Heart Evangelista on Senator Miriam Defensor-Santiago’s ongoing fight against lung cancer: “Feeling ko, she’ll be fine...”

Heart Evangelista on Sen. Miriam Defensor-Santiago’s battle with lung cancer: “Feeling ko she’ll be fine kasi the way she said it, or ewan ko... o the way she said it na, ’Don’t worry about me. ’no! I’ll take the medicine, I’ll be fine. Don’t worry,’ sabi niya, hindi pa naman daw kumalat pa. Hindi pa naman daw siya naga-Apostle’s Creed sabi niya.”


Huli na nang malaman ni Heart Evangelista na may sakit na lung cancer ang itinuturing niyang nanay-nanayan na si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Hindi raw nasabi sa kanya ni Senator Miriam ang tungkol dito bago ito in-announce sa publiko, dahil baka akala raw ng senadora ay nasa Europe pa siya.

Kuwento ni Heart, “Nalaman ko lang mga three days ago, tumawag ako sa kanya, nag-usap kami siguro mga one hour.

“Okay naman siya, parang wala naman siyang sakit. Normal siya talaga.”

Dagdag pa niya, “Feeling ko, she’ll be fine kasi the way she said it, or ewan ko… o the way she said it na, ’Don’t worry about me, ’no! I’ll take the medicine, I’ll be fine. Don’t worry,’ sabi niya.

"Hindi pa naman daw kumalat pa. Hindi pa naman daw siya nag-a-Apostle’s Creed, sabi niya."

Noon pa man ay alam na raw nilang kung anu-anong karamdaman ang dumadapo kay Senator Miriam, at nakikita naman daw nilang nakakaya itong dalhin ng senadora.

“Matagal na talaga siyang may sakit, iba’t ibang sakit,” sabi ng Kapuso actress.

“In fact, nung nasa New York kami, lahat kami dun super trench coat, super fur coat. Siya naka-sleeveless, naiinitan daw siya.

“Ganung kakaiba ang sakit niya, hindi niya ma-feel ang cold weather... sa gamot niya, e.”

Ipinaparamdam daw sa kanila ni Senator Miriam na malalagpasan niya ito, kaya laging sinasabi raw sa kanya na wala itong dapat ipag-alala.

CONSTANTLY IN TOUCH. Bago umalis si Heart, kasama ang kasintahang si Senator Chiz Escudero, para sa ilang linggong European tour, ni-repost ng aktres ang litrato nilang dalawa ni Senator Miriam.

Kababati lang pala noon at nagkaroon lang daw sila ng konting tampuhan.

Paliwanag ni Heart, “Kasi nung time na yun, parang she sort of sided with my mom.

"Eventually, nagkausap kami, she realized na, ’You know, you’re of age... I should support whatever choice you make.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, okay na kami."

Tinawagan pa nga raw siya ng senadora noong kumuha siya ng exam sa DepEd (Department of Education) at naipasa niya ang high school.

Saad ni Heart, “I didn’t finish high school, e.

"Nung nalaman niya na naka-pass ako, super happy siya sa akin na nagbigay siya sa akin ng kung anu-ano for college, kaya okay na kami."

Matagal nga raw ang usapan nila, hindi ukol sa karamdaman ng senadora, kundi tungkol sa biyahe nila ni Senator Chiz sa Europe.

Natuwa raw kasi si Senator Miriam sa binili ni Heart na maliit na bag para sa kanya.

WEDDING PLANS. Doon na rin nilinaw ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nadismaya o sumama raw ang loob niya nang hindi nag-propose sa kanya si Senator Chiz sa kanilang bakasyon sa Europe.

Saad ng 29-year-old actress, “Nag-uusap kami ni Chiz actually. We both know kung ano ba talaga ang plans namin.

“Para sa amin, it’s a very delicate situation lang kasi, so we don’t wanna be insensitive about it.

“There’s this thing that we have to consider regarding how we approach the parents’ side, all these things.

"It’s something that we have to plan. So we talk about it a lot."

Ang tinutukoy ni Heart ay ang problema pa rin sa kanyang mga magulang, na gusto naman daw sana nilang maayos kapag naplantsa at naayos na ang lahat.

“But it’s not... their decision din naman.

"Parang we just wanna... kung open sila for us to reach out when the day comes.

“But if they can’t, we can only do so much. Hindi rin naman namin puwedeng i-hold ang life namin sa kanila,” saad pa ni Heart.

LEARNING FROM HER TRAVELS. In-enjoy lang daw ni Heart nang husto ang bakasyon nila, na itinuturing niyang pinakamasayang bakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun daw ang kauna-unahang biyahe niya sa Paris, at marami raw siyang natutunan kay Senator Chiz.

“Dami niyang itinuro sa akin para hindi ako matakot na mawala. Tinuruan niya ako how to travel wisely, mga ganyan.

“Tapos nung nag-shopping ako, tinuruan niya akong mag-handle ng money, ganyan.

“Nung third day, umiyak pa nga ako, kasi nag-max na ang card ko.

"’Tapos, gamitin ko na sana ang isa kong card, pinagalitan na niya ako. Sobra na raw ang gastos ko, ganyan-ganyan.

“Pinigilan na niya ako, kasi um-over na talaga ako, as in.

"Kaya medyo nagpasyal-pasyal na lang kami nung sumunod na araw.

“Sabi niya kasi sa akin, pera ko raw yun, pero this is not the way to live life. Pinagsabihan niya ako.

“So, nag-heart-to-heart talk kami about lifestyle, about how to live simpler.

"Hindi na nga raw niya ma-take kung paano ako gumastos sa sapatos ko!" tawa pa ni Heart.

WEDDING ANNOUNCEMENT SOON? Aminado ang aktres na handa na siya kung sakaling yayain na siyang magpakasal ni Senator Chiz.

Hindi na raw kailangan pa ng proposal, dahil maayos na nilang pinag-uusapan at pinaghahandaan ito.

Hindi pa raw niya masabi kung kailan, pero malapit na raw.

“Definitely, may plano. Hindi niya sinabi sa akin kung kailan.

"Basta sabi niya, not this month. Hindi ‘not this year ha?’ Not this month daw.

“Meron na siya plans, it’s lingering.

“Siyempre, ayaw naman niya i-ruin yung surprise sa akin, basta kaming dalawa na lang ang nag-uusap.

"We both know, it will be soon."

Kung sakaling mayroon na ngang announcement ng kasal, hindi kabilang si Senator Miriam sa tatayong ninang dahil ayaw daw ng itinuturing niyang nanay-nanayan.

Saad ni Heart, “Basta sabi lang niya sa akin, kung ano man daw ang buhay ko, ayaw niyang makialam. Basta her house is open for me.

“When it comes to love, they’re very protective sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang ninang ko sa totoong buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN