Tila naglabas ng hinanakit ang pangalawang anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Jolo Ejercito sa kanyang Instagram account.
June 28 nang mag-post si Jolo ng isang photo message na walang caption.
Nakasaad sa mensahe: “Your biggest hater could be your closest friend. People pretend well.”
Ang tanong tuloy ng mga nakabasa ng post niyang ito: May kaibigan kaya si Jolo na pinatatamaan sa kanyang mensahe? Ito rin kaya ang nag-upload ng mga larawan ni Jolo sa Instagram na naging viral ngayon?
Read: Alleged Instagram posts of Jinggoy Estrada's son Jolo go viral
INSTAGRAM POSTS BY THE FAKE USER. Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may isang account na may handle name na "@joloestrada17" na kasalukuyang mayroon nang 15 posts at lagpas sa 1,200 followers.
Ang tunay na account ni Jolo sa Instagram na "@josephluisman" ay mayroon nang 445 posts at lagpas sa 15,000 followers.
Wala sa mga post ni Jolo sa real account nito ang mga larawang nai-post ng may username na "@joloestrada17."
Kabilang sa mga post ni "@joloestrada17" na naging viral ay ang Louis Vuitton Montecarlo loafers, mga chips sa casino, litrato ng Manila Hotel Presidential Suite, at larawan ni Jolo at ng kapatid na si Julian sakay ng isang private jet.
TO THE RESCUE. Sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Jolo, kaagad naman siyang ipinagtanggol ng kanyang lolo na si Manila Mayor Joseph Estrada at uncle niyang si Jude Estrada.
Sinabi ni Erap na kaya naman ng kanyang apo na bumili ng mamahaling sapatos dahil rumaraket-raket naman daw ito sa pagmumodelo.
Sinabi rin ni Jude na complimentary lang ang overnight stay ng kanyang pamangkin sa Presidential Suite ng Manila Hotel.
Read: Mayor Joseph Estrada defends grandson Jolo Ejercito over “lavish lifestyle” photos
