Jennylyn Mercado not confident to join other FHM Sexiest Pinays: "E, ako, may baby na..."

Hindi pa raw handa si Jennylyn Mercado na pumasok sa isang relasyon. Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Ayoko muna. Ako na lang muna at saka family.”


Flattered si Jennylyn Mercado na muli siyang nakasali sa listahan ng Top 10 Sexiest Women in the Philippines ng FHM ngayong 2014.

Pero baka hindi raw siya makasali sa rarampa sa victory party na gaganapin bukas, July 9, sa World Trade Center.

“Parang wala akong lakas!” natatawang sabi ni Jennylyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo, July 6.

Dagdag niya, “Parang wala akong ano… hindi ako ganun ka-confident.

“Siyempre, ang kasabay ko yung mga talagang… E, ako, may baby na, ganyan.”

Hindi ba’t mas nakaka-proud nga na kahit may anak na siya ay isa pa rin siya sa itinuturing na sexiest women?

Ngumiti lang si Jennylyn at wala siyang anumang nasabi pa.

Ano ang kanyang naramdaman nang malaman kasali siya ulit sa listahan Top 10 Sexiest Pinays?

Sagot ng Kapuso actress-TV host, “Thankful ako kasi walang sawa pa rin yung mga fans. Wala silang tigil sa kakaboto.

“Talagang nakakatuwa, nakakataba ng puso.

“Talagang gusto nila akong i-push dun.”



NEW SOAP. Masaya namang ibinalita ni Jennylyn na next week ay nakatakda siyang makipag-meeting sa management ng GMA Network para sa kanyang bagong gagawing soap.

Ang huli niyang pinagbidahang teleserye ay ang Rhodora X, kung saan gumanap siya bilang isang babae na may multi-personality disorder.

Natatawang sabi nga ni Jennylyn, “Siyempre, hindi na baliw-baliwan ang magiging character ko. Iba naman!

“Pero drama pa rin. Hindi pa rin ako nalalayo dun sa drama.”

Sino ang kanyang makakasama sa bagong soap na ito? Balik-tambalan ba ulit sila ni Mark Herras?

“Hindi, iba ang makaka-partner ko. Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sino.”

Kahit natapos na ang Rhodora X, patuloy pa rin ang pagli-link sa kanila ni Mark? Hindi pa rin nawawala ang balitang nagkabalikan o nagkakamabutihan daw ulit silang dalawa.

“Hindi ko alam. Bakit wala akong alam?” natatawang reaksiyon ni Jennylyn tungkol sa balitang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ba, dapat ako ang unang nakakaalam bago yung iba? Ni hindi nga kami makapag-text sa isa’t isa, e.

“Baka dahil nga sa Rhodora X kaya may ganun. Baka yung kase-selfie namin sa set dati.

“Yung para matuwa yung mga Mark-Jen fans, na hanggang ngayon nandiyan at buhay pa rin.

“Buhay na buhay pa rin ang mga fans namin ni Mark! Buhay na buhay sila. Ten years na.”



RHODORA X MEMES. Sa Internet, may mga lumalabas na still photos ni Jennylyn sa Rhodora X na may nakakatawang captions o memes. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Saad niya, “Okey lang iyon sa akin, kasi yung Rhodora X, medyo drama, ganyan.

“Pampagaan lang ng buhay, kumbaga. Ano lang, something different.

“At saka kung mapagkakatuwaan naman at magiging masaya yung mga tao kapag nakita nila, okey lang.

“Ako nga, kapag nakakakita ng mga ganun, nakakatawa talaga.

“So, keri lang. Okey lang.”



TRIATHLON. Isa pang pinagkakabalahan ngayon ni Jennylyn ay ang pagkahilig niya sa triathlon.

Pinaghahandaan na nga niya ang kanyang pagsali sa isang international triathlon event na nakatakdang ganapin sa November.

Kuwento niya, “Nagti-training ako ngayon at least mga three times a week. Maximum of four times a week.

“Kadalasan ay sa Subic ako nagti-training o kaya ay sa Amoranto Stadium.

“Depende… iba-iba.”

Wala pa ba siyang bagong lovelife?

“Wala!” mabilis na sagot ni Jennylyn.

“Ayoko muna.

“Ako na lang muna at saka family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN