Senator Jinggoy Estrada’s children engage in word war with DJ Mo Twister

San Juan councilor Janella Ejercito Estrada defends younger brother Jolo (left) over alleged "lavish lifestyle" photos circulating on the Internet. She says, "Unjustified claims, no court has convicted him of any crimes. People posts these types of photos everyday. People overly judge."


Mainit ang palitan ng mga salita sa pagitan ni DJ Mo Twister at mga anak ni Senator Jinggoy Estrada na sina Janella at Julian sa Twitter, kagabi, July 3.

 

Nag-umpisa ito sa isang hamon na nai-post ni DJ Mo—na naka-base na ngayon sa Amerika—para sa isa pang anak ni Senator Jinggoy na si Jolo Ejercito.

 

Ito ay kaugnay ng kumalat na mga larawan ni Jolo sa Instagram na nagpapakita ng kanyang "lavish lifestyle."

 

Read: Alleged Instagram posts of Jinggoy Estrada’s son Jolo go viral 

 

Sabi ni DJ Mo sa kanyang Twitter account (@djmotwister): "Does Jolo Ejercito have Twitter? I was hoping to cyber-bully him."

 

 

Sa halip na si Jolo, ang mas bata niyang kapatid na si Julian ang sumagot kay DJ Mo at tinawang ang radio host ng "douche."

 

 

Sinabi pa ni Julian kay DJ Mo na hindi niya alam ang buong istorya ng isyung ito.

 

 

Sumunod nito ay sumagot na rin ang nakatatandang kapatid nina Jolo at Julian na si Janella o Jel, kasalukuyang konsehal sa San Juan City.

 

Gamit ang kanyang Instagram account (estradajel), ito ang mensahe ni Janella kay Mo:

 

"Ginoong Mo Twister (@djmotwister). Unang una sa lahat, matanda ka na para mag-hanap ng kaaway lalo na at gamit mo pa ang social media. Malamang na sa pag gamit mo nito ay maraming magagalit lalo na at kilala ka, maaaring panigan ka at paboran ka, tama o mali man ang mga kinakalat mong impormasyon.

 

"Pangalawa, kailangan mo ba mailagay under the limelight dahil laos ka na? Nakakaawa. Don’t add salt to the wound. We sincerely pitied you when there was a ’leaked’ video of you crying about Rhian Ramos having an abortion and you didn’t hear anything from us. But I guess people like you do not deserve any amount of kindness because you think that being controversial in terms of being rude to other people makes you marketable. Now, we pity you even more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

"Pangatlo, do not ever call my brothers or anyone ’bobo’ sapagkat walang bobo sa mundo. Kung mayroon man, siguro ikaw na po yun dahil ginagamit mo ang laos mong kasikatan sa pamamagitan ng paninira sa ibang tao without even knowing the truth about anything at tuluyang naniniwala sa haka haka. That is all I have to say about your judgmental ways and I do hope that God blesses you and your evil ways."

 

 

Bilang depensa sa mga lumabas na "lavish lifestyle" photos umano ng kapatid, sinabi ni Janella sa kanyang Twitter account (@estradajel):

 

"@djmotwister Unjustified claims, no court has convicted him of any crimes. People posts these types of photos everyday. People overly judge."

 

 

Hindi naman natinag si DJ Mo sa naging tirada sa kanya ni Janela.

 

Aniya, "@estradajel How very ’politician’ of you to leave out @julestrada tweets to me. Classic. You’re made for government, lady."

 

Narito pa ang sunud-sunod na sagutan nina DJ Mo at Janella:

 

 

 

 

Kaninang tanghali, kapansin-pansin na naka-private na ang setting ng parehong Twitter at Instagram account ni Janella.

 

Hindi ito ang unang pagkakataong may nagtanggol kay Jolo tungkol sa kanyang mga kontrobersiyal na larawan.

 

Una nang ipinagtanggol ni former President and incumbent Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada ang kanyang apo.

 

Sabi niya, kaya ng apo niyang si Jolo na bumili ng mamahaling sapatos dahil rumaraket-raket naman daw ito sa showbiz

 

Pagdating naman sa umano’y private jet na sinakyan ng magkapatid na Jolo at Julian, sabi ni Erap, "Wala, anong private jet? Kasiraan lang yun.

 

"Tingnan niyo, wala namang may eroplano sa amin, wala namang may helicopter.

 

"Ako, nanghihiram lang."

 

Ipinaliwanag naman ng tito ni Jolo na si Jude Estrada na ang sinasabing pananatili ng pamangkin sa Presidential Suite sa Manila Hotel ay libreng overnight accommodation lamang.

 

Read: Mayor Joseph Estrada defends grandson Jolo Ejercito over "lavish lifestyle" photos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN