Jessy Mendiola on being reunited with Lebanese-British dad after 14 years: “Napunan na yung missing piece sa buhay ko."

Jessy Mendiola on being reunited with her Lebanese-British dad: “For me, it doesn’t really matter if it’s now or before. Nung nakita ko siya, nakakatuwa. ’Tsaka ’di ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi parang nabura lahat ng tinatanong na bakit ganun katagal bago siya dumating?”


Naging headline ang pagtatagpo ni Jessy Mendiola at ng kanyang Lebanese-British father pagkatapos ng halos labing-apat na taong paghihiwalay.

Nagkita ang mag-ama noong nakaraang Linggo sa isang mall, at ayon sa aktres, dahil dito ay masasabi na niyang buo na ang kanyang pagkatao ngayon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jessy noong nakaraang Miyerkules sa Star Magic office, kinuwento ng aktres ang madamdamin nilang pagtatagpo, pati na rin ang dahilan kung bakit nawalay siya sa ama at kung bakit inabot ng matagal na panahon bago sila nagkita muli.

Kuwento ni Jessy, “Matagal na niyang plano na pumunta dito pero ako, busy. And siya rin, busy sa work niya.

“Sinakto na lang niya dun sa vacation sa Bahrain. Ramadan kasi ngayon sa kanila so sabi niya sa akin, pupunta siya ng July. Dapat mid-July siya pupunta, pero ang sabi ko kasi pupunta ako ng Europe.

“Sana kung puwedeng earlier [siya pumunta], or later para magkita kami. So ang ginawa niya end of June siya dumating, tapos he will stay until July 12 so masaya naman."

Ang tinatanong ng lahat: Bakit ngayon lang siya umuwi pagkatapos nang matagal na panahon?

“For me, it doesn’t really matter if it’s now or before. Nung nakita ko siya, nakakatuwa. ’Tsaka ’di ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi parang nabura lahat ng tinatanong na bakit ganun katagal bago siya dumating?

“Bago kami nagkita, ang daming nagtatanong sa akin...Tinanong ko rin sa kanya and everything. [Siguro] ngayon lang nagkaroon ng time...

“Nung hinug niya ako, sinabi ko na lang na okay lang kahit walang sagot sa mga tanong na yun basta nandito siya.

“Nakalimutan ko na yung feeling ng longing kasi nakita ko na siya uli. Napunan na yung missing piece sa buhay ko. Masaya naman kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO BITTERNESS. Hindi naman itinago ni Jessy na nagkaroon sila ng kanyang mga kapatid ng malalim na tampo sa kanilang ama. Pero paulit-ulit na sinasabi ng kanilang butihing ina na hindi sila dapat magtanim ng anumang sama ng loob o galit dito.

Patuloy pa niya, “May time na nagkaroon kami ng sama ng loob, siyempre ’di yun maiiwasan, pero yung mom ko kasi pinalaki kaming magkakapatid na walang galit sa tatay namin.

“Palagi niya kaming sinasabihan na mahal kayo ng tatay ninyo, na kahit wala siya rito sa tabi natin, nasa puso naman niya kayo.

"Nung nakita ko siya, wala yung galit, e. Wala yung galit, o sama ng loob, nandun lang yung, ’Hay, nandito na siya.’

“Ngayon na malaki na ako, ngayon na malalaki na kaming magkakapatid at matagal na rin, wala nang sama ng loob, at saka yung galit kasi ’di naman kailangan," aniya.

“My Princess” daw ang unang nasabi ng kanyang ama kay Jessy na sinundan ng mahigpit na yakap. Ito ang laging ginagawa ng ama sa kanya nung bata pa si Jessy.

“Siya din, nakita ko sa mukha niya na marami siyang gustong sabihin, pero ang sinabi lang niya na words, ’My Princess.’

“Dun nakalimutan ko na yung mga tao sa restaurant, nung sinabi niya yung ’My Princess.’ Parang speechless na ako, ’di ko na nasabi yung mga gusto kong sabihin sa kanya.

“Tapos niyakap lang niya ako nang sobra-sobrang higpit na palaging ginagawa niya nung bata pa ako.

“Tatawagin niya kami na ’My Princess’ tapos iha-hug niya kami. ’Di na kami makakahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.

“Nung ginawa niya ulit ngayon, pakiramdam ko bata ulit ako na prinsesa niya,” masaya pa rin niyang pahayag.

WHY THE LONG ABSENCE? Sa tanong kung bakit ngayon lang ito nakarating ng Pilipinas para makita sila, kinuwento ni Jessy na isa sa rason ay pinansyal. Ngayon lang nagkaroon ng stable job at nakaipon ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jessy, “Ilang beses ko na siyang tinanong, kahit nung wala pa siya rito.

“Tinanong ko siya dati, ’Bakit ’di mo kami bisitahin?’ Tinanong ko siya bakit ngayon lang?

“Sinabi niya na ngayon lang siya nagkapera, nag-ipon papunta dito, ngayon lang siya nagkaroon ng trabaho.

“Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita uli, pero never namang nawala ang communication.

“Marami pa rin akong tanong, pero kailan lang ba siya dumating? Three days ago lang.

“May time para pag-usapan ang lahat ng nangyari, pero sa ngayon nakikita ko na masaya siya na kasama kami. Masaya siya na wala na muna yung drama, yung bigat, so hinahayaan ko muna.”

Ayon sa aktres, hindi naman nawala ang komunikasyon sa pagitan nilang magkakapatid at ng kanyang ama. Lalo lamang ito tumibay ngayong malalaki na sila.

Lahad niya, “Nakikita niya yung mga pictures ko sa Internet. ’Di naman kasi nawala yung communication, it’s just that ngayon lang mas naging connected siya sa amin, kasi malalaki na kami.

“Siguro dati natatakot siya na baka galit kami sa kanya. I think baka now, he figured na matured na kami sa pag-iisip, kaya minabuti na niyang pumunta rito.”

Para kay Jessy, ngayon niya masasabi na kumpleto na talaga ang pagkatao niya.

Nagpapasalamat siya na nagkita na sila, dahil nagiging malabo na ang mga alaala niya tungkol sa kanyang ama.

COMPLETE. Pag-amin ng dalaga, “Ang tagal ko na siyang ’di nakita, ang tagal ko na siyang hinahanap. Parang kundi ko pa siya nakita ngayon, makakalimutan ko na yung feeling na hinahawakan niya ako, hina-hug niya ako, hinahalikan niya ako.

“Nandun na, borderline na, vague na lahat. Ngayon na-refresh ako ulit. Ganito pala ang feeling ng may tatay.

“Oo, dun sa part na bilang anak, kumpleto na ako dun.

“Nakakatawa nga kasi nasa mall kami, siyempre may mga nagpapa-picture. Una, nasya-shock siya. Tapos nung tumagal, siya na yung nagpi-picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagmamadali na siya, parang kinakausap niya yung mga tao, ’Please give me time with my daughter.’ ’Tapos siya yung nagpi-picture.

“Nakakatuwa kasi nagdyu-joke siya, ’Jessy’s coming, Jessy’s coming!’ Ano ko na raw siya, bodyguard!”

Proud na proud din ang ama sa magandang tinatakbo ng showbiz career ni Jessy.

“Super proud siya, pinapanood niya lahat ng videos ko."

Kinumpirma rin sa amin ng aktres na walang naiwang pamilya ang ama nito sa Bahrain.

“Wala siyang ibang pamilya. Yun din ang una kong tinanong. Saka judging naman sa galaw niya, sa kilos niya, wala.

"Tsinek ko ang phone niya, ang pictures ko, kaming lahat ng mga anak niya, wall paper niya kami.”

Hindi ba niya pipigilan ang ama sa pag-alis at kumbinsihin itong manatili na lamang sa Pilipinas?

Ani Jessy, “Ini-invite ko nga siya. Kagabi lang kausap ko siya. Sabi ko, ’Dad, why don’t you stay here in our house? You can sleep here.’

“Kasi sa hotel siya nag-i-stay. Sabi niya sa akin, ’I might get used to it, I might not leave anymore.’

“Tanong ko sa kanya, ’What’s so bad about that?’

“Sabi niya, ’I have work in Bahrain and it’s only now that I am earning.’

“Alam ko yung feeling niya kasi ako rin nagtatrabaho ako."

ON SEBASTIAN. Nauugnay si Jessy sa isang Colombian na nagngangalang Sebastian Lopez.

Pero klinaro naman niya na kahit napapasaya raw siya nito, hindi pa raw sila umaabot kahit sa estado ng pagiging mag-MU (mutual understanding).

“Si Sebastian? Special ba? Agad-agad? Hindi rin, e. Kasi ’di ba ’pag MU, malapit nang maging kayo? Hindi, e.

“Paano mo naman magiging ganun e, ang layu-layo niya at ’di ko kaya ang long distance at siya rin.

"Napapasaya naman niya ako kahit malayo siya.

“I’m enjoying it at the moment, one step at a time. Napapakilig niya ako kahit sa simple message lang. So, why not, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I’m not expecting more, I’m not expecting less, kumbaga it’s there.”

Kinumpirma ng aktres na darating si Sebastian sa July 9 at gusto itong personal na makilala ng kanyang ama.

“Sinabi ko na nga sa daddy ko, ’Daddy, I’m going to have a visitor, his name is ganito, ganyan...’ ’Tapos pinakita ko picture niya.

“Sabi ng dad ko, ’Who is he?’

“Sabi ko he’s a friend I met him recently.

“Sagot ng daddy ko, ’Ok, I want to meet him.’"

SHOWBIZ CAREER. Memorable ang buwan ng July kay Jessy pagdating sa personal na buhay at sa kanyang showbiz career.

Abala siya ngayon sa workshops para sa pelikulang pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz, Richard Gomez at Gretchen Barretto sa Star Cinema

Sabi pa ng Kapamilya actress, “Super memorable kahit sa career, kasi ngayon talagang pinagbubutihan ko yung movie namin...

“Madami ang nagsasabi na, ’Naku, mga beterano ang mga katrabaho mo, kailangan mong maging [up to] par.’

“Kung ano ang sinabi nila na kailangang paghandaan... kaya ako nagwu-workshop. Kani-kaniya kaming assignment sa roles namin.”

“It’s not an easy project, it’s very heavy drama, it’s a dark film.

“Halu-halo siya. It’s romance, comedy, drama, tragedy, so parang very complex siya for a film... You’re going to watch it because you want to think, you’re going to analyze what the movie is all about.

“Kami rin, kailangan din naming i-analyze yung bawat sulok ng role namin. Very complex ang bawat character sa movie so talagang pinagbubutihan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN