Alex Gonzaga prefers older and non-showbiz boyfriend

Alex Gonzaga on being a celebrity guest housemate on PBB: "Parang it was my first time also na parang wala masyado ang mommy ko para mag-ano sa akin… oo, sinisita. Kaya parang ang sarap doon sa loob. ’Tapos wala kang cell phone. E, wala naman akong boyfriend, so, okey lang wala akong cell phone. So, yung talagang bonding kami. Yun ang gusto ko, laging bonding."


Wala pang maibigay na update si Alex Gonzaga tungkol sa panliligaw sa kanya ng co-star niya sa Pure Love na si Arjo Atayde.

“Well, I’ll let you know what’s the update… I’ll let you know, soon.

“But so far, wala pa,” sabi ni Alex nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Pure Love last week.

Isa pa sa very vocal sa pagsasabing crush niya si Alex ay ang komedyanteng si Ryan Bang.

Sino ang mas matimbang sa puso niya—si Arjo o si Ryan?

Sagot ng Kapamilya actress-TV host, “Hindi, wala naman.

“Ewan ko, ha, kasi nakikita ko ngayon, gusto ko ng mas matanda sa akin. Like, mga Tito Eddie [Garcia], charot!

“Hindi… mga gusto ko po, mga five to seven years,” pagtukoy niya sa agwat ng edad ng lalaki sa kanya.

Ibig sabihin, basted na sa kanya ngayon pa lang sina Arjo at Ryan?

Paglilinaw ni Alex, “Hindi ko naman po sinasabi yun.

“Kasi minsan, kahit may ideals tayo, napupunta tayo sa sobrang layo na ano…

“So far, right now, hindi ko pa po talaga naiisip yun.”



AFRAID FOR ALEX. Sabi ng ate ni Alex na si Toni Gonzaga noon, natatakot siya sa pagpasok ng kapatid sa Pinoy Big Brother (PBB) house dahil mabilis ma-in love ang younger sister niya.

Specifically, natakot daw si Toni na mahulog ang loob ni Alex kay Daniel Matsunaga, na pumasok din sa loob ng Bahay ni Kuya. Totoo ba ito?

“Hindi,” tanggi ni Alex.

“Kaya nga ang sabi niya sa akin, paglabas ko, ang sabi niya agad sa akin, ‘I’m so proud of you.’

“Kasi, parang gaya kasi dati na kapag nagkaroon ako ng ano, inspiration, parang hopeless romantic po ako.

“So, parang ang gusto ko talaga is yung…. parang feeling ni Ate, mai-in love ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, e, Kasi, I think by this time, dapat natututo ka na talaga to know if he is Mr. Right or just Mr. Right Now.”

Sa presscon ng Pure Love ay may sinabi si Alex na dalawang manliligaw niya. Sino ang mga tinutukoy niyang ito?

Sabi ni Alex, “Chinese, non-showbiz.

“Yun talaga ang preferred ko, kasi sabi ng ate ko, parang mas maganda raw non-showbiz para may outlet ka bukod sa showbiz.

“Para kasi kapag boyfriend mo, yun ang sabi niya, parang may natutunan ka pa. Hindi lang yung mundo mo showbiz.

“Kapag kasama mo ang boyfriend mo, iba naman ang nalalaman mo.”

Malaki ba talaga ng influence sa kanya ni Toni?

“Oo, kapag sinabi niyang ayoko ‘yan, ayoko na rin ‘yan.”

Ilan ang naging boyfriend niya na taga-showbiz?

“Wala pa akong naging boyfriend na showbiz.”

Mas kumportable ba siya kapag non-showbiz ang boyfriend niya?

“Non-showbiz talaga, kasi siguro kapag showbiz, parang ano… naiinis kasi ako… ewan ko!

“May naririnig kasi ako na parang, ‘Ay, huwag. Bawal tayong makita sa ganyan.’ Hindi ako yun.

“May mga narinig kasi na ganoon na parang, ‘Ano ba yun?’

“‘Tsaka hindi ko kailangan ang trabaho sa lovelife. Hindi ko kailangang isama ang career ko sa personal kong buhay.

“So, mas gusto ko talaga yung non-showbiz.

“Although mahihirapan siyang maintindihan, pero at least, personal, amin lang talaga. Hindi involved ang ibang tao.”



PLASTIC? Ano naman ang reaksiyon niya sa mga nagsasabi na “plastic” daw sila ni Toni?

Ayon kasi sa ilan, naturingang Born-Again Christians sila, pero hindi raw sincere ang magkapatid sa mga nakakausap nila.

Sabi ni Alex tungkol dito, “Siguro ano, ang pagiging Christian namin, siyempre kahit Christian kami, lahat naman nagkakamali.

"Lahat naman nagkakaroon ng kasalanan. Ako, nagkakasala ako.

“I think, yung kapag nagkamali, as much as possible, kapag nagkamali naman kami ng ate ko, hindi naman para i-announce pa na, ‘Ganito po, nagkamali kami ng aking kapatid.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, we just learned from it and we try not to do it again.

“Siyempre, tao pa rin naman kami. We still commit mistakes.

“So, siguro, parang… hindi naman sa pagiging plastic, but as much as possible, we try to lessen it.

“Pero kung may nagawa po kami noon, kung may nagawa kami, siyempre tao pa rin po kami.

“So, tina-try lang naming i-lessen.

“Tina-try lang namin na huwag masyadong bulgaran na kasalbahian ang ginagawa namin.”



GOING SOLO. Mahirap ba na laging nasa buntot siya ng anino ni Toni?

Saad ni Alex, “Before, parang iniisip ko, ‘Ay, ano ba ‘yan? Porke’t ginagawa ng ate, porke’t hindi niya ginagawa, hindi ko na rin gagawin?’

“Pero ngayon, na-realize ko... nagkaroon po kasi ako talaga ng life-changing experience last year, ayun.

"Parang na-realize ko na, in a way, okey siya talaga.

“Kasi, parang I get respect na hindi ko naman ini-earn, but because of what my sister did, parang I’m earning it.

“Parang, ‘Ay, ganyan ‘yan!’ So, nakakahiya naman siraan yung nagawa ng sister ko, and the trust she earned from all of the people.”

Gaano katotoo na magso-solo na rin siya ngayon at titira sa condo?

“That’s the plan!” humahalakhak na sabi ni Alex.

“Hindi, joke lang. Inaasar ko lang ang mommy ko [Mommy Pinty].

“Sabi niya, ‘We missed you. Ano ang natutunan mo sa loob ng bahay?’

“Sabi ko, ‘Mapag-isa at magsarili!’” tawa na naman niya.



INSIDE PBB HOUSE. May sinabi si Toni nag-undergo raw si Alex ng treatment o consultation paglabas niya ng PBB house.

Pero paglilinaw ni Alex, “Hindi naman undergoing… OA din ang ate ko, e!

“Ano, lahat [ng PBB housemates] naman, naggaganun, pero nitong one week kasi, parang sobrang na-depress…

“Hindi naman na-depress, pero parang hindi pa ako yung ako. Kasi, parang gusto kong bumalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, gusto kong bumalik.

“Kasi parang ang sarap-sarap doon sa loob.

“Yun kasi nga first time ko mag-overnight sa ibang bahay. ‘Tapos, hindi naman po ako housemate.

“Sinasabi sa akin nina Kuya Jason [Gainza] at Kuya Slater [Young] na hindi ko nararamdaman yung pressure every week ng nomination, na it’s a competition.

“’Tapos, parang it was my first time also na parang wala masyado ang mommy ko para mag-ano sa akin… oo, sinisita. Kaya parang ang sarap doon sa loob.

“’Tapos wala kang cell phone. E, wala naman akong boyfriend, so, okey lang wala akong cell phone.

“So, yung talagang bonding kami. Yun ang gusto ko, laging bonding.”

Ano ang biggest change na idinulot ng PBB sa kanya?

“Ano, mas more on naging ano na lang ako, aware na ako sa mga ginagawa ko at iisipin ko.

“Dapat isipin ko na hindi na ako bata talaga,” sagot ni Alex.

Dumating ba siya sa point na nagrebelde siya sa kanyang mga magulang?

Saad ni Alex, “Yung maganda nga talaga sa akin, yung time na nalulungkot ako, parang ang dami kong reklamo sa mga parents ko, nandun ang ate ko.

“So, meron akong nilalabasan. May outlet ako.

“Ngayon, kaming dalawa, kaya nga sobrang close naming ngayon, kasi kami yung naglalabasan kapag meron kaming…

“Pero kasi, so far, parang wala rin kaming lakas ng loob na talagang totoong magrebelde at lumayas sa bahay.

“Kasi nga, alam naman namin na para sa amin din yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN