Arjo Atayde reveals dream project: A dramedy with favorite actor John Lloyd Cruz and favorite leading lady Alex Gonzaga

Every three months, Arjo Atayde keeps his date with his fans: "Merienda, dinner, movie, I go out with them... para makausap at maka-bonding ko sila."


Isa raw sa dream project ni Arjo Atayde ang makagawa ng TV show o pelikula na may temang dramedy o drama-comedy.

Saad ng Kapamilya talent, “Gusto ko talaga kasi makagawa ng project na may pagka-drama at comedy on television or film, yun talaga yung sobrang dream ko.

“Like, yung ginagawa ni Lloydie [John Loyd Cruz], yung mga klase ng pelikula at TV shows niya yung gusto kong gawin.

“Everybody knows naman... I’m very vocal in saying that John Lloyd is my favorite actor and I really want to work with him.

“Hopefully, given a chance, siya yung gusto kong makasama sa dream project ko, kasi dream ko rin na makasama siya.

“Sa Hollywood naman, si Johnny Depp. Magaling din siyang actor mapa-drama or comedy."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal ) si Arjo sa kanyang mini-presscon kahapon, July 6, sa Dong Juan’s restaurant, sa Quezon City.

ALEX GONZAGA. Kung matutupad daw ang dream project ni Arjo, ang kanyang leading lady sa Pure Love na si Alex Gonzaga ang gusto niyang makapareha.

“For me, gusto kong makasama si Alex in my dream project, kasi alam naman natin na she’s good.

"Magaling siyang umarte, drama man ’yan or comedy.

“Kaya kung tatanungin ako if sino ang gusto kong maging leading lady sa dream project ko, pangalan ni Alex ang kaagad kong sasabihin."

At sa pagsasama nila ni Alex sa Pure Love ay marami raw siyang nadiskubre sa kanyang co-star.

“Everybody knows na she’s a funny lady, pero meron din siyang serious side, magugulat talaga kayo.

“She’s a really good person inside and out.

"Masarap siyang kausap, ’pag kasama mo siya, walang dull moment kasi masayahin siya.

"Pero may mga times na she can be serious na talaga namang magugulat ka."

SENSITIVE. Samantala, hindi lang yumayabong ang showbiz career ni Arjo, naging maganda rin daw ang reception sa kanya ng co-actors niya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ako naman kasi, I try to be nice and kind to everyone, kaya naman, in return, mabait din sila sa akin."

At kung mayroon mang kapwa-Kapamilya ang naiinggit sa magagandang projects niya ay hindi raw siya aware dito.

“Wala naman po, kasi hindi naman kasi ako nakikipag-hang out sa mga tao sa showbiz masyado.

“And wala namang insidenteng may nakita akong co-actors ko sa ABS CBN na nakasimangot o masama ang tingin sa akin kapag nasa studio ako.

“Very sensitive po ako kaya malabong ’di ko maramdaman kaagad if may naiinis, nagagalit or naiingit sa akin.

“If ever na merong magparamdam ng ganun, hindi ko na lang papansinin kasi baka mapaaway lang ako.

“Para sa akin, mas magpo-focus na lang ako sa trabaho ko kaysa intindihin ko pa sila, wala rin namang mangyayari at ayoko magpaapekto sa kanila.

"Ayokong mag-confront ng tao dahil lang sa naramdaman ko na naaasar siya sa akin or naiinggit siya.

“Para sa akin, choice niya yun, so ibigay natin sa kanila. If dun ba sila masaya, let it be.

"And it’s none of my business kasi I’m not doing anything wrong naman.

“And besides, ’pag kinumpronta mo kasi yung isang tao, parang ang yabang ng dating, especially if pakiramdam mo lang naman.

"Hindi ka sigurado kung yun ba talaga yung gusto niyang iparating sa ’yo.

“O kaya nag-approach sa akin at nagsabing masuwerte ako, at marami at magagandang proyekto ang napupunta sa akin.

“I believe kasi na siguro alam din nila bagay sa akin yung role kaya sa akin napupunta yung proyekto. And lucky enough for me na ako yung napili.

“Siguro nasuwertehan lang at alam ko naman na bawat isa sa amin, may suwerte din.

"If wala silang projects ngayon, who knows, next time sila naman ang maraming projects.

"Suwerte-suwertihan lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa ngayon, wala naman talagang nagpaparamdam sa akin ng ganun.

"Lahat naman mabait sa akin, kasi pinakikisamahan ko rin sila ng maganda."

MOVIE BREAK. Sa sunud-sunod na magagandang proyektong ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, hindi raw natatakot si Arjo na pagkatapos ng Pure Love ay mababakante siya.

Sabi ng anak ng aktres na si Sylvia Sanchez, “Ganun naman kasi, today, you have project, and tomorrow, wala naman.

"Pero mas maganda if sunud-sunod kasi may trabaho ka.

“Kaya naman I always give my 100 percent in all my projects so that they will give you another project, kasi alam nila maganda kang magtrabaho."

Dream daw ni Arjo na magkaroon ng pelikula at handa raw siyang maghintay ng magandang movie break.

“I’ve been here for two and a half years, I give myself another ten years.

“So, I have seven years more, I will just wait to have a movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN