Angelica Panganiban proud godparent of Melai Cantiveros and Jason Francisco’s baby

Isa ang aktres na si Angelica Panganiban (kaliwa) sa tumayong ninang sa binyag ng anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco noong Sabado, July 5, sa St. John Bosco Parish, Makati City.


Bininyagan na ang anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na si Amelia Lucille, o Mela, sa St. John Bosco Parish, sa Makati City, noong Sabado ng umaga, July 5.

Dumating ang pamilya at mga kaibigan nina Melai at Jason.

Sabi ni Melai sa The Buzz, “Sobrang saya namin.”

Dagdag naman ni Jason, "Sobrang saya namin kasi pumunta ang mga kaibigan."

Patuloy ni Melai, "At sobrang saya namin kasi nabinyagan na siya na Christian, na-bless na siya ni Papa God.”

GODPARENTS. Isa sa ninang ni baby Mela ay ang aktres na si Angelica Panganiban.

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Melai at Angelica dahil sa ilang nasabi ng huli tungkol sa pagsasama at pagpapaksal ng komedyana kay Jason.

Read: Kris Aquino and Angelica Panganiban worried about showbiz future of their common friend, Melai Cantiveros

Pero noong binyag ng anak ni Melai ay masaya silang nagkita ni Angelica.

Palagi naman daw tine-text ni Melai si Angelica na sana ay makarating ito sa binyag.

Sinasagot naman daw ni Angelica na darating siya, rain or shine.

Sa naturang binyag daw ang unang pagkakataong nagkita-kita sila mula nang magkaroon sila ng tampuhan.

Pero kinalimutan na raw nilang lahat ang anumang nangyari noon.

Ayon kay Jason, “Normal naman sa samahan na nagkakaroon ng ganoong misunderstanding. Ganun lang naman, wala na yun.

"Ang importante, masaya kami at thankful din ako sa kanya."

Sabi naman ni Melai, “Wala na, matagal nang nawala.

"Before pa ng kasal, ‘di ba, nag-sorry-sorihan pa.

"At least, napatunayan namin na totoo kaming magkaibigan talaga.

"Showbiz or without showbiz, we are true friends talaga.”

Ayon naman kay Angelica, “Sobra kong happy, sobra kong proud and flattered na kinuha nila kong maging ninang ni Mela.”

Matagal na raw silang nagkaayos nina Melai at Jason.

Saad ng aktres, “Matagal na, noong last year pa, after pa ng wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkaroon lang ng misunderstanding noon."

Twenty ang ninang at 15 naman ang kinuhang ninong at ninang nina Melai at Jason.

Bukod kay Angelica, ang iba pang godparents ni Mela na nakarating sa binyag ay sina Eddie Garcia, Kaye Abad, at Sam Pinto.

Ayon kay Melai, “Sobrang honored namin na pumunta si Sir Eddie.”

Hindi naman nakarating, pero kasama rin sa listahan ng ninong at ninang, sina Daniel Padilla, Ryan Bang, Tom Rodriguez, Alex Gonzaga, Kathryn Bernardo, at Laurenti Dyogi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN