Vice Ganda on fake viral feeds hinting at Vic Sotto slam: “It’s a hoax.”

Vice Ganda clarifies his stand on the fake viral feeds where he allegedly slammed Vic Sotto: “Nung tinanong ako kung totoo bang ginawa ko yun, ang sabi ko, ’Napakaimposible, Vic Sotto is an icon. He’s a comedy icon. As a comedian na nagsisimula pa lang, he’s my icon, alangan namang ganunin ko yung icon ko!’"


Ilang beses nang lumabas sa Facebook ang link na: “Vice Ganda Tinawag Na Laos si Vic Sotto,” at sinundan din ito ng: “Vic Sotto Minura si Vice Ganda.”

Dahil sa kontrobersyal na pahayag na ito, marami ang naintriga at lumikha ito ng ingay lalo na nang naging viral at tuluyan nang kumalat ang mga nasabing links sa social media.

Ngunit marami rin ang nadismaya nang hindi nila mabuksan ang mga kontrobersyal na links, na sa simula pa lang ay kaduda-duda naman talaga ang pahayag at intensyon.

Sa huli, lumalabas na hoax lamang ang mga ito na ang motibo, bukod sa umagaw ng atensyon, ay maaaring gawan ng isyu ang panig ng dalawang sikat na komedyante.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice noong nakaraang Miyerkules sa set ng Showtime, kinumpirma nito na hoax nga lang talaga ang mga nagkalat na links.

Paglinaw ni Vice, “It’s a hoax.

“Dalawang bersyon ‘yan...

“Ang unang lumabas sa FB, ’Vice Ganda Sinabihan si Bossing na Laos na.’

“Nakarating sa amin yun pero pag clinick mo yun, ’di siya nao-open.

“Tapos yung pangalawa naman, ’Vic Sotto Pinagmumura si Vice Ganda,’ na pag clinick mo rin ay walang lalabas.

“Parang sa text dati, may kumalat na link na pag binuksan mo, may nakalagay, sex video nila Cristine and Rayver ’tapos wala naman. Gawa-gawa lang ng mga praning.”

Para sa TV host/comedian, hindi raw niya kayang kontrolin ang mga taong gumagawa ng ganito at imposibleng gawin niya ito kay Vic Sotto dahil sa mataas na respeto niya dito bilang isang comedy icon.

“’Di ko naman sila makokontrol kasi trip nila yun, ’di ko alam kung ano ang trip nila.

“Ang importante nandun at namumutawi ang paggalang sa taong yun kaya naman makaaasa tayong lahat din na... tingnan mo, walang nag-react sa parehong kampo kasi kahit papaano naman alam namin kung ano ang nangyayari sa paligid namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung tinanong ako kung totoo bang ginawa ko yun, ang sabi ko, ’Napakaimposible, Vic Sotto is an icon.

"’He’s a comedy icon. As a comedian na nagsisimula pa lang, he’s my icon, alangan namang ganunin ko yung icon ko!’

“Dun din sa video na ’Vic Sotto Pinagmumura si Vice Ganda,’ wala naman sa karakter nung tao yun na gawin yung ganun.”

ON KRIS AQUINO. Matalik na kaibigan ni Vice Ganda si Kris Aquino lalo’t “asawa” nga ang tawagan nila sa isa’t isa.

Sa dami ng heartbreak na pinagdaanan ni Kris, partikular ang breakup nito kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, anong suporta ang binibigay ni Vice sa kanyang kaibigan?

“We talk a lot. We share—not everything—pero marami kaming syini-share sa isa’t-isa.

“Alam ko ang nangyayari sa kanya, hindi naman ako nanghuhula... " ang sabi ni Vice.

“After ng segment niya sa The Buzz, nag-usap kami, sabi niya, ’Kumusta? Tama ba ang ginawa ko?’

“Sabi ko, ’Okay naman, it’s time na malaman ng mga tao yung buong istorya. Ang alam lang nagka-something kayo pero ’di alam kung saan nagsimula, kung paano natapos, kung ano ang nangyari, ’di ba?

“’Maganda yun, tutal pinag-uusapan naman kayo kahit saan tayo pumunta. E, ’di sabihin mo na kung ano ang nangyari kung maluwag sa kalooban mo.

“’Ang maganda, kinukuwento mo ang lahat niyan ng walang bitterness at ang ending masaya pa rin kasi friendship ang habol mo, ’di ba?’

“’Di kayo bumibitaw, lalo na si Kris, ’di siya bumibitaw sa hopes na magiging magkaibigan sila. Kaya masaya, walang ending.”

Tinanong din namin si Vice kung ipinakilala ba sa kanya ni Kris ang ex-boyfriend bilang isang “special someone.”

“Hindi, kasi magkakilala kami ni Mayor, nagkaka-textan nga kami niyan kaya lang nawala ang phone ko na dating ginagamit ko nung nakaka-text ko siya kaya ’di na kami nagte-text.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkakilala kami, sino ba naman ang ’di nakakakilala kay Mayor, ’di ba?”

ON KRIS-AI-AI RIFT. Hanggang sa ngayon ay ’di pa rin nauuwi sa pag-aayos ang malalim na alitan sa pagitan ni Kris at Ai-Ai delas Alas. Ayaw namang magbigay ng saloobin tungkol dito ni Vice pero nandun ang hiling niya na magkaayos ang dalawa lalo’t naging malapit din naman itong magkaibigan.

Pahayag ni Vice, “Wala ako sa posisiyon na makidawdaw kasi miyentras makidawdaw ka hahaba, e.

“Ang pinagdarasal ko lang naman maging maayos sila uli kasi naging matalik naman silang magkaibigan, ’di ba?

“Feeling ko darating din naman ang panahon na magiging maayos sila. Hintayin lang natin, ’wag nating madaliin kasi ang pagiging magkaibigan nila dumating din naman sa tamang panahon.

“’Di naman sila magkaibigan sa simula’t sapul, e. Naging magkaibigan sila sa tamang panahon. Ngayon nagkaroon ng issue pero maaayos din naman ‘yan.”

MMFF ENTRY. Kumpirmado nang pasok sa 2014 Metro Manila Film Festival ang Praybeyt Benjamin 2. Dahil sa tagumpay ng The Unkabogable: Praybeyt Benjamin (2011), naging daan ito para sa pagluklok kay Vice bilang Phenomenal Box Office Star sa Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards 2011.

Hindi naman itinago ng komedyante na may pressure siyang nararamdaman pero pinauubaya na niya ito sa Star Cinema at Viva.

Pag-amin ni Vice, “Masaya, masaya dahil kasali na naman kami sa filmfest at exciting ‘yan dahil magaganda rin ang mga entries.

“Mayroon din namang pressure pero deadma na sa pressure, bahala na ang Star Cinema at Viva Films sa pressure.

“Sila ang gumawa ng paraan para bumongga lalo. Aarte na lang ako, sila na ang bahalang mag-promote, sila na ang bahalang gumastos.”

RICHARD AND BIMBY AS GUEST STARS. Kasama sa Praybeyt Benjamin 2 sina Richard Yap at Bimby. Masaya si Vice na ngayon pa lang ay kasama na niyang nagpu-promote ng pelikula si Kris dahil nga kay Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Vice, “Bimby and Richard Yap, bagong tandem, bagong putahe!

“Saka ang mas nakakaaliw kasi, sa The Buzz nung Sunday sabi ni Kris, ’Sigurado ako na number one ang Praybeyt Benjamin kasi nandiyan si Bimby.’

“Nagpu-promote na ako ng movie ko, nagpu-promote din si Kris, sabi ko nga sa kanya, ’Asawa, ang talagang pinu-promote mo ay yung pelikula namin ni Bimby, hindi yung movie mo?’

“Sabi niya sa akin, ’Oo, deadma na ako, siyempre dun na ako sa anak ko, ’no?’”

Inamin naman ni Kris na dati ay nagkaroon sila ng maliit na tampuhan ni Vice nang magsabong sa filmfest ang pelikula nilang My Little Bossings at ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Marami ang nagsasabi na ngayong magkatapat na naman sa takilya ang Praybeyt Benjamin 2 at Feng Shui 2 ni Kris ay baka magkaroon na naman daw ng tampuhan ang magkaibigan.

Depensa naman ni Vice, “Hindi, sinabi niya ibibigay niya raw talaga yung 100 percent sa movie namin. ’Di ba ganun naman talaga ang mga Nanay. Deadma sila sa sarili nila, dun sila sa mga anak nila na pabor sa akin.”

LOVELIFE. Nabalita rin na nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang basketball player, pero agad din naman itong dinenay ni Vice sa interview sa kanya sa The Buzz. Kinumusta naman namin ang lagay ng puso niya sa ngayon.

“Ayos naman ang puso ko, nagpa-checkup naman ako nung isang araw. Wala akong heart problems, wala. I’m happy this time,” pag-amin pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN