabi rin ni Matt, hindi siya nawawalan ng oras para sa panganay niyang anak. Dinadalaw raw niya ito ilang beses sa isang linggo puwera na lang daw kung may taping siya.



STATUS CHANGE. Twenty-five years old na ngayon si Matt. Ano ang mga binago niya sa sarili ngayong may pamilya na siya?

Saad niya, “A, status lang siguro. Yun lang siguro ang binago ko saka less barkada siyempre.

"Pero hindi naman totally out, kasi pinapayagan naman ako ng asawa ako.

"Minsan nga kasama ko pa siya kahit buntis siya. Wala naman kaming hindi pinagkakasunduan.”

Hindi ba nagrereklamo ang misis niya na nababawasan na naman ang oras niya sa pamilya dahil sa bago niyang teleserye?

“Hindi naman…. very supportive siya, siya pa nga ang nag-aasikaso sa akin.

"Nahihiya nga ako minsan kasi, ‘Malaki na ang tiyan mo, huwag ka nang masyadong kumilos.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya pa yung nag-aayos ng damit ko. Minsan nga, yung schedule ko hindi ko alam, siya pa ang may alam.

"Siya ang sumasagot sa handler ko, alam mo yun, may instant secretary ka agad sa bahay!” biro ni Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN