Erika Padilla defends FHM pictorial: "There’s nothing in the photos I’ve done na makakasorpresa pa."

Napapanood si Erika Padilla sa sa sports news show na Sports5 360. Makakasama rin siya sa afternoon soap na pagbibidahan nina Andrea Torres at Mikael Daez, ang Anisandra ng GMA Network.


Mas nanaig daw ang excitement ni Erika Padilla nang mag-pose siya sa FHM para sa May 2014 issue ng naturang men’s magazine, kung saan siya ang nasa cover.

Kuwento pa ng sportscaster-actress, “I’ve always been in a two-piece [bikini], I’m always doing yoga.

"More or less, ganun na ang peg, which I’ve been acquainted with.

"So, I was more excited than nervous talaga.”

Wala halos raw siyang ginawang paghahanda para sa pictorial.

"Kasi na-release yung copies, May 28, and I had to shoot May 20.

"That’s how fast it was and it came out great, kasi I was doing yoga na ever since."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erika sa press conference para sa FHM 100 Sexiest Women of the World noong Sabado, July 5.

Isa rin si Erika sa rarampa sa victory party ng FHM mamayang gabi, July 9, sa World Trade Center.

Ayon kay Erika, nakuha niya ang suporta ng kanyang pamilya sa ginawa niyang pagpapa-sexy.

“Actually, the girls, my mom and my sisters really love the cover. I showed it to them before it was published.

"My brother, okey naman siya, ipinost pa nga niya sa Facebook, ’I don’t know if should do this. But because I love her and I’m proud of her achievement, please grab a copy of my sister’s cover.’

“My dad naman, deadma lang, pero parang nagpabili yata siya ng copies sa mga kamag-anak [namin] sa States. Nasa States sila, e.

"Pero nung nagkita kami, no mention of anything.

“Pero it was a good feeling, to think he’s a military father… he’s a PNP [Philippine National Police] retired general.

“Ibig kong sabihin, parang hindi ko na inasahan yung ’Anak, good job!’

“He didn’t say anything.

"I think there’s a good understanding that it’s part of the process of what I’ve been doing as a TV personality."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapanood si Erika sa TV5 araw-araw sa sports news show, Sports5 360. Makakasama rin siya sa afternoon soap na pagbibidahan nina Andrea Torres at Mikael Daez sa GMA, ang Anisandra.

Dagdag pa niya, “And it’s not like I’m not doing anything before being on the cover.

"I’ve been juggling a lot of things, which I’m proud of.

“Ayun, bongga na, I was recognized for what I’ve been doing.

"And sa FHM ako nagsimulang mag-cover.”

CRITICS. Nakatanggap ba si Erika ng criticisms and negative reactions dahil sa pagpu-pose niya sa FHM?

"I think there was, there’s this feminist... an older feminist lady who commented on my tattoo ‘Pinay’ na nakita sa cover.

"Parang sabi niya, nao-objectify raw yung mga Filipina.

“Sabi niya, kasi gusto niyang protektahan ang mga Filipina para hindi na mari-relate sa pagiging slutty, sexy.

“Sabi ko, first of all, you may disagree with my decision to pose that way on FHM, pero hindi naman ako ang kauna-unahang Filipina na nag-cover sa FHM.


“Pangalawa, ’pag nakakita ba tayo ng lalaking may bandila ng Pilipinas... kunwari ex-con [ex-convict], lahat na ng tao, criminal?

"Ibig kong sabihin, I think it could have been best if she sought my opinion where I was coming from.

"Kasi, at the end of the day, attacking someone or criticizing someone... may blog kasi siyang ginawa.

"Parang sinasabi niya na, ’It doesn’t help na ang mga Filipina kilala na ngang mga domestic helpers, ek-ek, naglagay ka pa ng Pinay diyan ’tapos nag-cover ka pa? Parang gusto mong ipakita na pa-sexy lang lahat ng mga Pilipina?’

“’Of course not,’ sabi ko. It always boils down to perspective.

"For other people na hindi naman nila magustuhan yun, paano kung may ibang nae-empower na, yun pala, breast cancer patient sila?

“You don’t know where these people are coming from.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, at this point, I think this generation is not so surprised of boobs, vaginas, butts or penises.

“Nakikita na nila ’yan. Mag-Internet, sila makikita na nila, it’s everywhere.

"There’s nothing in the photos I’ve done na makakasorpresa pa.

“I think yung makaka-surprise is the way you carry yourself as you show your body.

"The control that you have over your body, that’s the more interesting part for me."

REACTIONS. Dahil sports ang work environment ni Erika, nakarinig ba siya ng uncalled comments mula sa kalalakihan o nagpakita ng malicious interest sa kanya?

Sagot ni Erika, “Feeling ko, magkakasing laki lang kami ng muscles, kaya ko silang suntukin!

“But, seriously, I’m good friends with a lot of... all of them.

“I think, again, it’s a matter of how you carry yourself.

"Among the guys, walang nagsabi sa akin na bastos, puro ’Congrats on your cover.’

“Ang pinakaano lang, ’Totoo ba yun? May tattoo ka talaga sa balakang mo?’ That’s the most"

Wala bang nagpakita ng interest na pormahan o ligawan ka?

“Meron naman. Ako kasi, kapag interesting ka sa akin, interesting ka sa akin.

"’Pag wala, wala kang matatanggap ng reply sa akin.

“Yung mga nagti-text sa akin, nagre-reply naman ako. Yung mga wala, wala. Ayoko.

"’Pag hindi ko bet [gusto], wala ka na talagang aasahan sa akin."

PLAYERS. Hindi mo ba gusto ang mga basketball players?

Sagot ni Erika, “Hindi naman, that would be too unfair to say.

"Actually, I admire a lot of them because of the discipline they have as athletes.

“At this point, wala na yung notion na ’pag basketball player ka, babaero ka.

"Hindi sila lahat ganun or hindi marunong humawak ng pera.

“I think basketball celebrities also evolve, alam na nila ang ginagawa nila.”

Wala pa raw ni isang basketball player ang naging karelasyon si Erika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Ewan ko, ang lagi kong nakukuha, intimidated. Hindi ko maintindihan.

“May mga nagpapakita ng intensiyon, hindi lang natatawid through and through.

"I don’t think naman na nagpapakita ako ng pagkamatapang. I’m just doing my job.

“I think the control I have in delivering my job kaya alam din nilang hindi ninyo ako puwedeng bullshit-in.

"Kasi alam ko kung ano yung kamalian yung team ninyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN