Megan Young on Lauren Young’s love scenes with Richard Gutierrez: "Nakapikit ako the whole time.”

Miss World 2013 Megan Young attends red-carpet premiere of Overtime last night, June 30. "Hindi ko in-expect na may kissing scene pala na gano’n. Nakapikit ako the whole time,” says Megan when asked about sister Lauren Young’s love scenes with Richard Gutierrez in the movie.


Aminadong nagulat si Megan Young, 24, nang mapanood ang mainit na mga eksena sa pagitan ng kapatid niyang si Lauren Young, 20, at ni Richard Gutierrez, 30, sa pelikulang Overtime.

Hindi raw akalain ni Megan na kaya na ng nakababata niyang kapatid na maging ganoon ka-daring para sa isang papel na ginagampanan nito.

“Dark comedy siya. Sobrang hindi ko in-expect.

"As usual, dahil baby sister ko si Lauren, hindi ko kinaya ang isang eksena dun.

“Yung love scene, hindi ko kinaya. Medyo na-shock ako.

"Ako, never pa ako gumawa ng ganun ka-daring," sabi ni Megan.

Sa kabilang banda, ipinagmalaki ni Megan ang ipinakitang galing sa pag-arte ng kapatid sa naturang pelikula.

Sabi pa ng Miss World 2013 titlist, “It was done very tastefully. Pero siyempre, kapatid ko pa rin ‘yan.

"Hindi ko in-expect na may kissing scene pala na gano’n. Nakapikit ako the whole time.”

Kaya rin ba niyang makipag-love scene ‘tulad ng ginawa ng kapatid?

Sagot ni Megan, “Hindi ko po alam. Hindi ko masabi.”

BACK IN MANILA. Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan pagkatapos ng red-carpet premiere ng Overtime, na ginanap sa The Podium Cinema 1, kagabi, June 30.

Ayon kay Megan, ilang araw lang siyang mananatili sa Manila bago muling lumipad patungong ibang bansa para ipagpatuloy ang mga gawain niya bilang Miss World.

Kamakailan lang ay dumalo si Megan bilang key speaker sa ginanap na closing gala ng CineEurope Convention sa Barcelona International Convention Center.

Pagbalik dito sa bansa, kasama rin ang dalaga sa guest speakers para sa groundbreaking ceremony ng Pediatrics Ward ng Philippine General Hospital (PGH) noong June 27.

SHOWBIZ. Sa December 2014 ay nakatakdang magtapos ang kanyang beauty queen duties. Kaya’t tinanong ng PEP kung may plano na ba siya sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Sagot ni Megan, “I have things in mind. Pero siyempre nasa management pa rin yung decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag-uusapan pa namin. Ipaplano pa namin.

"We wanna take things carefully and step by step rather than rushing into things."

Mas dumami daw ang TV offers sa kanya mula nang tanghalin siyang Miss World 2013.

Ngunit sa ngayon ay kailangan niyang unahin ang responsibilidad na kaakibat ng kanyang korona.

Aniya, “I miss showbiz. Siyempre dun ako lumaki since bata ako.

"Pero, we’ll see. I love what I do. So, patuloy ko pa rin itong gagawin.”

Kinumusta rin ng PEP ang lovelife ni Megan ngayong iba’t ibang personalidad ang nakikilala niya abroad.

Ngunit iginiit ng Pinay beauty queen na wala siyang napupusuan at sadyang hindi siya nagpapaligaw sa ngayon.

“Wala. I don’t entertain stuff like that for the meanwhile. Kasi palaging nagta-travel,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN