Vicki Belo congratulates Hayden Kho for regaining his medical license

On her Instagram account, Dra. Vicki Belo expresses her joy for ex-boyfriend Hayden Kho Jr.’s reinstatement as medical doctor.


Isa si Dr. Vicki Belo sa natuwa sa pagkaka-reinstate ni Hayden Kho bilang cosmetic doctor.

Sa Instagram account ni Dra. Belo (victoria_belo) kahapon, Martes, July 8, ipinost niya ang larawan ng cover letter mula sa Professional Regulation Commission (PRC) kung saan nakasaad ang pagbabalik ng lisensiya ni Hayden bilang medical practitioner.

Ang dokumento ay pirmado ni Atty. Eugenio L. Riego II, officer-in-charge ng Legal and Investigation Division ng PRC.

Nakasulat naman sa caption ng nasabing post ni Dra. Belo ang sumusunod: “Sorry for the ugly picture but to me it’s the most beautiful picture I’ve seen in 5 years.

“This is The PRC document restoring @dochayden’s medical license.

“Thank you so much to our Father in heaven. It’s so true Matthew 6:33 that if you put God first all will be added on to you. Congratulations Dr. Hayden Kho Jr.”

Kahapon din ay nag-post si Hayden ng larawan ng formal letter mula sa Board of Medicine ng PRC, kung saan nakalahad na ibinibigay muli ang lisensiya niya upang maging doktor.

Read: Hayden Kho regains medical license; Katrina Halili’s camp cries foul



HAYDEN’S INFLUENCE. Sa isang artikulong lumabas dito sa PEP noong November 2013, sinabi ni Dra. Belo na magkaibigan na lang muna sila ni Hayden at hindi na muna niya iniisip ang makipagbalikan dito.

Sinabi rin niya ang malaking pagbabago ni Hayden.

Read: Vicki Belo at 57 wants a richer inner life

Inamin din ng celebrity cosmetic surgeon na si Hayden ang nag-impluwensiya sa kanya upang maging mas ispiritwal.

“We’re really just there [for each other] and not anymore into anything like that,” sabi ni Dra. Belo.

Maging sa Twitter account ni Hayden ay Bible verses at papuri sa Panginoon ang madalas i-post nito.

Bagamat sinabi nina Dra. Belo at Hayden na magkaibigan na lamang sila ngayon, may iba pa ring naniniwala na patuloy pa rin ang pagmamahalan ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN