Polo Ravales reveals negotiating with ABS-CBN for possible transfer

Polo Ravales on his 29-year-old girlfriend of four years, Shasta Munsayac, a former flight attendant of Qatar Airways: "She’s been with me at my worst. So she will be with me at my best."


Ayon kay Polo Ravales, tapos na siya sa projects na parang pa-cute lang at mas gusto na niya ngayon ang mga seryosong role. 


“Mas mature na talaga ako ngayon bilang artista talaga, mas mature na, hindi lang iyong pa-cute lang, kundi artista talaga,” saad ni Polo.




Ang latest project niya ay ang pelikulang Of Sinners and Saints kunsaan gumaganap siya bilang kontrabida. Siya ay ang violent husband ng karakter ni Chanel Latorre. 


Read: Polo Ravales portrays a violent husband in Of Sinners and Saints, an indie film depicting wayward priests

Handa naman daw siyang maghubad o gumawa ng daring na eksena kung kinakailangan.

Kaya raw niya nasabi iyon ay dahil "naniniwala ako sa aming director dito at naniniwala ako sa project na ito."

Nagpapasalamat daw siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Ruben Maria Soriquez, ang Italian-Filipino na siya ring producer, director, at bida sa Of Sinners and Saints.


“I have to do good for this role. Pinagkatiwalaan ako ng director, pinagkatiwalaan niya ako at ibinigay niya sa akin iyong role.


“So, tingin ko, dapat lang na ibigay ko ang lahat para rito,”
 pahayag niya.

Pagkatapos gumawa ng gay-themed indie films, sinabi ni Polo na hangga’t maaari ay hindi muna siya gagawa ng gay film.

“Actually depende, depende, e, pero sa ngayon ay stop muna iyon."


INDIE ISSUES. Ang ibang indie films, kahit award-winning, ang daming papuri, maganda ang review, at graded “A” ng Cinema Evaluation Board, pero hindi masyadong kumikita.

Ano sa tingin ni Polo ang rason o ano ang dapat gawin kaya para ma-reverse iyon?




Tugon niya, “Ang tingin ko, sa promo talaga iyon, e.

"Iyong napu-promote o napapakita sa TV ang isang pelikula na iso-showing na, ang laking bagay talaga niyon.

"Nakakatulong iyon para magkaroon ng idea ang mga tao tungkol sa ipalalabas na movie.


“Plus, sa tingin ko, dapat din siguro i-educate ang mga manonood na suportahan din nila ang matitinong movie natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kapag kumikita ang magagandang movie natin, mas gaganahan siyempre ang mga producers na gumawa pa ng ibang pelikulang magaganda talaga.


“Kaya ang kagandahan nga nitong Of Sinners and Saints, hindi lang dito ito ipapalabas sa atin, pati sa Italy ay ipapakita ito.”






GOING KAPAMILYA? Tungkol naman sa kanyang TV career, aminado si Polo na nakikipag-usap siya ngayon sa ABS-CBN dahil tapos na ang kontrata niya sa GMA.

"Last year pa, kaya nang ginawa ko ang Kambal Sirena, hindi na ako nakakontrata sa kanila,” sabi niya.


So, posibleng very soon ay maging Kapamilya na siya?



“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa meeting namin, hindi ko alam.

"For me, kung saan sa tingin ko ako mabibigyan ng magandang role, ng magandang trabaho, doon ako.

“But, of course, I’ll be forever thankful sa GMA.

"Hindi ako Polo Ravales kung wala ang GMA-7," sabi niya.




Kung sakaling lumipat siya sa ABS-CBN, sino ang gusto niyang makatrabahong artista doon?


“Sino nga ba?” sagot niya habang nag-iisip. “Sina Bea [Alonzo], si Maja [Salvador], at saka si Angel [Locsin].”


Si Angel, nakatrabaho niya na dati sa GMA, ‘di ba?


“Oo, sa Majika, nakasama ko na noon si Angel.”


So, posibleng magkaroon sila ng reunion ni Angel sa ABS-CBN?


“Oo, at pati si Iza Calzado rin, ‘di ba? Nagkasama na rin kami sa GMA noon.”




Ang tinutukoy niya ay ang telefantasyang Encantadia noong 2005.


Bakit naman nasabi ni Polo na gusto niyang makatrabaho rin sina Maja at Bea?




“Magagaling sila, magagaling silang artista, and it would mean a lot to me kapag nakatrabaho ko sila.”

QUIET LOVELIFE. Tungkol naman sa kanyang personal na buhay, wala mang nababalita tungkol sa lovelife ng aktor ay inamin nitong may non-showbiz girlfriend siya.




“Tahimik lang ang lovelife ko... at saka graduate na ako sa mga taga-showbiz, e!” natatawang sabi niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Ara Mina at Jean Garcia ang dating girlfriend ni Polo mula sa showbiz. Nakakadala ba kapag showbiz ang karelasyon niya?

“Hindi naman, hindi naman nakakadala, pero mas maganda kasi iyong… depende rin kasi.

"Kapag hindi taga-showbiz, mas hindi kayo pag-uuspan, mas tahimik, hindi ba?”


Sa ngayon, ang karelasyon ni Polo ay si Shasta Munsayac, 29-year-old former flight attendant sa Qatar Airways.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Polo at Shasta kaya inusisa ng PEP sa aktor kung may plano na ba siyang magpakasal?

Sagot niya, “Naiisip ko rin iyan kung minsan, naiisip ko rin dahil four years na rin kami, e.

“Pero siguro, mga two years from now pa bago ako magpakasal, kasi hindi na tayo bumabata, ‘di ba?

“Sa tingin ko naman... kasi she’s been with me at my worst, so she will be with me at my best.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN