PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto’s lawyer firm in his allegation that Raymart Santiago’s counsel sabotaged their reconciliation efforts

Nagkakaroon ngayon ng iringan sa pagitan ng abugado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio at ng abugado ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo sa gitna ng efforts na magkaayos na ang magkabilang kampo para sa kapakanan ng kanilang mga anak.


Pinanindigan ng abugado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio ang kanyang pahayag na sinabotahe diumano ng abugado ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo ang usapin ng pag-aayos sana ng magkabilang kampo.

Matatandaang sinabi ni Atty. Topacio, sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 29, na pinalala diumano ni Atty. Castelo ang problema nang magkontra-demanda ang kampo nito pagkatapos magsampa ng custody case si Claudine.

Bahagi pa ng pahayag ni Atty. Topacio, “Bago pa man, nagri-reach out na nga kami na manood si Raymart noon ng dance recital ni Sabina sa Araneta, dumaldal naman sa media na hindi raw sincere yung offer, so it is the lawyer of Raymart who is actually sabotaging the efforts.”

Read: Claudine Barretto agrees to set aside differences with estranged husband Raymart Santiago for the sake of their children

Inalmahan naman ito ni Atty. Castelo sa pamamagitan ng isang official statement na ipinadala niya sa PEP kahapon, July 1.

Binigyang diin nitong ang kanyang pahayag ay sa pagitan lamang nila ng abugado ni Claudine, at labas sa usapin ang kani-kanilang mga kliyente.

Sinabi rin ni Atty. Castelo na lahat ng kanyang mga naging hakbang kaugnay sa kaso ay alam ni Raymart o di kaya ay mismong ipinag-utos ng aktor.

Aniya, “The seasoned lawyer that Atty. Topacio has always claimed to be should know that lawyers do or say things in behalf of their clients ONLY UPON the clients’ consent or approval.

"Everything I did or said pertaining to the cases referred to by Atty. Topacio has always been with my client’s consent, if not his instruction."

Read: Raymart Santiago’s lawyer hits back at Claudine Barretto’s lawyer for accusing her of "sabotaging" the estranged couple



SABOTAGE. Ngayong araw, July 2, eksklusibong nagbigay ng pahayag sa PEP si Atty. Topacio, sa pamamagitan ng email, kaugnay ng naging kasagutan ni Atty. Castelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Bilang tugon kay Atty. Castelo, ang kanyang pinakahuling pahayag ay nagpapatunay lamang sa aking sinasabi na talagang sinasabotahe niya ang pag-usap ng aking kliyente at si G. Raymart Santiago.”

Kinuwestiyon din ni Atty. Topacio ang pagbanggit ni Atty. Castelo kay Claudine sa kanyang statement, pati na ang pag-ungkat nito sa mga alitan ng estranged couple, at ang pagsabing hindi raw sinsero ang aktres sa pakikipag-ayos sa dating asawa.

Idiniin din ni Atty. Topacio na mahilig sa paliguy-ligoy na usapin ang abugado ni Raymart kaya raw nahirapan ang korte na pag-ayusin ang magkabilang partido.

Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Topacio (published as is):

“UNANG-UNA, pinili niyang gumawa ng maanghang na tugon sa panahong katatapos lamang ng napakagandang usapan ng magkabilang-panig sa Judicial Dispute Resolution (JDR) kahapon, ika-2 ng Hulyo sa Marikina RTC. Bagamat hindi ko maaring isiwalat ang mga pinagkasunduan doon, wala namang masamang sabihing patuloy na gumaganda ang pag-unawaan ng bawat panig.

“PANGALAWA, kung akin mang idinaraing na nagiging hadlang si Ruth sa pagkakasundo nina Claudine at Raymart, hindi ko dinamay ang kanyang kliyente, at ang sabi ko pa nga ay mabuti at nagkausap ang dalawang hiwalay na mag-asawa nang wala ang nasabing abogado kaya’t maganda ang kinahinatnan ng unang usapan. Ibig sabihin nito ay higit na madaling kausapin si Raymart kapag wala si Ruth.

“Ngunit ano ang ginawa ni Ruth? Idinamay niya sa kanyang sagot si Claudine at inungkat na naman yung mga sinabi noong kainitan ng hidwaan ng dalawa at sinabing tama lang daw na sabihing hindi sincere si Claudine. Inakusahan pa si Claudine na pinagbintangan si Raymart na pinagbantaan daw ng huli ang buhay ni Claudine samantalang tumbalik ang aming pahayag sa media nang sabihin ni Claudine na hindi sumagi sa kanyang isip si Raymart nang mangyari ang putukan sa bahay nila. Ito ay mapapatunayan ng maraming kaanib sa media na naroroon nang araw na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“PANGATLO, habang sinisikap ng parehong panig na maghilom ang mga sugat ng masasakit na salitang binitawan nila sa isa’t-isa, sinabi pa ni Ruth na may basbas daw o pahintulot ni Raymart ang lahat ng ginawa at sinabi niya. Kung ganoon ay masasariwang muli ang mga sugat na dulot ng maaanghang na mga sinabi sa publiko, gayong inaamin ni Ruth na si Raymart pala ang may utos sa mga pahayag nito na mapanira kay Claudine. Paano ngayon magkakabalikan ang tiwala ng isa’t-isa?

“PANG-APAT, pinayuhan daw niyang mabuti si Raymart sa paghahain ng mga kontra-demanda. Ngunit parang nakalimutan yata ni Ruth -- sapagkat di niya binanggit -- na isa doon ay ang habeas corpus, na ang naging resulta ay na-expose ng labis sa isang media circus sina Sabina at Santino, mga anak nina Raymart at Claudine, na naging dahilan upang sila ay ma-traumatize. Kung tutuusin, hindi na nga kailangan sapagkat ang usapin sa pagdalaw sa mga bata ni Raymart ay kasama sa inihain naming kaso. Ginusto rin kaya ni Raymart na mangyari ito? Palagay ko ay hindi.

“Oo nga at may karapatang mag-kontra demanda ang kahit sino, ngunit ito ay dapat naaayon sa batas at hindi labag sa legal ethics. Dahil din sa mga Kontra-Demandang ito ay na-charge si Raymart kasama si Ruth ng Perjury at Contempt of Court (na ngayo’y parehong nakabinbin) dahil sa forum shopping at iba pa. Naipaliwanag din kaya niya kay Raymart na maaring mapasubo si Raymart sa karagdagang kaso dahil sa mga ito kontra-demandang ito?

“PANLIMA, sabi ni Ruth ay galit ako sa kanya dahil diretso daw siyang magsalita. Ngunit ang katotohanan ay kabaligtaran ng nasabi niya: hirap ngang mag-areglo ang mga partido dahil magulo siyang kausap at paligoy-ligoy. Hindi ko ito maipaliwanag ng mahaba dahil sa gag order, ngunit hindi maipagkakailang gumanda ang usapan nang mawala si Ruth sa eksena at kami na lamang dalawa ni Atty. Peter Sanchez ang nag-usap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“PANGHULI, tungkol sa padaplis niya na siya ay sumusunod sa Canons of Professional Responsibility, huwag na sana niyang umpisahan at ayaw ko na lang sanang magsalita tungkol sa kanya sa bagay na iyan at kahit papaano, kami naman ay may pinagsamahan. Sapat nang sabihing hindi ako ang kinagalitan ng isang mataas na hukuman dahil ako’y humarap ng hindi ako handa.

“Pakiusap ko lamang kay Ruth ay huwag na sanang feeling at hayaan na lamang umusad ang papaganda at papagandang usapan nina Claudine at Raymart. Dahil sa ginawa niyang pahayag, nanganganib na namang mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan namin nina Judge Macaraig at Atty. Peter Sanchez. Sabi niya ay ’stop the blame game.’ Eh bakit ngayon ay sinisisi na naman niya pati si a Claudine? Kung may problema siya sa akin ay sa pagitan na lang namin yaon bilang mga abogado at huwag na niyang idamay ang aming mga kliyente."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN