Eula Caballero believes Nora Aunor deserves to be a National Artist

Eula Caballero on why Nora Aunor deserves to be a National Artist: "Parang ang daming recognition na, kumbaga, umingay ang pangalan ng bansa natin... sa ibang mga film festivals sa ibang bansa. Sa sports, napapag-usapan na rin tayo, sa ibang mga larangan, like sa beauty pageants. Sa industriyang ito, parang minsan lang tayo ma-acknowledge, e."


Buo ang paniniwala at pagsuporta ng TV5 Talent Center artist na si Eula Caballero kay Nora Aunor na karapat-dapat itong hiranging National Artist.

Ito ang inihayag ng Kapatid young actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng TV5 noong Huwebes, July 10.

Nakatrabaho na ni Eula ang Superstar sa mini-series ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina, noong 2011, kung saan ginampanan niya ang isa sa mga anak ni Nora.

Bilang itinuring na anak-anakan ng Superstar, nalungkot daw si Eula na nalaglag ang kanyang nanay-nanayan sa listahan ng mga bagong hihiranging National Artists.

Sabi ni Eula, “Nalulungkot talaga ako kasi si Ate Guy.

"If you ask me kung ano ang una kong titingnan kapag pipili ako ng National Artist...

"Athough, I’m not naman professional, hindi naman ako yung may professional na batayan sa pagpili.

"Pero as a Filipino, parang ang daming recognition na, kumbaga, umingay ang pangalan ng bansa natin because of her achievements overseas, sa ibang mga film festivals sa ibang bansa.

"Napakalaking karangalan nun na mapag-usapan tayo through her name, ’di ba?

“Kasi sa sports, napapag-usapan na rin tayo, sa ibang mga larangan, like sa beauty pageants.

"Sa industriyang ito, parang minsan lang tayo ma-acknowledge, e.

"Ang daming aktor naman talaga na magagaling sa buong mundo and nabigyan tayo ng acknowledgement through her.

"So, sana, I am hoping na sana ma-recognize ‘yun.

“And doon sa bad issues na ibinabato nila, if that’s true, nakita naman po natin how she managed those issues, kung paano siya tumayo from that struggle.

"Parang yung buhay niya is very inspirational na hindi natatapos ang lahat sa isang pagkakamali.

"It’s about how you rose from all those troubles, from all the troubles you’ve gone through in life.

"Kaya nga parang ang laking aral na makukuha ng bawat Pilipino sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And she is still the Superstar after everything, hindi nawala yun.”

GOOD PERSON. Kung mabibigyan nga raw ng pagkakataong papirmahin si Eula sa one-million signatures campaign na isinasagawa ng Nora supporters ay very willing siyang pipirma rito.

“Ibibigay ko po talaga [ang pirma ko].

"She really deserves it hindi lang dahil sa pagbangon niya from her mistakes, hindi lang dahil sa galing niya sa pag-arte, but because isa siyang mabait na tao.

"And her body of work can attest kung anong klaseng artist siya, ’di ba?”

Ano ba ang mga hinangaan niya kay Ate Guy noong nagkasama sila sa Sa Ngalan Ng Ina?

“Humanga na talaga ako sa kanya noong unang beses pa lang na magkaeksena kami, sa unang araw na makatrabaho ko siya, kasi inalalayan niya ako.

"Iyon yung kauna-unahang soap opera ko na mabigat yung role ko, pero inalalayan niya talaga ako.

"Nakakahiya kasi Superstar yung kaeksena ko, e, baguhan pa lang ako.

"Pero naiintindihan niya, wala siyang kaere-ere, hindi siya yung, ‘Superstar ako, ayus-ayos mo ang ginagawa mo!’ Walang ganun.

“Nung nag-victory nga kami para sa Sa Ngalan Ng Ina, sobrang na-amaze at mas humanga pa lalo ako sa kanya kasi sobra siyang mapagbigay.

"Biruin mo, nagpa-party siya, bumili siya ng kung anu-ano, ng ref, ng mga pang-giveaway sa mga staff, sa mga crew, sa mga co-stars niya. Para lang mapasaya niya ang lahat.

"To think na binigyan niya kami ng opportunity na makatrabaho siya, masayang-masaya na kami.

"Meron pang mga ganung tokens na pang-thank you sa amin.

"Siya pa nga yung nagpapasalamat.

"Grabe talaga, ibang klase yung kabutihang-loob niya."

MOTHERLY. Hanggang ngayon daw ay ipinararamdam pa rin ni Ate Guy ang pagiging ina niya sa tuwing magkikita sila sa mga event ng TV5.

“’Pag makikita niya akong nagpe-perform sa stage, sasabihin niya, ‘Hoy, anak ko iyan. Naku, dalaga ka na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sixteen pa lang ako noong nagkatrabaho kami, so everytime na magkikita kami, sasabihin niya, ‘Padalaga ka na nang padalaga, nagdadalaga ka na talaga.’

"Kapag bumabati kami sa kanya, hanggang ngayon ‘Nanay’ ang tawag namin sa kanya.

"Kami nina Nadine [Samonte], Alwyn [Uytingco], Edgar [Allan Guzman].

"Parang isang pamilya talaga kami sa show na iyon [Sa Ngalan Ng Ina]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN