Allen Dizon thankful for still getting lead roles

Allen Dizon acknowledges that he also owes his success to wife Kristel: "Open-minded siya when it comes to work, hindi siya selosa... mahalagang bagay yun sa akin."


Ang isang bagay raw na ikinatutuwa ni Allen Dizon ay ang pagiging maunawain ng kanyang asawang si Kristel Dizon sa sexy roles na kanyang ginagawa sa pelikula.

Aniya, "Yun, mahalagang bagay yun sa akin.

"Kasi siyempre, kung may problema sa misis ko, magkakaproblema tayo diyan.

"Pero yun nga, very understanding naman siya kaya walang naging problema.

"High school hanggang college ay magkakilala na kami, so alam niya lahat ng pinagdaanan ko.

"Open-minded siya when it comes to work, hindi siya selosa.

"Trabaho lang naman ’to, hanggang dun lang naman yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allan sa premiere night ng pelikulang Kamkam (Greed) sa SM North Edsa Cinema 4, noong Linggo, July 6.

STILL DESIRABLE. Angkin pa rin ni Allen Dizon, bilang isang sexy actor, ang mga katangian upang pagpantasyahan siya ng mga kababaihan sa kabila ng katotohanang nagkakaedad na rin siya.

Si Allen ay 36 years old na ngayon.

Pagsang-ayon niya, "Oo naman, lumabas naman yun sa movie na ’to, ’di ba?

"Hindi nawawala yun at saka kailangan na mas may maipakita pa ako para ganahan sila.

"At saka, hindi basta kailangan love scene, kailangan ay pag-isipan na.

"Pero siyempre, kailangan wala pa ring kiyeme, walang limitations, walang inhibitions.

"Ayoko na yung co-actors ko ay maapektuhan.

"So, kailangang ay realistic ang dating.

"’Pag sinabi ng direktor na hubad, kailangan ay hubad talaga."

Patuloy pa ng award-winning actor, "Masaya ako na andun pa rin yung staying power ko.

"Sa halos ng mga ka-batch ko sa industriya, ako lang ’ata yung parang andito pa rin... leading man pa rin.

"Masaya at nakakataba ng puso dahil sa tagal ko na rin sa industriya, ayun, nagiging leading man pa rin ako kung saan ako nagsimula.

"Siguro, pagdating ng panahon, kung wala nang kukuha sa pelikula, sa TV naman.

"Supporting roles din, pero okey lang sa akin, kasi dun naman talaga ang bagsak namin, ’di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala si Allen sa pelikulang Twilight Dancers (2006), kung saan nanalo siya bilang Best Supporting Actor sa FAMAS at Movie Supporting Actor of the Year para sa Star Awads for Movies sa sumunod na taon.

ADVICE. Tungkol naman sa mga baguhang sexy actors na nagsusulputan ngayon, ano ang gusto niyang sabihin sa mga ito?

"Unang-una, dapat ay mahalin nila ang trabaho nila.

"’Tapos, yung katawan, huwag abusuhin. Dapat nga ay mas lalo nilang pagandahin kasi yun ang pinakapuhunan nila.

"Mag-aral umarte, kasi bukod sa katawan, yun ang hahanapin sa kanila ng mga tao, ’di ba?

"Naniniwala ako na yung katawan... tatanda tayo lahat.

"Pero kung nakitaan ka ng husay sa pag-arte, marami pa rin ang magtititiwala at magbibigay sa iyo ng projects.

"Ano pa nga ba? Mag-ipon, yun, isa ’yan sa dapat nilang gawin, ang mag-ipon at maging mabait sa tao."

MONEY ISSUES. Sa puntong ito ay hiningi namin ang kanyang saloobin sa naging problema ng producer ng Kamkam na si Harlene Bautista sa kaibigan nitong direktor na si Dante Nico Garcia.

Si Direk Dante ay sinampahan ni Harlene ng 44 counts of falsification of corporate documents at estafa noong October 2012.

Sabi ni Allen, "Nasa tao siguro yun, hindi masama ang magtiwala, ’di ba?

"Pero nangyayari ’yan. Nangyari na ’yan sa akin, e.

"Yung mga ganyan, yung mga lokohan, part yun sa buhay para matuto ka.

"Ang advice ko lang, siguro dapat kilalanin muna ang taong dapat pagkatiwalaan.

"I-assess muna nang maayos at huwag basta magbibigay ng pera.

"Alam naman natin ang pera, evil ’yan, e.

"’Pag nandiyan na, nag-iiba na ang isip ng tao.

"Kailangan, medyo pigil muna pagdating sa pera."

Dagdag niya, "Sana, magkaroon din ng balik yung nangyari kay Harlene.

"Hindi naman kasi yun basta-basta na pera, malaki rin yun.

"Siguro ay maayos din naman nila yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN