Shaina Magdayao on rumored breakup with Piolo Pascual: "Grabe naman. Napaka-OA ninyo!"

May mensahe si Shaina Magdayao sa mga taong nagbibigay-kulay sa samahan nila ni Piolo Pascual: "Choice nila yun, e, ibigay natin sa kanila yun. Kung yun ang gusto nila, e, di sige. Kung gusto nilang paniwalaan ang sarili nila, e, di yun, fine."


Hindi pa man umaamin tungkol sa hinihinalang relasyon nila, may lumalabas ngayong balita na break na diumano sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Shaina sa ASAP, noong Linggo, June 29, ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa balitang hiwalay na raw sila ni Piolo sa kabila ng hindi nila pag-amin sa kanilang relasyon.

Saad ng Kapamilya actress, “Grabe naman. Napaka-OA ninyo!

“Sorry, pero parang sobra naman, sobrang pinapangunahan ng lahat ng tao.

“Huwag kayo masyadong mag-isip, ako nga ‘di masyadong nag-iisip.


“Kalma lang tayo.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Piolo, sinabi ng aktor na si Shaina ang huling nakasama niya in an intimate way.

Read: Piolo Pascual says Shaina Magdayao remains a special friend: "Siya lang naman yung huling nakasama ko na in an intimate way."

Ano ang reaksiyon dito ni Shaina?

“Alam mo, kasi naman si P [Piolo], ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, napakabait na tao, napakabait na kaibigan.

“Not only him, but also his family, they’ve been very, very nice to me.

“Naging totoong kaibigan ko na rin ang pamilya niya.

“Si P is very, very busy right now. I can say he’s very busy, pero nagkikita kami.

“Kanina lang magkasama kami dito sa ASAP.

“Napakaliit ng mundo ng showbiz, lagi kaming nagkakasalubong.”

May mensahe rin si Shaina sa mga taong nagbibigay-kulay sa samahan nila ng aktor.

“Choice nila yun, e, ibigay natin sa kanila yun.

“Kung yun ang gusto nila, e, di sige. Kung gusto nilang paniwalaan ang sarili nila, e, di yun, fine.”

Ayon pa kay Shaina, sa kabila ng mga lumalabas na balita ay wala namang nabago sa samahan nila ni Piolo.

“Oo naman, wala namang dapat masira, walang anything.”

WILL BE VERY OPEN. Hindi rin daw niya itatago sa publiko kung sakaling magkaroon siya ng panibagong boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 24-year-old actress, “I will be very, very proud of him, of my boyfriend.

“Bakit ko siya bo-boyfriend-nin kung katagu-tago siya, ‘di ba?

“Kung hindi ako nagsasalita, that’s because wala akong boyfriend.

“Tama na, ano ba, hindi na tayo bagets para mag-deny!

“Siguro nung teens ka, pa-deny ka pa, ’di ba? Tumatanda na rin naman tayo.”

“Right now, I’m still single.”

Bukas na ba siya sa bagong pakikipagrelasyon?

Tugon niya, “Now? Oo, this year, I am.

“Last year, hindi, e, medyo takot-takot pa ako.

“Ngayon, why not?

“Baka naman ibigay na ni Lord this year, so sige, tanggap na lang tayo.

“Tatangapin natin siya with open arms.”

Ang huling nakarelasyon ni Shaina ay ang kapwa niya ABS-CBN star na si John Lloyd Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN