Director GB Sampedro admits courting TV5 actress Ritz Azul

Director GB Sampedro on huge age difference between him and Ritz Azul: “Age naman, e, number lang ‘yan. Napakasuwerte at napakapalad ko kung ako yung mapipili niya, ‘di ba?”


Usap-usapan ngayon ang pag-uugnay sa direktor na si GB Sampedro at sa Kapatid young actress na si Ritz Azul.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk GB (Giuseppe Bede) sa presscon ng Cinemalaya 2014 kahapon, July 9, ay tinanong namin siya tungkol sa kanila ni Ritz.

Sabi niya, “Ano pa lang… getting to know each other pa lang.”

Pero asam daw niya, “Sana… sana mapunta dun.”

Ibig sabihin, nanliligaw pa lang siya ngayon kay Ritz?

Saad ni Direk GB, “Ako kasi, hindi talaga ako marunong manligaw, e.

“Siguro kung panliligaw yung tawag dun… nililigawan ko siya.”

Hindi naman daw alintana ni Direk GB ang malaking agwat nila ng 20-year-old Kapatid star.

Sabi niya, “Age naman, e, number lang ‘yan. Napakasuwerte at napakapalad ko kung ako yung mapipili niya, ‘di ba?”

Anong espesyal na katangian ni Ritz ang nagustuhan niya?

“May mga ugali kasi na pareho kami, may mga bagay kaming napapagkasunduan.

“Yung pagpapalaki sa kanya, parang same as mine at sa pamilya ko rin.

“Yung family background namin, medyo similar,” saad ni Direk GB.

Paano sila nagkakilala ni Ritz?

“Dito sa S6parados… pero nagkakilala na kami three years ago.

“Nagkakilala kami sa Delicious, sa isang show ko, ‘tapos nagkikita lang kami sa mga guesting niya.

“Pero naging close kami dito na sa S6parados.”

Ang S6parados ang pelikulang idinirek ni GB at entry sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya ngayong taon.

Bago ang pagkakaugnay ni Direk GB kay Ritz ay nagkaroon din siya ng relasyon sa comedienne na si Candy Pangilinan at sa Brazilian model-TV host na si Daiana Menezes.

Parehong naging kontrobersiyal ang breakups ng direktor sa dalawa.

Dati ring asawa ni GB ang talent manager na si Maristel Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN