GMA talent Ashley Ortega proud of friend and former skating buddy Michael Martinez: “He really deserves all the recognition.”

Ashley Ortega on longtime friend and former skating buddy Michael Martinez: “Michael is a longtime friend of mine. Sabay kaming mag-train noon sa SM Mall of Asia. Magaling talaga siya at sobrang kina-career niya ang figure skating. He really deserves all the recognition. Someday, I would love to work with him on the ice.”


Ang baguhang Kapuso teen star na si Ashley Ortega ang ipinapareha ngayon sa produkto ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break na si Ruru Madrid sa bagong primetime teleserye na My Destiny.

Ashleigh Nordstrom ang tunay na pangalan ni Ashley at una siyang lumabas sa teleseryeng Cielo de Angelina na pinagbidahan ni Bea Binene.

Nasundan ito ng Maghihintay Pa Rin, Dormitoryo, at Paraiso Ko’y Ikaw.

Si Ashley rin ang nanalong Miss Olive-C Campus Model 2014 noong Mayo.

ASHRU LOVETEAM. Natuwa ang 15-year-old young actress nang sabihin sa kanya na si Ruru ang magiging ka-loveteam niya. Naging close raw kasi sila noong ginagawa nila ang Dormitoryo last year.

“Nakakatuwa po ‘yang si Ruru kasi noong nagte-taping kami ng Dormitoryo, siya yung hindi nawawalan ng energy.

“Siya po yung makuwento at nagpapatawa sa aming lahat kapag inaantok na kami.

“We’re almost the same age kasi. I’m 15 and Ruru is 16.

"We have a lot of things in common and we both want our team-up to work.

“AshRu na nga po ang tawag sa amin kapag nagte-taping kami,” kuwento ni Ashley sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Destiny last June 24 sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Bagamat Kapuso talent si Ashley, ang mga showbiz crushes niya ay mga taga-Kapamilya network.

“Noong moreno ang mga type ko, naging crush ko si Daniel Padilla.

“I like his bad boy image. ’Tapos ang ganda pa ng mga eyes niya.

“Sa mga mestizo naman, crush ko si Enrique Gil.

“I like his height at ang galing niya kasing sumayaw.”

FAMILY. Inamin ni Ashley na produkto siya ng isang broken family.

Naghiwalay ang mga magulang niya noong four years old pa lang siya, pero maayos pa rin naman daw ang communication niya at ng kanyang dalawang kapatid sa kanilang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Ashley, “My family name is Samson. My dad is Chinese-Spanish-Filipino.

"Yung Nordstrom is my mom’s maiden name. She’s German naman.

“They got separated kasi marami na raw silang hindi napagkakasunduan.

“My parents got married when they were just teenagers. So they have many things pa na gusto nilang gawin sa buhay nila.

“But even if they are hiwalay na, okey po naman ang relationship namin with our dad. We get to see him all the time.

“My dad never remarried nor had other children. Tama na raw yung tatlo kaming mga anak niya.

"I have an elder sister named Alyssa and a younger brother named Malcolm.

“I’m not sure kung may girlfriend ba siya. Sa huling pag-uusap namin, sabi niya he’s not in a relationship.”

SCHOOL. Nag-aaral si Ashley sa St. Paul’s College ds Quezon City. Nasa fourth year high school na siya pero naka-home study program siya ngayon.

“Very strict po kasi sa St. Paul’s. Last year, marami akong naging absent because I was doing Dormitoryo.

“Nahirapan ako to catch up with the lessons that I missed. So I have to work double time and, at the same time, nagtatrabaho rin ako.

“So this year, I decided na mag-home study program na muna po ako para walang maging problema sa school.

“I get to bring my school work sa taping set. Kaya kahit na po abutin kami ng madaling-araw, nagagawa ko pa rin yung mga homework ko,” sabi niya.

PRO SKATER. Bukod sa pagiging active sa showbiz, isa ring professional figure skater si Ashley.

Nakapag-compete na siya sa iba’t ibang figure skating competitions since 2005 at marami na siyang naiuwing medalya.

Ayon kay Ashley, “I started figure skating at age four. Nahiligan ko lang po siya until it became my sport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Idol ko po sina Sasha Cohen, Yuna Kim, and Michelle Kwan.

“I love competing. I represented the Philippines in many figure skating competitions in Asia such as in Thailand and Malaysia.”

Longtime dream ni Ashley na makapag-compete siya sa Winter Olympics ’tuladang ginawa ng kaibigan niyang si Michael Martinez.

“Michael is a longtime friend of mine. Sabay kaming mag-train noon sa SM Mall of Asia.

“Magaling talaga siya at sobrang kina-career niya ang figure skating.

“He really deserves all the recognition.

“Someday, I would love to work with him on the ice.

“Pero kailangan bumalik ako sa training dahil sobrang galing na po ni Michael. Baka mahirapan akong sabayan siya.

“Hanggang double axel lang po ang kaya ko. Si Michael, triple axel na ang ginagawa!” natatawang sabi ni Ashley.



FOCUS ON SHOWBIZ. Two years nang tumigil si Ashley sa training sa figure skating dahil mas gusto muna niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career.

Patuloy pa niyang kuwento, “Aside from that, masyado pong expensive ang figure skating.

“We pay for our coaches and we rent out the skating rink.

“Pati po ang mga costumes and skates namin, habang magkakaedad ang isang figure skater, it gets expensive.

“So nag-stop muna ako for two years and concentrated on modelling and showbiz.

"Gusto ko rin pong makaipon para ako na po ang mag-shoulder ng expenses ko sa figure skating.

“I might start training again this year. Matagal na rin po kasi yung two years ako nag-stop.

“Para hindi po mawala ang flexibility ng katawan ko, I took up Muay Thai and dance classes.

"Para nai-stretch pa rin ang mga muscles natin so when I begin training hindi po ako mahihirapan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN