Erich Gonzales posts picture with non-showbiz boyfriend on Instagram

Sampung taon ang tanda ng non-showbiz boyfriend ni Erich Gonzales sa kanya pero wala naman daw silang naging problema sa agwat ng kanilang edad. Wala rin daw itong tutol sa mga sexy niyang eksena sa Once A Princess.


Tatlong taon na ang relasyon ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa kanyang kasalukuyang boyfriend, pero hindi pa rin niya ito ipinapakilala sa publiko.

Sa kabila nito, bukambibig ng 23-year-old Star Magic talent na mahal nila ang isa’t isa at suportado siya ng kasintahan sa kanyang showbiz career.

Ngunit nitong nakaraang July 1, maraming tagahanga ni Erich ang natuwa nang nag-post ang aktres ng larawan sa Instagram, kung saan kasama nito ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters ng Kapamilya network si Erich sa promo pictorial ng pelikula nitong Once A Princess, sa DTC Building ng ABS-CBN, kahapon, July 9.

Dito ay tinanong namin siya tungkol sa Instagram post niyang ito.

Ano ang nag-udyok sa kanyang ipakita na sa publiko ang kanyang nobyo?

Sabi ni Erich, "Hindi ko nga po alam.

"Actually, that day, na feel ko lang yung happiness ko, hindi ko ma-contain.

"Pinost ko na kasama ko yung kapatid ko, yung mga friends ko, ’tapos siya.

"Yun, sobrang saya lang and parang nothing to hide naman.

"Ever since, very open naman po ako na may boyfriend ako.

"It’s just that, siya talaga, personally, ayaw niya [isapubliko].

"Dahil sabi niya, ‘Hindi naman ako artista. Ikaw na lang,’ ganyan.

Natatawang dagdag ni Erich, "’Tapos hindi niya alam, pinuslit ko! Pero ngayon, alam na niya."

INCOGNITO BUT VERY SUPPORTIVE. Karamihan sa mga komento ng fans ni Erich tungkol sa boyfriend niya ay artistahin daw ito.

Kamukha rin daw ito ng sikat na Korean star na si Lee Min Ho. Ano naman ang sabi ng boyfriend niya tungkol dito?

Saad ni Erich, "Pinabasa ko nga sa kanya yung mga comments sabi ko, ‘Ito yung mga comments o,’ tapos sabi niya, ‘Naku,’ ang sabi lang niya para daw ma-feel good siya at para puwede mag-post pa ulit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Last na ‘yan ha,’ sabi ko, ‘Pag-iisipan ko.’"

Ano naman ang pakiramdam niya na hinahangaan ng kanyang mga tagahanga ang kaguwapuhan ng nobyo?

Kinikilig nitong kuwento, "Nakakatuwa dahil siyempre po, kahit sabihin naman natin na its my life, pero nakakatuwa also na masaya sila for me na sinishare nila yung yun, kumbaga good vibes lang. Happy, happy."

WEDDING BELLS? Dahil tatlong taon na ang kanilang relasyon, napag-usapan na kaya nila ang pagpapakasal?

Aniya, "Ay grabe. Matagal pa po,uhm alam naman niya na priority ko talaga yung work ko. So, itong Once A Princess excited na siya kasi lagi naman na pag may movies (ako) nagpapa-block screening siya, very supportive siya talaga, incognito."

Aprubado ba ng boyfriend ang mga sexy scenes niya sa pelikula? Kuwento ni Erich, "Eversince naman wala naman siyang say sa trabaho ko, kumbaga like what I’ve said supportive talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN