Senator Miriam Defensor Santiago battles Stage 4 lung cancer

“When I go into remission, I might announce my candidacy for president for 2016 unless God gives me another disease #MiriamFight,” Senator Miriam Defensor Santiago writes on her Facebook account after announcing that she has been diagnosed with Stage 4 lung cancer.


Inamin ni Senator Miriam Defensor Santiago na mayroon siyang lung cancer. Nasa Stage 4 na ang cancer ng senador.

Ipinaalam ni Senator Miriam ang tungkol dito sa isang press conference na ginanap kaninang umaga, July 2, at sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Senator Santiago, ang kanyang left lung ang tinamaan ng cancer.

Matatandaang noong 2010 ay nag-file ng indefinite leave ang senadora dahil sa chronic fatigue syndrome.

Sa kanyang Facebook status ngayon, sinabi ni Senator Santiago, “Everytime I was checked for chronic fatigue syndrome, I would get a CT scan but they couldn’t see it because my lungs were already filled with fluid and it just appeared as a small blur on the scan #MiriamFight

Dahil dito, sasailalim si Senator Santiago sa treatment sa loob ng anim na linggo.

Bagamat may karamdaman, nanatili naman ang paninindigan niya laban sa korupsiyon sa gobyerno.

Sa katunayan, isa rin ito sa naging paksa sa ginanap na press conference kanina.

Kilala si Senator Santiago na matapang niyang binabatikos ang mga kapwa pulitiko na sangkot sa multi-billion pork barrel scam, lalo na sa tatlong senador na sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile.

“I hope to see you in six weeks recovered, after going through treatment. #MiriamFight,” sabi ni Senator Santiago sa kanyang Facebook account.

Idinagdag din niya sa kanyang Facebook posts: “When I go into remission, I might announce my candidacy for president for 2016 unless God gives me another disease #MiriamFight


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN