Bangs Garcia takes a break from sexy roles and pictorials: "Magtira ka naman sa sarili para magkaroon ka ng self-respect."

Bangs Garcia informs she’s been invited to exhibit her paintings in Germany. She says, "So I wanna be a Pinoy icon. I wanna be an international painter, yun ang target ko."


Bagamat wala pang bagong acting project si Bangs Garcia matapos ang appearance niya sa Dyesebel ng ABS-CBN, marami pa naman daw siyang ibang pinagkakaabalahan.

Kuwento niya, “I’m busy doing mall shows.

"Last week nasa Iloilo ako, and then nasa Tuguegarao, and may painting exhibit ako in August.

“I was supposed to do a movie sa Regal Films, pero hindi pa sure kaya hindi ko sasabihin ang details.

"’Pag nandiyan na, malalaman din naman ng lahat.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bangs sa nakaraang press conference para sa FHM 100 Sexiest Women of the World, na magaganap ngayong gabi, July 9, sa World Trade Center.

Last year rumampa at nagkaroon ng dance number si Bangs, pero nililinaw niyang hindi siya overexposed sa nasabing men’s magazine.

Paliwanag ng morenang aktres, “No, not every year akong nag-ramp. Nagri-rest ako. Akala lang nila.

"Baka kasi ’pag sinabing FHM, Bangs Garcia agad, pero hindi.

“May two years ’ata akong hindi nag-ramp.

"And everytime na nagra-ramp ako, may pasabog na production numbers kaya nag-i-stick sa utak ng mga tao.

“Pero this year, wala akong production number para others can show their talents naman.”



JACK OF ALL TRADES. May impression kay Bangs na hindi niya alam kung saan siya papatungo dahil na rin sa napakarami niyang nais gawin sa buhay.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Ako, I plan to be a businesswoman talaga, pero I’m also into acting talaga.

"I also love cooking, so I might have my own restaurant in the future, art café where I have my own chef and naka-display lahat ng paintings ko.

“Businesswoman talaga ang gusto ko, pero I don’t think na mawawala na yung show business.

"Kasi, it’s gonna be a big help din to promote my businesses kung artista ako.

“Sa akin, kung ano ang ibigay. Hindi ako yung tipong kailangan kong mag-isip. Wala talaga akong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag ibinigay ni Lord, tanggap ko lahat.

“So, ngayon, I was invited to have an exhibit in Europe, in Germany.

"So, I wanna be a Pinoy icon. I wanna be an international painter, yun ang target ko, maging international.”



MODERATE EXPOSURE. Nagbitiw ng statement si Bangs noong 2013 na ayaw na muna niyang magpa-sexy, kahit na nga ang image niya ay sexy at nakapag-pose na siya sa FHM.

Saad niya, “Kasi, ’di ba, sa Lauriana, nag-topless ako doon, pero hindi ipinakita. Hindi ako nag-frontal.

"First time kong magsuot ng nipple tape lang at saka plaster, first time ko yun sa buong buhay ko.

“Pero it doesn’t have to be... hindi ko naman sinasabi na ’pag lalabas ako, kailangang maging conservative ako.

"Hindi ganun, that’s not me.

“’Pag nagsuot ka naman ng sexy, bastusin ka nang babae...

"It depends on how you carry yourself, and confident naman ako na I can handle myself really well.

"Ewan ko lang sa ibang women, kasi it’s a matter of gaining the respect of others, especially men.

“Kasi kahit nagsusuot ka ng T-shirt lang or jeans, puwede ka pa ring bastusin.

"Ibig kong sabihin na magpapahinga ako sa sexy, or rather magla-lie low sa acting, yung ganung klase sa Lauriana.

“Pero magki-kissing scene pa rin ako.”

Tuluyan na ba niyang tatalikuran ang paghuhubad sa pelikula?

“Not unless I really love the story, meron pa akong ibang plans, e.

"Ayaw kong sabihin muna kasi baka maudlot, e.”

CONFLICTED. Hesitant na ba siyang magpaka-daring?

“Not really, nag-cover pa nga ako sa FHM, e,” sagot ni Bangs.

Pero aminado siyang minsan ay napag-iisip siya kung bakit niya ginawa ang isang klase ng pagpapaka-daring sa pictorial man o sa pelikula.

“Kasi, I came from a conservative family, kailangang may limits pa rin.

"Hindi naman ako katulad ng ibang sexy actresses na lahat na gagawin na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magtira ka naman sa sarili para magkaroon ka ng self-respect.

"Kung ibibigay mo na lahat, ano na lang yung maititira mong excitement sa mga tao?

"Gumawa ka ng paraan para maging interesting ka pa rin sa tao.

“I’m not doing that [paghuhubad], showing my skin sa tao, not me, I’m not the type of girl.

“It’s not all about showing flesh.”

DYESEBEL. Pinakamagaan daw na acting project niya ang Dyesebel kahit kontrabida ang ginampanan niya rito.

Saad ni Bangs, “Parang naglalaro ako doon.

"Saka nag-focus sila kay Anne [Curtis] kaya nabawasan yung scenes sa ocean.”

Paliwanag pa niya, "Hello naman kung gaano kagrabe yung role ko sa Kung Ako’y Iiwan Mo!

"Nakita mo naman parang psychotic na... grabe, grabe talaga.

“Saka yung Lauriana, where I won my best actress, unang-una ko, nakita mo naman yung mga acting ko doon compared sa…

"Pero okey lang, blessed naman ako to have Dyesebel.

"I need a project na relax lang muna ako, kasi grabe na yung ibinigay ko sa Lauriana at sa Kung Ako’y Iiwan Mo.

"Maybe next year, handa na ako uli sa heavy drama, sana mabigyan ako uli ng project.”

Nami-miss ba ni Bangs ang pagbibida na medyo hindi mabigat yung roles niya?

Sagot niya, “Oh, yes.

"Nagkontrabida ako uli dito sa Dyesebel, so puwede na uli akong magbida kung mabibigyan ako ng pagkakataon.”

MORATORIUM. Kapansin-pansin ang kakaibang glow sa mukha at aura ngayon ni Bangs, pero wala raw siyang karelasyon ngayon.

“Kasi mas nakaka-focus ako sa sarili ko kapag may tendency na naggu-grow ka talaga nang totoo.

"Unlike kung may boyfriend ka, idinidepende mo yung happiness mo sa boyfriend mo, e.

“Dati, puro boyfriend and family lang ako.

"When I started in show business, may boyfriend na ako agad, in 2008. Four years yun.

"Nag-break kami, and a month after, nagka-second boyfriend na ako one year and four months yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung third guy, naudlot, hindi natuloy.

“So, parang tama na ito, rest muna.

"Kasi, parang wala, lagi akong may boyfriend ’pag nasa showbiz ako, e.

“So, this is the longest time na single ako... wala pang two years, mga one year and five months.”

Hindi ba siya natutuksong sagutin ang mga manliligaw niyang pasok sa kanyang standards?

Sabi ni Bangs, “Alam mo, yun lang, ngayong nagiging sobrang pihikan na ako.

"Dyinu-joke nga ako ng mga friends ko, baka raw maging matandang dalaga na ako kasi lahat ayaw ko.

“May makita lang akong mali, ayaw ko. Parang lahat hindi pumapasa.

“Ewan ko nga, e, baka nga lalo akong nagiging pihikan, tumataas ang standards ko.

“Kasi natuto na ako sa mga past relationships ko, sobrang cautious ako ngayon.

"Alam ko na kung ano yung ayaw ko sa mga lalaki, so parang lahat na lang ayoko, parang admiration na lang.

“Siguro baka wala pa lang talaga yung right guy.

"I believe there’s a specific someone for all us out there, for each one of us.

“So, I’m just waiting.

"Masaya ako ngayong single, minahal ko ang sarili ko, inaalagaan ko. Nagdyi-gym na ako.

"Dati hindi, kasi wala akong oras, e. Kailangang may quality time para sa boyfriend.

“Ngayon, wala akong pakialam kahit anong gawin ko.

“And then, yung painting ko, nagawa ko lang yun nung single ako.

“Pero doon sa second boyfriend ko, okey lang sa kanya yung pagpi-painting ko.

"Yung first ko, possessive. Gusto niya lahat ng oras ko sa kanya.

"So, hindi ako naggu-grow."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN