Marian Rivera receives overwhelming response from FHM Nation; sets new record as three-time Sexiest Woman

Marian Rivera has set a new record as the only female celebrity to be named three-time Sexiest Woman in the history of FHM all over the world.


Reynang-reyna ang dating ni Marian Rivera nang rumampa siya sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World sa World Trade Center kagabi, July 9.

Sa ikatlong pagkakataon ay ang Kapuso Primetime Queen ang itinanghal na Sexiest Woman sa taunang poll ng FHM. Una noong 2008, sumunod noong 2013, at ngayong taon nga.

Si Marian ang pinakahuling rumampa at nagsitayuan ang halos lahat sa kanilang kinauupuan at naglabas ng kani-kanilang cell phones para makuhanan siya.

Pagkatapos ng victory party ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa backstage ng World Trade Center.

Ano ang pakiramdam sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga nasa audience?

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Wow, thank you!

“Hindi ko na alam kung paano magre-react. Ang sarap lang sa pakiramdam.

“Sabi ko nga, hindi magiging posible ang lahat ng ito kung hindi rin dahil sa mga nagmamahal sa akin.

“Kaya kung anuman ang meron sa akin, ino-offer ko sa kanila.”

Umabot ng mahigit isang milyon ang nakuha niyang boto kahit na wala na ang text voting.

Ayon sa staff ng FHM, nag-set ng record si Marian sa kasaysayan ng FHM sa buong mundo, hindi lamang dahil sa tatlong beses niyang pagiging Sexiest Woman, kundi pati na ang bilang ng botong natamo niya.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Ang sarap! Ibig sabihin, maraming nagmamahal sa akin, thank you.”



MARIAN’S OUTFIT. Kung noong 2013 ay gold ang kulay ng costume ni Marian na may malaking pakpak sa likod, ngayon naman ay pulang-pula siya na may malaking headrest.

Ano ang ibig sabihin at pulang-pula siya ngayon?

“Red? I’m in love!” natatawang sagot ni Marian.

Kumpara raw noong isang taon, hindi na siya kinabahan ngayon.

“Ang nasa isip ko ngayon, ginagawa ko ito bilang thank you sa lahat ng bumoto sa akin kaya all-smile lang talaga,” sabi ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FLOWERS FROM DINGDONG. Bago ang victory party ng FHM, nag-post si Marian sa Instagram ng larawan kung saan hawak niya ang napakalaking bouquet ng red roses.

Sa caption ay nakasulat ang: “Salamat mahal sa flowers. @dongdantes…. I Love You.”

Hindi personal na napanood ang kasintahan ni Marian na si Dingdong Dantes ang pagrampa ng aktres dahil may taping ang aktor ng Ang Dalawang Mrs. Real kahapon.

Ayon kay Marian, gusto niya sanang manood si Dingdong.

“Pero sabi ko nga, kahit wala siya rito, dahil sa letter niya, kinilig ako.

“At nagkaroon ako ng lakas ng loob talaga bilang hindi siya makakapunta dahil nasa taping siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN