Kris Aquino apologizes to Vilma Santos for posting dedication card on Instagram

Kris Aquino says her big mistake about the issue on the dedication card sent to her by the Star for All Seasons was not realizing earlier that she has one million followers on Instagram, a number of them bashed Ate Vi for her spelling mistakes.


"Ako, I take offense doon sa nagsasabi na I meant her harm by posting that. I didn’t.

"You know, I’m a fan, you know I’m a Vilmanian," simula ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, June 3, tungkol sa isyu ng wrong spelling sa dedication card na isinulat ni Batangas Governor Vilma Santos para sa kanya.

Read: Gov. Vilma Santos-Recto bashed on Kris Aquino’s Instagram post

Pagpapatuloy pa ng tinaguriang Queen of All Media, "It did not bother me. Ako po yung recipient ng card.

"Kung ako, noong binabasa ko, hindi ko tsinek, hindi ako nagpaka-English teacher doon sa card na ’yon.

"What touched me was the honesty, the sincerity, the genuine kindness that she showed me.

"Ang mali ko doon, I also forgot that I do have one million followers on Instagram."

Dagdag pa ni Kris, "Now I realize also na my good intentions of showing my appreciation to her can be taken the wrong way."

Binanggit din ni Kris na malungkot siya nitong nakaraang araw ngunit pinagaan daw ng Star for All Seasons ang kanyang pakiramdam.

Aniya, malaking bagay sa kanya na pinapanood ng actress-politician ang show nila ni Boy Abunda tuwing Linggo, ang The Buzz.

Nauna nang nagbigay ng pahayag si Vilma sa ABS-CBN News at sinabi nito, sa pamamagitan ng text message, na "maliit na issue" lang ang tungkol sa dedication card na ipinadala niya kay Kris at isa itong "honest mistake."

Kagabi, muling humingi ng paumanhin si Kris kay Ate Vi sa paglaki ng isyung ito.

"I love you, Ate Vi. I apologize, Ate Vi, doon sa stress na ibinigay nito sa ’yo.

"Pero sinabi ko nga, you’re too blessed to be stressed."

Pahabol pa ni Kris, "And uulitin ko ngayon, sana sa 2016, bibigyan mo ako ng oportunidad na maboto kita dahil sana national office na talaga’ng itatakbo mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN