Lovi Poe finally admits relationship with Rocco Nacino

Lovi Poe finally admits her relationship with Rocco Nacino after being put on the spot by Startalk hosts Lolit Solis and Heart Evangelista: “Oh my God! I’m sweating like crazy, this is the first time. My God! Wala, naka-post na rin sa Instagram ko so what’s the point to hide pa?”


Live na nag-guest si Lovi Poe sa “Lolit’s So-List” segment ng Startalk kahapon, July 5, at ang panglimang pangalan na binanggit kay Lovi ay si Senator Grace Poe-Llamanzares.

Gaano sila ka-close ng senadora, na half-sister niya sa yumaong amang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.?

Saad niya, “Siguro po masasabi ko that we get along really well. And she’s very supportive and I really support her in everything that she does or ventures into.

“In fact, pag naririnig ko nga siya nagsasalita or sa mga interviews niya, nagiging proud talaga ako ’cause she’s so smart.

“So parang ang sarap lang ng feeling, parang lagi ko siyang ipinagmamalaki.”

Kailan sila nagsimulang maging close sa isa’t isa?

“Well it’s a good thing, I met her a long, long time ago... through my friend Heart and Senator Chiz [Escudero] also.

“Kaya mas thankful nga ako because of them parang mas lalo kaming naging malapit, we got together because of them also,” pagpapasalamat niya.

NORA AS NATIONAL ARTIST. Pang-apat naman sa So-List ay ang pangalan ng Supersatr na si Miss Nora Aunor na nakasama ni Lovi sa pelikulang Thy Womb.

Ano ang opinyon ni Lovi sa mga nangyayari ngayon, ang isyu ng National Artist award?

Ayon kay Lovi, “Well, I actually feel sad about it. I think she deserves to get the National Artist [award] because ang dami niyang accomplishments, e.

“Kumbaga sa aming mga artista, isa siya sa mga tinitingala namin and inspirasyon siya talaga sa amin, so I believe naman na she deserves it.”

Naging maganda raw ang working relationship nila.

Pagsang-ayon niya, “Yes, yes! Actually she’s very good, very natural, parang hindi siya umaarte sa harapan mo.”

ON JAKE CUENCA. Pangalan naman ni Jake Cuenca ang nasa ikatlong listahan.

Nagkaroon ba sila ng relasyon noon ni Jake? tanong ni Lolit Solis kay Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa muna si Lovi bago sumagot, “Yeah!”

“Ang suwerte naman ni Jake inamin mo siya e, never mong inamin si Ronald Singson. Never mong inamin si Jolo Revilla, bakit siya inaamin mo?” muling tanong ni Lolit kay Lovi.

Sagot ni Lovi, “I guess I was just in a weird stage in my life before, I wasn’t able to give him the right or the proper recognition so I guess this is it.”

For the longest time ay dinenay niya si Ronald Singson, ano ba talaga ang isyu doon? Totoo bang naging sila o hindi?

Biglang sumagot ang kaibigan ni Lovi at Startalk host na si Heart Evangelista.

Sabi ni Heart, “Basta mahal na mahal siya ni Ronald Singson.”

Pero mahal ba ni Lovi si Ronald?

“Ikaw na lang ang sumagot nun,” at tumawa si Heart.

“Wala, kasi certain things happened so alam mo yun, may mga bagay kasi na siguro may mga pinlano ka pero ang tadhana na ang hindi sumang-ayon,” ang pahayag ni Lovi.

Kapag itinanggi niya ang relasyon sa isang tao, dahil ba ito ay ikinahihiya niya?

Pagklaro niya, “No, of course not. I am a very private person and it has always been an issue naman, e.

“For me kasi nga, ever since hindi talaga ako nagsasalita especially when it comes to my personal life. So ayun, with my past relationships naging issue talaga ’yan.

“So I’m trying to change things, if ever.”

Ano ang kaibahan ni Jake doon sa dalawa? Bakit naamin niya na sila si Jake, pero hindi sina Ronald at Jolo?

“Kasi I thought, wala. I don’t wanna answer this question,” at tumawa si Lovi.

“Heart, can you help me?”

Sabat naman ni Heart, “Ako kasi, nandoon si Jake nung talagang kinailangan niya ng someone na maiintindihan ang sitwasyon niya.

“And nung umpisa hindi sila masyadong seryoso and then dumating sila sa point na sobrang sineryoso. ’Tsaka mahal na mahal din siya ni Jake kaya inamin na rin ni Lovi kasi naging malaking bahagi ng buhay niya si Jake, that’s why binibigyan din niya credit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos niyang sumagot para kay Lovi, agad naman niyang sinundan ito ng paumanhin para kay Rocco Nacino, na siyang nababalitang karelasyon ni Lovi ngayon.

Pahabol ni Heart, “Hi, Rocco! Kumusta ka? Huy, I‘m so sorry!”

ON ALESSANDRA. Number two naman sa listahan ang pangalan nina Heart at Alessandra de Rossi na mga malalapit na kaibigan ni Lovi.

Bakit sila naging close friiends?

Sagot ni Lovi, “It’s very simple, totoo silang tao and when you need them, talagang they’re there for you.

“It’s not like... may tawag kasi na taping friends, na yung hanggang dun lang.

“Ito kahit hindi kami nagte-taping lagi kaming nag-uusap, and alam namin kung may problema yung isa, talagang nandiyan kami para damayan ang isa’t isa.”

Ibig ba niyang sabihin na ang ibang artistang nakasama niya ay hindi naging totoong tao na tulad nina Heart at ni Alessandra?

Mabilis naman niyang tanggi, “No! That’s not what I mean, but then again if the shoe fits... No, just kidding!

“No, but then you know what I’m saying is, I’m just really grateful kasi nga through Legacy (serye nila dati nina Alex at Heart sa GMA), nagsama kaming tatlo and wala, it was just instant friendship.

“Actually more than that, parang magkakapatid na kami.”

Paano niya ihahalintulad ang lovelife niya sa lovelife nina Alex at Heart?

Sino ang mas masaya?

Bulalas ni Lovi, “Ay, si Alex ang saya-saya niya ngayon, I have to say!”

Sina Alex at Sid Lucero na nga ba?

“Ay, I don’t… where did that come from?” at tumawa si Lovi.

Binalingan ni Lolit si Heart at tinanong kung sina Alex at Sid na nga?

“Alam mo ang sa akin lang, aminin n’yo na! Kasi nag-usap na naman kaming tatlo, e. Aminin n’yo na,” sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So kinukumpirma na ni Heart ang relasyon nina Alex at Sid?

“Ay wait, hindi, hindi, hindi ko inamin. Love, ikaw na. Interview mo ito, exit frame na ako,” ang natatawang sinabi pa ni Heart.

Ani Lovi, “Hindi, what she means is, I don’t really know but then let’s ask Alex and Timmy [Sid] kung ano talaga.”

Ano ang difference ng lovelife ni Heart sa lovelife ni Lovi?

“Ako I can say that Heart is very passionate and so, ang difference namin? I’m passionate also, but I’m more of the chill side.

“Pero sa kanya it’s out in the open,” at natawa si Lovi.

E, di i-out na rin niya ang lovelife niya?

“I’m so stressed,” at tumawa si Lovi.

LOVI ADMITS LOVE FOR ROCCO. Siyempre pa, ang pangalan ni Rocco Nacino ang nasa number one sa listahan na ipinakita kay Lovi.

Tinanong ni Lolit si Lovi kung maaamin ba niya si Rocco?

Naamin niya si Jake, so bakit si Rocco hindi?

“You know what, he is special to me. Oh my God, I’m so confused,” at muling tumawa si Lovi.

“Oh my God, I’m put on the spot!

“I have to say that yeah, he’s special to me so whatever you guys think... basta special siya sa akin,” dagdag pa niya.

Pero hindi pa sila mag-on?

“Oh my God!

“I’m gonna say it… Yes!” pahayag niya.

“I’m so proud of you,” ang tumitiling sinabi ni Heart kay Lovi sa ginawa nitong pag-amin na sila na nga ni Rocco.

Pahabol pa ni Lovi, “Oh my God! I’m sweating like crazy, this is the first time. My God!

“Wala naka-post na rin sa Instagram ko so what’s the point to hide pa?”

IMPRESSIVE ACTING. Nabanggit naman na marami ang humahanga sa husay na ipinapakita ni Lovi sa GMA drama series na Ang Dalawang Mrs. Real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan siya humuhugot ng husay?

Sabi niya, “I think, I try my best nga na ilagay ang sarili ko sa sitwasyon ni Sheila, she’s very naïve kasi.

“Kumbaga, ibinalik ko yung sarili ko sa panahon nung first time akong nagmahal so iyon yung ginawa ko.

“At with help of our director, si Direk Andoy Ranay, and mga kapwa ko artista sina Dingdong [Dantes] everybody else, talagang malaking tulong kasi parang, nadadala ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN