Angeline Quinto admits to exchanging "I love yous" with Erik Santos

Ayaw pang sabihin ni Angeline Quinto kung opisyal na nga ba ang relasyon nila ng kapwa-singer na si Erik Santos. Pero aniya, “Siyempre, gusto ko rin po na si Erik po ang magsabi sa mga tao.”


“I consider him as my next-level friend.”

Ito ang sagot ni Angeline Quinto nang tanungin ni Boy Abunda sa live interview ng singer sa The Buzz noong Linggo, July 6, kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Erik Santos.

Dagdag pa ni Angeline, “Kumbaga, kung anuman po ang mangyari after nito, okey naman po ako. Alam niya naman po yun.”

Ano ang inaasahan niyang posibleng mangyari?

“Boyfriend-girlfriend!” natawang sagot niya.

Papunta na ba doon?

“Depende po kay Erik kung itutuloy niya.”

May balitang may iba na naman daw siyang nakita?

Sagot ni Angeline, “Dati po yun… Wala na po yun, hindi ko po kasi sinagot.”

May kinalaman ba si Erik kaya hindi niya sinagot ang lalaking tinutukoy niya?

“Malaki, malaki ang kinalaman niya,” pag-amin ni Angeline.

Nagsabi na ba ng “I love you” sa kanya si Erik?

“Nag-‘I love you’ siya, siyempre nag-‘I love you, too’ ako.”

Opisyal na bang sila na?

Sabi ni Angeline, “Hindi ko rin po masabi sa ngayon. Siyempre, gusto ko rin po na si Erik po ang magsabi sa mga tao.”

Madalas daw, tinatapos nila ni Erik ang kanilang pag-uusap sa mga katagang “I love you” at “I miss you.”

Kapag nagti-text sila sa isa’t isa, may "I love you"?

“Hindi naman po palagi… madalas,” nakangiting sabi ng singer.

Napag-uusapan na nilang dalawa ang label, expectation?

“Opo naman,” pag-amin ni Angeline.

Napag-usapan na nila na boyfriend-girlfriend sila?

“Minsan po kasi nagkakahiyaan pa kami sa isa’t isa.

“Pero yun na rin naman po ang madalas naming napag-uusapan po tungkol sa aming dalawa.”

Nag-kiss na sila?

“Agad-agad?!” natawang sagot niya.

“Tama lang po.”

Nag-kiss na sila bilang mag-boyfriend at girlfriend?

“Hindi pa po, hindi pa… strict ang parents ko,” biro ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN